pinoy ako!sa isip,salita at sa gawa..(KAMALAYANG MALAYA)

anong iisipin mo pag may nakita kang ganito??

(banyagang binabandera ang watawat ng pilipinas)

DISKRIMINASYON!

yan madalas na nangyayari sa labas ng ating bansa, at partikular sa amerika.. at dahil sa ibat ibang lahi ang nagkakasama sama sa bansang  iyon ay hindi maiiwasan ang pag tutunggali at diskriminasyon. at wala ka nalang laban kundi paano mo maipagtatanggol ang iyong sarili at iyong lahi.

MALAYA!

totoo, lahat tayo ay may layang gawin ang mga gusto nating gawin sa ating sarili.. kasama na d’yan ang pagpapanggap,magmamahal ng ibang kultura, at pananaw.. partikular na ang pagpapanggap bilang banyaga, pagmamahal sa wika ng ibang lahi kaysa sa sariling wika, at pagbabago ng pananaw na kinopya na lamang sa ibang lahi.

KAMALAYAN!

ating bang namamalayan na maraming banyaga ang nagmamahal sa ating lahi? atin bang namamalayan na kahihiyan ang paglayo/pagsalungat sa ating kinagisnang kultura?

hindi ko maintindihan na kahit ang bawat salita at gawa ay binabago para maging isang pekeng banyaga.. eto ba ay nakadadagdag ng pagkatao? hindi  ko sila hinuhusgahan dahil gaya ng sabi ko ay may laya ang bawat tao sa gusto nating gawin sa ating sarili pero minsan nakaka dismaya lamang na minsan ay sariling kapwa pilipino pa ang magpaparamdam sayo ng diskriminasyon.. kapal mo! yabang mo! pakiramdam mo tao ka na! tampalin kita d’yan eh!

nand’yan yung wala pang anim na buwan sa amerika eh hirap na daw mag tagalog..ADIK KABA?! mga magulang na hindi tinuturuan ng tagalog ang anak dahil nasa amerika daw sila.. EH ANO NAMAN?! si ate/kuya na nagpupumilit na magsalita ng banyaga kahit na kausapin mo ng sariling wika.. KAHIT NA NAGBUBUHOL BUHOL NA ANG UTAK KO DAHIL SA PAGKABUHOL BUHOL NG SINASABI MO!

isang beses tinanong ko ang kapatid ko kung hindi ba nagagalit or nagtatanong ang mga kapwa nya banyaga sa eskwelahang kanyang pinapasukan dahil watawat ng pililpinas ang nkabandera sa sasakyan nya? ang sagot nya akin ay “nagtatanong.. pero tinapat ko silang mas gusto kong maging pilipino kaysa maging amerikano”. at kinumpara nya pa kung gaano katamad at dugyot ang mga kaklase nyang amerikano. at tawa ako ng tawa ng mga oras na yon..

at nang sandaling iyon wala akong nasabi sa aking sarili kundi…PINAGMAMALAKI KONG MAGING ISANG PILIPINO!

“Ang manamit ng hiram, sa daan hinuhubaran.”

ps.
hindi ako manunulat
bobo ako sa sanaysay
at lalong hindi ako henyo.
ang meron lang ako ay PUSO
para suportahan ang
mahal kong lolo kulisap
(oo!mahal ko sya kahit mapanghe na)

KAWING: http://glaze9980.blogspot.com/

About these ads

163 thoughts on “pinoy ako!sa isip,salita at sa gawa..(KAMALAYANG MALAYA)

  1. waaaa nagpaka gentleman c kuya pong oh! ahahaa.
    waaaa i nid to slip na.!! sayang… :(

    salamat po sa pagbase eheheheh..

    godbless sa iyo mwaaahugz!

  2. tama naman itong post mo KD…

    madami talagang ganya ang takbo ng utak at uso ang crab mentality huh ano un hahaha

    Pilipino sa pilipino ang nag sisiraan at nag tatakwil sa kanyang nationalismo. Kakahiya sila.

  3. palagay lagay pa kase ng password. nahuli na ko oh. tsk… gusto ko ung huli mong sinabi na ginawa mo to para suportahan ang lolo mong mapang, ang lolo mo. nakanaman! :)

  4. Mahal na mahal kita apo. yong lang.

    Pakilink sa bahay ko ang iyong lahok.

    Pangalan
    Lokasyon
    Ugnay/Link

    Magrefer ka na rin ng blogger na wala pa sa blogroll ko.

    Apo, mahal na mahal kita, ngayon lang.

  5. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

  6. masyado akong nadala sa tanong mo kung namamalayan ba natin na maraming banyaga ang nagmamahal sa bayan natin.

    iba talaga ang pinoy. masipag tayo, masinop at malinis…saka gwapo’t gwapa. hehe

  7. Nakakaantig ng damdamin ang iyong isinulat. Napakalalim at may puso.
    Nasasalamin talaga sa iyo ang marka ng isang tunay na Pilipino.
    Mabuhay ka!
    Mabuhay ang Pilipinas!
    Punitin ang ating mga cedula!

  8. anakng! hala! may entry ka na! buti ka pa!
    waaah!

    proud pinoy!
    taas noo kahit kanino! ang pilipino ay ako… whut???!

    hakhak!

    naprepressure cooker ako sa mga lumalabas na entry.
    ayaw ko na ata ipublish ang akin.

    nahihiya ako sa mga nababasa kong mga entry. syaksss!

    • apir eligirl ako din parang baback out hahaha,,gusto ko sanang sumali pero kamusta ang gagaling ng mga writer ano hehhee…goodluck satin hehe

      • ahahahayy.. asan ka na teng?

        hmm.. hindi sakto ang mga stars natin sa ilang araw na nakalipas..
        sa susunod.. matityempuhan mo rin akong nakikipaglampungan sa chat.. wahahha…
        pero dahil labidabs kita.. cge na nga.. view ka na kahit pang-adults ang scene.. wahahha.. hangkulit ko ngayon!!.. ke aga pa.

  9. @Taga Bundok

    Ako alam ko kung bakit BATMAN twag mo kay Sis Kaye..likaa d2 ibubulong sikreto kc hahahaha (para kcng paniking adik na ayaw matulog sa gabi wahahahah!) Peace Sis love u much….mwah!

  10. kailangan din natin iakma sarili kung kinakailangan.
    importante manatili kang ikaw at wag kalimutan ang magagandang bagay na ating taglay.

  11. mare!!!!!!! kahapon nakita ko na may bago ka topic at nung pinuntahan ko itong bahay mo hindi ako makapasok.naka lock? hehehe.kaya now lang ako nakapag comment at ang haba ng pila ah..pang ilan ako sa nag comment?hehe.
    proud na proud talaga na tayo’y isang Pilipino sa isip sa salita at sa gawa. ^_^

  12. Makabayan ka tlga :-) cencya na wala akong masabing matino pwedeng 50/50 lng ang sakin wak ka magalit ha, medyo nawawalan na kc ako ng gana sa Pilipinas parang nakakawala ng ganang umasa sa paulit ulit na pangako ng mga nakaupo sa tasa at sa mga taong nakapaligid dito nawawala yung disiplina sa sarili halimbawa na lamang nakatira ka sa tulay isa kang basurero kung nasa tama kang pagiisip bakit ka magaanak ng 7 hanggang sampu, kagabi habang nanonood ako ng news walang mga classroom ang milyong milyong studyante :-( hay d2 na lang muna…:-(

    Pero ako pa rin to at hanggang ngayon dala dala ko ang pagkapilipino ko sa isip sa salita at sa gawa :-) Ako ay Pilipino may dugong maharlika :-)

      • @sphere-hindi glit ako! ahaha. loko lng.. naku te cnb mo pa minsan nga pag nanunuod aq ng wowowee tpos ung tema mga maghihirap tpos ttnungin ilan anak, ssbhn 5,6,7,8,9,10 minsa higit pa! kakainis! tpos ccchin ang gobyerno… mga adik! eh cla my kslanan bkit cla hirap.. tsk! ayan nddla ako. ahaha.

        @lkulissp- talahib na tumutubo kahit hindi diligan, zzzzzz lolz

  13. talagang laganap na ang pakontest ni lolo kulisap..
    yup tama ka na kailangan nating mahalin ang bayan natin ngunit minsan hindi lang naman sa pagtangkilik sa sariling atin at pagpapahalaga sa wika nakikita yun.. ang tunay na pagmamahal sa bayan ay pagsilbi sa bayan.. nakikita nating ang daming mga nangangailangan.. minsan kapitbahay natin at kung totoong mahal natin ang bayan natin ay handa tayong tumulong at dito natin maipapakita na makabayan nga tayo.. gawin nating halimbawa si efren penaflorida na kung saan naging CNN hero of the year.. wala sya sa position pero naipakita nya ang kanyang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagtuturo ng libri sa kanyang mga nangangailangan kababayan..

    • waaaa. korak!
      aktwali hnd lng s pagsslita ng wika ang pino point out q d2.. but those pilipinos na minsan minamaliit ang pggng pilipino.hnd q nlng nsb lht ng example eh. kya nga pagdi discrimination ng sariling lahi.sad yun!:(

  14. sadyang di nawawala ang discrimination and racism na talaga nman nkakasama ng loob….tsk tsk

    ayos ang post mo kayedee… apir!!

    palink ako sa blogroll mo…haha

    thanks

  15. Ang galing Kaye!

    Pinagmamalaki kong isa akong Pilipino at ipinagmamalaki kong nakilala kita! Oha!

    Ang mga iba kasi sa’ting mga pinoy, por que nakatapak na ang kanilang mga paa sa bansa kung saan umuulan ng niyebe. Pakiramdam nila, biglang nagblo-blonde ang buhok nila’t kumikinang ang mga balat nila. Haist..

    Isang pagmulat sa lahat ng ating mga kalahi!

    Ingat!

    • waaa salamat chevy :)

      naks nman! ahahha

      natawa nman aq dun ahaha.. nagblo-blonde ang buhok! hahha..
      at almo ba karamihan sa mga nag aattitude eh ung mga nkapangasawa ng american.(hang papangit nmn ng mga aswa nla) ahaha..pero hnd lahat ha,, mdalas lang ehehhe.. kya asar ako!

      • Hello Kaye!

        Hahaha. Naka naman! Siempre, sino bang magsasabi ng hindi? Ituro mo’t nang malaman niya ang hinahanap niya. Hahaha. Kung sino ka man??!!Joke lang yun, hehehe. Pinapraktis ko lang yung linya ko sa play. Hahaha

        Sabagay, pakiramdam kasi nila. Tataas din ang tingin ng tao sa kanila dahil mataas ang tingin nila sa kanilang mga sarili. Haist..

        Pilipino talaga, kaya walang nagaganap na pag-unlad!

        Happy wikend Kaye!

      • waaa seryoso? may play ka? galing nman ;)

        korek cnbi mo! minsan nkakabwct din ang ibang ugali ng mga pinoy! ahaha

        ingzt plge chevy!

  16. Nakow korek ang sinabi mo Kayedee. Napansin ko yung mga Inglis ng Inglis na Pinoys…puro Pinoys naman silang magkakausap. Pinoy ako 100%, dito lang ang address.

  17. ang babaw kasi ng sukatan ng karamihan ngayon sa pagiging filipino,kayedee.

    ngayon,pag nagsuot ka ng 3stars and a sun,iisipin ng iba na patriyotiko ka na at makabayan.kapag nilisan mo naman ang pinas,iisipin naman ng iba na hindi mo na ito mahal.pagnalihis ka sa katutubong wika,sasabihin na nagbago ka na.kapag niyakap mo naman yung katutubong kultura,sisisihin ka na yun ang dahilan kaya walang nagbabago.

    ako,hanggat kaya ko,sa simpleng paraan,hindi lang pagiging filipino….kundi pagiging tao,gagawin ko ang lahat ng bagay na makabubuti para sa mga taong nasa paligid ko….intsik man yan o filipino din.

    sa bandang huli kasi…tayo mismo….ang may mga matang umiiyak,mga labing tumatawa,may mga tiyang nagugutom,katawang napapagod at pusong tumitibok ang nagbibigay kahulugan kung nasaan nga ba at anu nga ba ang kahulugan ng kadakilaan na mapa-uri sa kung anu mang bansang nais nating kilalanin tayo.

    saludo dun sa dalawang banyaga.minsan,kailangan pang sa kanila manggaling ang salitang nagpapanumbalik ng kakayahan nating magmalaki.

    ingat ka lagi at mabuhay ka kayedee.

    naknampucha sa haba ng comment ko.ang ganda kasi nung topic mo.

    • waaaa. oo nga kuya dukz, ang haba tuloy ng binsa ko! ahaha..
      bsta kuya ang kinaiinisan ko lng tlga eh ung mga pinoy na nagdidiscriminate ng kapwa pinoy..!wag dpt gnun.. dpt tayo tayo ang magtulungan db lalo na pag nsa ibang bnsa tayo..

  18. Buhay ang sambabalog dahil sa inyo. Maraming salamat po.
    Hindi mauubos ang pasasalamat ko, limang toneladang pasasalamat ang baon ko sa pasiklabang ito.

    Hi Miss. Talahib

    • ako din pinoy sa isip, sa kulay, sa paniniwala, sa pananalita at sa gawa… iba ang angking talino at talento ng mga pilipino kaya maraming banyaga ang naaliw sa atin, maraming humahanga sa atin. ibang level tayo! pinoy tayo eh!

      yaring mga banyaga di naliligo!

      • @kulisap- awwww.. ikaw pa lo eh malakas ka sakin ng uber! ;)

        ahahha.. halabshu mr talahib! :)

        @dhyoy- waaa korek! cnb mo.. nagpapabango lang! ahahhaa

  19. mahal ko ang Pilipinas. pero di ko maiwasang tumaas ang kilay sa mga kapwa ko pilipino. example: sa building na pinapasukan ko, sisitahin ng guard ang pinoy na walang id. pero pag koreano, parang naka epass. dire-direcho. susmiyo.

    nakakatuwa naman na kahit nasa ibang bansa kayo, na-retain sa pamilya nyo ang kamalayang pilipino. mabuhay ka,kayedee. mabuhay kayo!

    • hai naku bb kuracha.. minsan nkakabwct ung mga pinoy! cla mismo ang nag didiscriminate ng kapwa pinoy! tsk!

      naku salamat po. proud to be pinoy e! ;)

  20. Belated haberdey pala sa mudrax mo hehehe…

    Ewan ko b bakit ang OA OA ng ibang kababayan ntin hirap n daw managalog after mkatuntong ng Tate hahahaha…

    Dahil sa sinabi mong proud ka maging pinoy, proud din ko sau hehehe…

    Nagbabalik hehehe…

    • tnx kuya jag ;)
      waaa korak! nkakatawa grabe nung cnb skin ng fren ko na yun nga, ung fren daw nya eh wla pang 6months na nasa tate eh hirap na magtagalog! ntwa ako ng uber! ahhaa, adik db?! lolz

      weee, at dhl proud k skin, proud dn ako sayo! ahaha

      ayos! *hugz*

  21. Yo..yo..Mga kababayan ko, dapat lang malaman niyo, bilib ako sa kulay ko ako ay Pilipino.
    Kung may itim at puti, mayron namang kayumanggi.

    Break it down, yo.

  22. unang post mo palang neto nabasa ko na, ang bastos ko teh d pala ako nakapag iwan ng puna . ahaha ! pero ang tapang ng ““Ang manamit ng hiram, sa daan hinuhubaran.””
    hahaha! teh naman, panu wala ko pambili ng sarili :D

      • HAHAHA ! naku ateh asa naman ako na makaka base ako sa mga tulad nyong sikat .. mauunahan ko ba un mga laging nasa unahan . hanga nga ko dun eh hahah ! amm .. pag nanghiram ako teh baka naman hubaran ako , hahah

      • ngek! adik ka geylii. sikat ka jan! :)

        my sikreto bkit nagbabase. bulong ko sayo! ahahah..

        ahaha..edi hram lng ng hiram pra d maubusan ng isusuot kht hubaran! ahahaa

      • hahaha ! sikat man talaga :)

        sige bulong mu sakin . malay mo sikapin kong wag matulog, mabantayan ko lang ang bawat blog nyo para makaranas din ako nun base base na un ahaha .

        haha! ayoko mahubaran , baka nga damitan pa ko ng mga tao kesa makita nila katawan ko . isipin nila poste lang ako :D

      • ang sikreto jan geylii. i add mo kme sa fb kc pinopost nmin sa fb pag my bago kmeng entry! ehehhee…

        waaaa pereho pla tyong poste lang eh! ahahhaa

      • eh ateh kayedee ko, dina po ako nag pe-facebook hehehe . next time next time pag kaya ko ng harapin ang iniwang sakit
        pwhahahaha ! etchos!

        wuu! poste daw sya . pakiramdam ko maganda hubog ng katawan mu ee :)

      • waaaa. kapatid na geylii.. kc ikaw ang pang 36 na nag entry,, yun un! ehehe

        pero im sure sa husgahan cgurdo ako nsa top10 ka! i likey ur entry kaya! ;)

      • hahahah ! nde joke lang po un .
        (pero dinibdib ko talaga un, pang 36 lang ako hahahahaha ! d joke lang po ulit)
        kaninang umaga teh naisip kita *weird* kasi naisip ko gusto ko ba si kaye abad? eh karibal ko sya kay chito tapos iiwan lang din pala nya, tapos naalala kita hahaha !

      • ahaha. ntawa ko sayo! ahahaa (uli) lolz

        ay bkit like mo c chito??

        mtgl ko na gus2 c kaye abad highskul palng! mula ng npagkamalang ako! ahahaha.

      • eh magaling sya mag concert nakakatawa kasi, hehe tapos magaling naman sya umawit diba ? though un looks hindi ganun un gusto ko pero pag kasi magaling umawit nagmumuka ng gwapo hahahah !

        ay naman! kaya mu pala paborito kasi nakahawig mo hahahaha ! magaling ka teh

      • ehh ! gasino ba naman un maligo ka ng higit sa beses araw-araw ( teh wag ka gagaya sa mga tao sa lugar mo, bihira sila maligo sa pelikula diba ? hehehe )

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s