ldr…

Dahil sa nauso ang mga networking sites. nauso na din ang mga iba’t ibang paraan ng communication.. kasama na d’yan ang fb, skype, ym, plurks kasama na din ang blogging. etc etc. at sympre dahil nga communication, hindi mawawala ang chat or chatting.. at dahil dito marami na ang nabubuong pagmamahalan? oo may question mark..

Bakit may question mark?
ikaw ang tatanungin ko, naniniwala ka ba na may pagmamahal na magaganap sa dalawang taong hindi pa nagkakasama ng personal? hindi nagkakahawak ng kamay? posible nga ba eto?

Sige. ako ang unang sasagot..
OO… paano ko nasabi? dahil naramdaman ko na.. nagmahal ako sa isang taong 17months na hindi nahahawakan at nakakasama..

paano nangyari yun?
hindi ko din alam..
pero maniwala ka.. mahirap. mahirap. mahirap.. kaya kung may choice ka, huwag ka ng sumubok pa. may mga nagsasabi na “bakit hindi ka nalang maghanap ng anjan? ung malapit lang sayo. marami pa naman kano sa lugar mo” oo nga naman. siguro maganda ang magiging mga anak ko heheh.. pero sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.. gusto kong sisihin si fb at ym at ang chat na yan e, kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararamdaman ang sakit dulot ng LDR na yan!!

yung pakiramdam na miss na miss mo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na pag may problema sya at alam mong kailangan nya ng karamay, gusto mo syang yakapin pero wala ka pa ring magagawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nasa panganib sya at gusto mo syang protektahan pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may okasyon at masaya pag magkasama sana kayo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nag iisa sya at gusto mo sya samahan pero wala ka magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may lumalandi sa kanya at gusto mo upakan ung taong yun pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

Haysss.. puro wala kang magawa dahil malayo ka!!! ang hirap. ang hirap..

Ang LDR ay kinakailangan ng katatagan ng pagmamahal, respeto,pasensya at higit sa lahat tiwala. tiwala at maraming tiwala.. pagtitiwala sa bawat salitang ilalabas ng bibig nya. paano mo malalaman na totoo ang sinasabi nya? dahil nagtitiwala ka.. alam mo ba gaano kahirap na maniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita? dun palang talo kana sa uri ng relasyon nato..

Pero bilang miyembro ng LDR society (meron ba nun?) hahaha!! isa lang masasabi ko..

NAGTAGUMPAY AKO..🙂

36 thoughts on “ldr…

  1. Congratulations then, Ate Kaye!🙂

    Pero kung sasagutin ko yung tanong mo na “naniniwala ka ba na may pagmamahal na magaganap sa dalawang taong hindi pa nagkakasama ng personal? hindi nagkakahawak ng kamay? posible nga ba eto?”, di ako naniniwala e. Skeptic kasi ako, haha.

    • salamat faye🙂

      naiintindihan ko kung bakit d k maniniwla. kc mhrp nmn talgang maniwlaan ung gnun. at mabuti nman kung gnun para d mo mramdaman ang hirap🙂 tama yan. magmahal k lng ng malapit sau pra less stress hehehe..

  2. Ako po, oo.

    I’ve never had a relationship na nagsimula sa chat or social networking sites.. pero I believe, pwede to.

    Marami ng results ang nagmanifest, sa tv, sa kapitbahay, sa mga kaibigan ng kaibigan, sa kamaganak at sa iba pa.

    Tama ka po, Trust has to be given, well, next to love.

    commitment, responsibility, cooperation, loyalty din..

    Congrats nga pala!🙂

    May God continue to bless you and your relationship! ^^

  3. hello, kaydee…

    parang pwede naman. kailangan lang siguro kasingtyaga mo, ahaha. and very trusting ang both parties. mangyayari siguro ‘yon if both of you ay mataas ang identification sa isa’t isa. bibihira yata ang gano’n… pero pwede. dati pa namang may mga ldr, bago pa naging digital ang mundo, ahehe.

    nagkita na naman yata kayo so, ibang level na pag gano’n. alam nyo na ang isa’t isa ng 3D.😉

    • hi ate..

      opo kelngan sobrng tyaga. ilang beses ng naging issue ang trust at nsira na minsan. pro natutunan ko as long as na nagkakaintindihan kau pareho lumalakas ang kapit nyo sa isat isa. sb ko nga mahirap. mahirap. mhirap. hehehe..

      opo after 17months nagkita kme🙂 and yah! nag iba ang level ahihihi.

      • Yes kaydee… you may call me honey…^_^…

        Yep, nakakarelate ^_^ …. on a different level of this LDR…

        Yung no bounds, no boundaries level ^_^…

        Yung against all odds na level…

        Sarap lang mangarap ng perfect relationship in this insanely imperfect world ^_^

      • mga signal #3. wla p naman sa 4 kaya pde pa cgurong malagpasan. kung matatag ang pundasyon ng sinisungan🙂

        sis. ang pag pag ibig n walang hanggan ay dumadaan p din sa ibat ibang bagyo kht pa ang signal# 4.

      • oo nga I agree… dasal ko ay mahawakan ninyo ang pag-ibig na walang hanggan….

        ako man ay naging salat sa ganyang kaligayahan, kung ako ay nakakabasa ng magandang samahan na lumampas sa lahat ng pagsubok, ako ay natutuwa…

        at least di madadagdagan ang kabilang sa aming samahan…SMP (Samahan ng mga Malalamig ang Pasko) hihihi Ito ang samahang ayaw magrecruit ng members hanggat maari!

  4. Ilan sa kakilala ko dito ldr din.. Tsaga mag chat. At mag-free call. 🙂
    Yung isa uuwi this June 15, kasal nila sa June 30. Sa pinas na lang sila magkikita ng tunay😉.
    May isa naman sa Dec. magkikita pagnag-click, next na bakasyon kasalan na.

    Hallo kayedeeeeeeee pa-Hop hop lang… ( nabanggit ko sila para kapanipaniwala di ba😉 ) pero best wishes at good luck syempre sa kanila…

      • Huo ganun nga.. Kasalan na agad.. Web cam ganun.. Parang reto senaryo nila.. Match sila ng families.. Chat ng more or less 1 year.
        Kung sakali di na pwede umatras ..😉
        Tanong: kung lagi mo ba ka cam kilala mo na talaga? Haha nagtanong na ang ate hehehe kaw kasi eh..

        May part 2 pala ito ^_^

      • ay ni match pla e. so kelngn tlg pakasal at no choice. e swerte nla at nagkagus2han dn nmn cla😀
        hmmmm.. aktwali, hnd mo dn tlg mkikilala isang tao ng buo pag d mo pa nakikita… nung ako, i took risk. sb ko pag nagkita kame at may nagbago or may nkita kang unexpected, ttanggapin ko. nega man o postive. en luckily nsa positve ung kinalabasan.. kaya ang end up uuwi ako ulit bwaaaaahhhh

  5. Bago ang lahat, natawa ako kasi may hehe yung “siguro maganda ang magiging mga anak ko”. Dami kong tawa! Hahaha! Anyway… saludo ako sayo. At oo, totoong posibleng mangyari iyan. Napasok na rin ako sa lechugas na yan, kaso lumabas ako agad, di ko keri. Ang hirap totoo, galing mo nga kasi natuloy mo. Ako walkout agad, yoko na, kakatakot, lalo na yung wala akong mabilhan ng tiwala pag paubos na. Tsktsk.

    Oh well… Goodluck, sana dumami pa ang pasensya’t tiwala mo.

    Pero natatawa pa rin ako sa ” siguro maganda ang magiging mga anak ko”. Haha, di ako makagetover.’

    Magandang araw!🙂

    • bakit??? at bakit??? ka natawa sa mgnda ang mgging anakis ko? ahaha..
      ayy buti kapa may lakas ng loob na kumawala.. ako? waley! para akong sundalo e sugod ng sugod. pero atleast ang sundalo nagtatago pag alam na tatamaan ng bala. ako? hala cge ang sugod. suicide mode e! ahahah..

      salamat sa pagdaan kristell🙂

      • e kasi parang seryoso tapos ang saya lang na naisip mo yung mga magiging anak mo talaga. talagang thinking in advance! hahaha. saka hindi ako sundalo. diba ang sundalo, sumasabak sa gyera kahit na alam na maaari siyang tamaan ng bala para sa kanyang ipinaglalaban at mga pinoprotektahan sa buhay. ikaw te ang sundalo🙂

        at napunta tayo sa usapang gyera at sundalo hahaha!

  6. masarap magmahal at mahalin kht na ldr pa sitwasyon gaya ko ngaun… ndi nmn lgeng ganun gagawa kyo ng paraan pra magkita at maipadadama nio ang pagmamahal nio sa isa’t isa…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s