signing off!!

nagsimula ang kayedee’s journal nang kinailangan kong maglabas ng sakit na nararamdaman ko ng mga panahong gusto kong isagaw lahat lahat ng walang makakarinig sakin lalo na ng mga nakakakilala sakin.. dahil ang totoo ayaw kong malaman nila ang katotohanang sobra akong nasasaktan..ganoon kasi ako ayaw kong may nakakaalam na nasasaktan ako especially sa family ko.. i always pretend to be the strong one! kahit sa loob loob ko ay isa akong napakahina na tao pagdating sa emotion..

hanggang sa unti unti ay nakilala ko ang tunay na layunin ng blogging.. hindi lang pala ito blankong pahina na pwede mong sulatan ng mga gusto mong sabihin sa tuwing tayong nasasaktan.. dahil dito mo makikita ang ibat ibang uri ng tao.. ang iba ay sumusulat ng patungkol sa politika, showbiz, minsan ginagawa nang diary dahil sinusulat ang mga pangyayari sa knilang buhay, at madalas nga eh sa blog nilalabas ang mga sakit na pinagdadaanan..

pero kung ako ang tatanungin nyo.. BAKIT AKO NANDITO?

nananatili akong isang blogger dahil iyon sa mga kaibigan na nakilala ko dito sa mundo ng blogging.. hindi ko inaasahan na sa iksi ng panahon ko dito ay may mga makikilala akong kaibigan talaga namang tunay na kaibigan na alm kong lumabas man ako sa mundo ng blogging eh makakasama ko pa rin..

salamat sis jam asahan mong hindi ako mawawala sayo basta’t  pagkatiwalaan mo ang pagmamahal na binibigay ko

salamat mareng lady dark, hindi man tayo sobrang close ang mga mumunting pag uusap natin nawa’y magdala sa isang matatag na pagkakaibigan

salamat kikilabotz, alam mo naman ung bakit mahlabz kita diba.. dahil ikaw ang unang nagparamdam sa skin dito sa mundo ng blogging =) at hindi ko inaasahan na mas lalalim pa ang ating samahan at asahan mong hindi ako magbabago at sana ikaw din (kundi tatampalin kta) jowk (ng halik) hehe..

salamat lolo kulisap sa pagpapatawa sa skin ng mga mahaharot mong hirit! minsan nga iniisip ko kung lolo kaba talaga dahil sa sobrang cool mo hahah..

salamat ate kaye a.k.a ms dragonfly dahil sa tiwala na binigay mo at higit sa lahat sa pagmamahal mo bilang kaibigan

salamat “sayo” sa pagkakaibigang akin lamang palang ilusyon

salamat choknat at keso sa pagiging  kaibigan dito sa mundo ng blogging at camille kahit na madalang tayo nakakapag kitaan dahil busy ka, pero wala naman sa dalas o haba nang salita bago mapalapit sayo ang isang tao.. but the feeling!

salamat sa lahat ng mga walang sawang nagbabasa at nagkokomento sa aking sinusulat, hindi ko na po kayo maisa isa.. pero gusto kong malaman nyo na sobra ko na- a-appreciate ang pagbibigay nyu ng oras …nkakapang hinayang lang dahil alam kong marami pa akong magiging bagong kaibigan dito sa mundo ng blogging pero minsan kelangang magdesisyon.. but remember adik will forever be an adik! hehehe..

pero kelangan na po mag pahinga ng inyong lingkod sa isang ma emosyonal na kadahilanan ( oo emotional tlga! eh emoterang nilalang ako eh!) hehhe.

KAYEDEE’S JOURNAL IS SIGNING OFF!

p.s

masama bang maging malambing?

SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA!

53 thoughts on “signing off!!

  1. Hmmm Ako kaya ang nauna this tym..sana naman! Sis im ur forever Sis kahit maraming di naniniwala sa forever basta ako andito lagi 4 u..at yaan mo na sya..maiisip nya rin yun and siguro lab ka rin nun..medyo di nga lang nya kayang ipadama sa mas mababaw na paraan..you know whom i’m talking about db? Iloveyou sis..at hindi masamang maging MALAMBING coz u catch me on dat attitude!…..

  2. hmmm signing off na talaga?!
    pangalawa o pangatlo ka na ata sa kakilala kong blogger na nagpa-alam na. pero sana gaya ka rin nila na nagbabalik matapos akapagpahinga.

    mabuhay!

  3. ano nanaman toh? iiwanan nanaman ba ako ng taong mahalaga sa akin?hooooooooooooyyyy.. hmmmmmp!! iiwan m talga kmi?hmmmmmm. papaano n to!? haayyy. ayaw ko

    hnd pwede

  4. naku..kung saan ka man padparin ng iyong mga paa, mag iingat ka.. nawa’y makabalik ka agad sa mundong ito ng blogosperyo at iparating sa amin ang mga karanasan mo sa pagpapahinga mo dito….🙂 good luck good luck goodluck…🙂

  5. hiatus is a far more better term dont you think?
    tama sila, sayang naman yung mga kwento.
    well on whatever endeavors youll be facing, i wish you goodluck🙂

  6. Sis..tinatapatan ang entry mo wahahaha! ganda nyong magtampuhan…haylabshu! oist wag k ng manahimik dyan di sanay ang mundong blogsperyo na di ka gumagala….t di ako sanay na wala ka…

  7. eto pala yung sinasabi mo sa akin.
    at alam mo na din ang opinyon ko tungkol dito.

    take ur tym sa mga bagay na gusto mo.
    wag mo lang masyadong tagalan ang pag hihibernate mo….
    ayan oh… hanap ka na nila agad.

    hihintayn namin ang pagbabalik mo kaye.
    ingat lagi😉 …dito lang si ate.

  8. Ano to??? Ano toh??????
    Ay naku mare why why why ka mag signing off sa iyong mahal na tahanan? IKaw ah..umi’ emo ka…o baka naman kaya ka mag signing off kasi isang bagong tahanan ang iyong bubuksan? O kaya naman..hmmm..mainit din dyan noh? sumasakit din ulo mo.hehehe.ano ba yan. naloloka ko, kung ano ano naiisip kong dahilan noh.

    Anyway, salamat din sa pagiging isang kumare..Tandang tanda ko pa nung first ka na dumalaw sa blog ko, sinubukan mo yung maliit na ym messenger ko dun. hindi mo ba alam ikaw yung kauna unahan na nakapansin sa ganon ko at gumamit..hehe.thanks..at salamat din sa pagbabasa mo sa maala nobela kong entry sa blog ko..

    Parang ako ang nag ggoodbye noh? Babalik ka pa..hindi mo pa ako nakikita e..^_^

    INgatz…

  9. i don’t know what makes you walk away from all this,kayedee.

    kung malapit sa puso mo ang pagsusulat,ituloy mo lang hindi man sa pagba-blog.basta sumulat ka pa rin to get rid of emotions na nakapagpapabigat sa loob mo.its so sad when it feels like magkaiba na naman ang direction nating dalawa.ako kase,i’m beginning to enjoy and discover the fun out of writing.ikaw naman,you are about to walk away from this.

    whatever your reason,alam kong higit lahat yun sa kaya naming intindihin na tagasubaybay at tagabasa mo kaya if you have to,just go on.

    sana lagi pa rin kitang makausap sa bahay ko.ingat ka lagi,kayedee!

  10. whao, sakit nun ah.. we need choose what is best for us,because if you ain’t happy in one thing, then there is no need for you to pursue it. it would be a waste of time and effort. but blogging also means alot for me and to me. It taught me countless lessons and numerous friends who inspired me to know the differences of life. As you go and find another way of happiness, perhaps you did it already. I would love to say, “thank you for dropping by and saying hellos to me.. awesome friend. take care!

  11. Aba bat naman hindi ka sasali sa contest ko sayang ang money hehe

    Tsaka kayo na rin guys sali na kayo sa 500 peso contest ko sobrang dali mag lagay ng entry

    http://bit.ly/c8xrnY

    Tsaka don’t quit writing, mundo natin to eh don’t quit just because you feel so.. ibuhos mo yan dito bubuti rin ang lahat!

  12. ay, bat’ ganon…kung kelan lang kita nakilala dito sa blogosphere…ngayon ma miss na kita agad…😦

    oh well, antayin ko na lang kung kelan ka bumalik…Take care and best of luck sa’yo, sis! *HUGS*

  13. anu nangyari… bakit? bakit? bakit?.. wag ka ganyan… ayan tuluy naiyak na ako.. kaw kasi.. wag ka gayan… bumalik ka.. balik.. balik.. balik.. uwahhh…

    hintay pa rin ako sayo parati…
    balik ka na marami kaming naghihintay…

  14. ate naunahan mo ko! mag gaganyan na rin sana ako…pareho rin pala tayo ng dahilan ng paggawa ng blog..mga hindi nag akala na makilala sa larangang ito…ingat ka parati..:).

  15. hala. at bakit mo naman iiwan ang blogosphere? bakit?

    pero kung yan ang desisyon mo eh di sige, ikaw bahala. basta andito kami kung sakaling babalik ka.

  16. naku! ba’t naman ganun. kung sasabihin ko ba sa’yong nahanap ko na yung lugar na hinahanap mo babalik ka dito sa mundong ‘to?

    nawa’y mahanap mo ang kasagutan sa iyong mga tanong at sana’y masipat ka ng konting liwanag nang ‘di ka maligaw sa tatahakin mong daan.

    Godbless!😉

  17. awww gurl! hindi ko alam na nagsign off ka na😦 alam mo, blogging isn’t just about writing things that hurt you. oo isa yun sa mga reasons ng pagbablog. healthy way to release stress ika nga di ba. pero marami namang bagay na pwedeng maisulat. like masasayang bagay di ba?🙂 at alam kong babalik ka pa rin sa pagbablog. kasi once you’ve been a blogger, you’ll always be a blogger😀

    goodluck gurl. take care!

  18. Nagblog ka para maglabas ng mga hinanakit at sama ng loob, ng lungkot, ngayon aalis ka, ibig ba sabihin masaya ka na? Eh di okey kung ganun. Ang tanong, tama ba ‘ko?

    Narinig mo na ba ‘to: “Maglalayas-layas ka pag nagutom ka huwag ka makabalik-balik ha!”
    hehehe.. Di ko buburahin link mo sa crib ko, kahit di ka na magwewento maganda binabalikan ang mga lumang kwento. Pakisara yung gate pag-alis mo kaye baka lumabas si brownie. Hehe! Hmp! Balik ka!

  19. MAGANDANG UMAGA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    YAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!
    GSING NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  20. Oo, nagtatawas ako sa kilikili, mamaya kausapin ko kilikili ko.

    heto na ang mensahe ng mahiwagang kilikili power ko:

    Kung hindi na ito bubuksan, maigi pang idelete na lamang para hindi nasasayang ang oras namin kakapunta dito.

    sungit mode

    • eh gusto q sinasayang oras mo eh!! nang my nagagawa ka naman, hindi kana nga nagpapalit ng lampin u mag isa, pati pagdalaw skin kakatamaran mo pa! hmp!

      sungit mode din behhh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s