spell K-A-I-B-I-G-A-N?

ako’y sobrang nagtataka at nalilito


ano bang meron ako para hindi maintindihan  ng isang tulad mo?


ano bang meron ka at hindi  lubusang maintindihan ng isang tulad ko?


ilang beses akong nagtangka at ilang beses ka ring nagtangka


pero bakit paulit ulit tayo bumabalik sa ating pinagmulan?


ang ating blankong nakaraan?




ano ba kaya mong ibigay sa isang kaibigan?


ano ba ang kaya kong ibigay sa isang kaibigan?


tiwala? katotohanan? ngiti? oras? kwento?


bakit nakakalimutan natin na kailangan din natin mag bigay ng pang uunawa?


pang uunawa na isipin na iba ka, iba ako!


at dahil sa pagkakaiba nalilimutan na minsan nagbibigay ito ng problema.




isa lang ang alam ko…


kung hindi kaya ang salitang unawa at pagtanggap


marapat na huwag nang ipilit na ipasok baka masugatan lang at masaktan

(uyy wag bigyan ng malisya) lolz


kung isang mahinang bagyo lang ang kayang tawirin mas mabuti pang

lumikas na ng maaga ng makaiwas sa pinsalang maaring idulot nito..


ANG INGAT BA AY KATUMBAS NG PAALAM??


48 thoughts on “spell K-A-I-B-I-G-A-N?

  1. bigat naman nito at take note pang kaibigan lang (tama bang pang friendship ito or about love hehehe).

    anyway, ang dulo naman ng lahat ay at least nag-try ka pero dahil sa pakiwari mo ay hindi talaga puwede. huwag na ngang ipilit. mahirap yung forced friendship/ love. disaster ang outcome.

    mabuhay!

    • ehehe mabigat ba? hnd nman po xdo.. hala! frnship lang po e2 positive! aruyyy.

      uu nga eh! kht anung bagay nman eh hnd mgnda ang pinipilit lang! mabuhay din po..

  2. bkit wala dito yung comment ko kagabi..waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh. naiba n looks ng blog mo kayedee..ahaha

    marapat na huwag nang ipilit na ipasok baka masugatan lang at masaktan

    eh masaya kaya kapag ganyan. bwahahahahahaha. uhmm bsta alam ko mag kaibgan tayo. and thats will last for a lifetime

  3. Pinakamataas na uri ng pakikipagrelasyon ang pagkakaibigan.

    Mula sa salitang ito, himayin natin.

    Kaibigan

    Nandyan ang salitang ibig- nais, mahal. Ito ang relasyong wala ka dapat inaasahang ibabalik sayo dahil kusa mo itong ipinagkaloob.

    Kaya ako, wala akong kaibigan dahil sabi nila, pinakamasamang kaaway daw ang mga kaibigan.

  4. bakit nakakalimutan natin na kailangan din natin mag bigay ng pang uunawa?–>ayun oh galing mo naman ter hahhhaa..i love you na talga hahhaa,,,adik adikan nyhahaha….miss yah~~

  5. Ang kaya kong ibigay sa isang kaibigan ay tenga para makinig sa kanyang problema at kamay para maging sagot sa aking napakinggan, kapag nag eemo na naman at sinasaniban ng kaartehan nandyan ang kamay ko para batukan ng pagkalakas lakas.hehehe. Gusto mo ba yun? ^_^

    • wahaha. hindi aq emo noh!! ehehe

      so panu yun 2 lang ang tenga u edi 2 lang fren u? ehehhe..
      kahit pla cgawan kta ng pakalakas lakas eh hnd ka mabibingi kc wla kna tenga??! wahahha.(korny)🙂

  6. puso ang mas mangungusap kahit sa pagkakaibigan

    napanood ko na yung Babe I love you so
    maganda siya mas nagandahan ko kumpara dun sa Miss you Like Crazy

    although yung formula ng destiny and love is very common pero they made it extraordinary.

    yahooooooo!

    • kc kuya kung hindi sinamahan ng puso ang samahan walang mabubuong pagkakaibigan!🙂

      yeheyyy napanuod n nya!! sbi ko naman sayo eh maganda! light lang, compare sa miss you like crazy xdong drama though hindi ko pa pinanuod eh obvious sa commercials ehehe..

      yahoooooo!🙂

  7. K-A-I-B-I-G-A-N

    Marami ng beses na nagkamali ako sa ispeling nyan. Pero naman sa hinaba-haba ng panahon natutunan ko rin kung ano ba talaga tama.

    Eto ang tamang ispeling…. A-K-O

    Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit. Basta, hindi ako nang-iiwan kahit na ako pa ang iwanan, nandito lang ako para may balikan ka.

  8. para sa isang kaibigan,ibibigay ko ang aking oras para makinig.minsan kase,yun lang ang hinahanap natin.an ear to listen.

    magandang araw kayedee!

    • korek! aktwali yun ang isang masasabi kong importante sa isang kaibigan, ang marunong makinig.. wala ng higit na maitutulong sau ang kaibigan kundi ang kakayahan nitong makinig sayo sa oras ng kailanagn mo ng makakausp..

      kaya masasabi kong pde rin nating ituring na kaibigan ang ating mga kapwa bloggers dahil wala clang sawa na pagbabasa ng ating mga cnusulat..kaya namn salamat kaibigang duking ehehe &emo na eto# ahaha..

  9. kaya kong ibigay ang aking oras, ang aking tenga sa pakikinig
    at bibig sa pagpapayo.

    pwede na ba yon kaydee?😀

  10. Unang bisita ko ito dito Kayedee. Teka mukahng may emo ka pa sa maganda tula. Ang masasabi ko lang bilang isang tunay na kaibigan ay kailangang maipadama na andun ka na buong-buo para sa kapakanan ng isang kaibigan.

    • uu nga po lolo the second ehehe.. kaya naman welkam po! la la la la la(singing mode) pxenxa na alm ko wla sa tono pro gnyan aq mag welkam ehehe..

      korak po! hnd nman kelngn plgeng mgksama or magkausp, ang importante eh alm mong nanjan kyo sa isat isa sa oras ng pangangailangan🙂

  11. ano ba maibibigay ko….
    ORAS para makasama siya
    TENGA para makinig sa lahat ng sasabihin niya
    TIWALA
    PAG-UNAWA
    AT MATINDING BANAT para sa kanya
    minsan kelangan magpakakeso para may fun! hakhak! para may tawanan naman!

  12. ako naman oras ang kaya kong ibigay.. oras makipagkwentuhan, makinig, magdinner, etc. at sa tingin ko yun ang pinakamahalaga. cos time is something precious na once taken eh hindi na mababalik. pag binigyan ka ng oras ng kaibigan mo, u feel ur special. kaya minsan pag me kachat ako, nagpapasalamat ako sa oras nya. kasi alam ko madami pa sya pede sana nagawa pero binigay nya yung oras nya sa kin…:D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s