halabshu madir!

naalala ko pag pinapalo mo kami ni ate nung mga bata pa kame. sa kanya dalawang hampas pero sakin isa lang palage..tnx!๐Ÿ˜€

alam ko takot ako sayo noon kasi ang sungit at taray mo. para kang prinsipal kung titignan.. kaya kahit pati mga kaibigan ko takot sayo.. pero ngayon ikaw na ang takot sakin haha!

minsan pumunta tayo sa grocery store. nagsabi ako sayo na may gusto akong kunin.. muntik mo na kong sampalin. terror mo talaga!

nung bday ni andrew(bunsong kapatid ko) inamba mo na ibato ang saldals mo na kahoy ang heels sa akin sa harap ng jowa ko. pano inutos mong ibigay ang bayad sa upa ng swimming pool pero sa driver ng inarkilang jeep ko ibinigay ang pera.

kamusta naman nang magsumbong sayo si andrew (ulit)na hindi sya pinapakinggan na lutuan ng pansit canton dahil busy kami manuod ng t.v ay tamang tama naman na katatapos mo palang maligo kaya siguro mas mainit ang ulo mo, nang biglang baba mo kahit nakatapis ka lang ng twalya. at galit na galit na nagmumura ka at nakita ang laruang kotse sabay bato sa ate kong sa takot ay tumakbo palabas ng bahay kaya sya ang pinagdisisyunan habulin at patamaan. haha.

pinagsasabihan mo ako palage na huwag hayaan na gamitin at kunin ng mga kapatid mo ang mga damit ko.. (sori ka ma, nagka anak kang mabait) lol.

salamat sa mga bag mo na lage mo nilalagyan ng pera, hindi ko alam kung naniniwala kang dapat lage may laman ang bag para hindi ka maubusan ng pera o sadyang ulyanin ka lng tanggalin.. pero halos araw arw kong kinukupitan lalo na nung natuto akong mag gala.

nung maoperahan ako sa apendix. panay tawag mo sa telepono kinukumusta ako.. pero hindi naman ako ang kinakausap mo. kundi si ate! heler.

…. lahat ng mga nabanggit ko ay mga alaala ko sayo nuong nasa pinas pa tayo, pero ngayon….

yung dating parang prinsipal, parang studyante na. makulit, madaldal, mababaw ang kaligayahan..

improvement ka dahil sa mga taste mong pang titser na damit at ayos mo dati, ngayon mas maganda kana mamili ng mga damit kesa sakin kaya madalas pinag iintirisan ko ang mga damit mo๐Ÿ™‚

kahit panay parinig na ikw nalang palage ang nagluluto at kame taga kain lang. ginagawa mo p din..

ikaw na ang umiiwas sa akin pag mainit ang ulo ko..

hindi mo sinasabayan pag nasusungitan kita at sinasabi mo nalang na matandang dalaga na talaga ako..

ang bait mo na sinuportahan mo ang pag uwi ko ng pilipinas. kaya sabi mo kahit huwag nako magbigay sayo ng pera para makapag ipon ako.. panalo!๐Ÿ™‚

at salamat kahit na alam kong against ka sa relasyong pinasukan ko ay sumuporta ka pa rin at hinayaan kung saan ako masaya..

maligayang araw ng mga ina sa iyo ma..

salamat sa lunch. na dapat ay kame ng mga anak mo ang manlibre sayo.. wala! the best kana talaga! ibang iba kana! ahahah!!!.

BETTER LATE THAN NEVER!!.๐Ÿ™‚

2 thoughts on “halabshu madir!

  1. Lahat ng nababasa kong mga entries tungkol sa Mother’s day, nakakatouch.

    Super dakila naman kasi talaga ng mga ina, deserve nila lahat ng pasasalamat at pagmamahal sa mundo!

    Belated happy mother’s day sa mommy mo!โค.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s