another day..

i am so freakin’ sad.
normal naman siguro yun pag hindi kayo nagkakaunawaan ng taong mahal mo diba? yung away na mapupunta sa alanganin ang lahat. yung pakiramdam na pagod kana at gusto na isuko ang relasyon, na ang ibig sabihin ay pagsuko sa taong mahal mo..

masakit..
ang pakiramdam na hindi mo maintindihan.. nasasaktan ka, galit ka pero bakit nangingibabaw ang pagmamahal at pagkakamiss sa taong mahal mo.

maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko.
hindi ko maintindihan bakit lagi tau nag aaway. normal naman daw sa relasyon ang hindi pag uunawaan pero normal pa ba ang halos araw araw na tampuhan at hindi pagkakaintindhan? ano pa bang pakikipag laban ang dapat kong gawin para sa relasyon na to?

alam kong mahal kita.
hindi pa ba pagmamahal ang tawag sa pakikipag laban kong kahit na alam kong nasaktan at nasasaktan ako hindi ko hinayaang umalis sa tabi mo.
kinaya kong iharap ka sa pamilya ko kahit na hindi madali.
kahit na may mga nagsasabi at alam kong marami din ang mag iisip na masyado akong nalulunod sa pagmamahal ko sayo para talikuran ang buhay ko dito sa amerika kapalit ang buhay na iba para sa akin para lang makasama ka.. takot din ako akala mo! pero nawawala ang lahat ng takot ko kapag maiisip kong magkakasama na tayo ulit at hindi na magkakahiwalay pa.. ang dami nating pangarap na magkasama, pero paano na ang lahat ng eto kapag napunta sa wala?

magsisimula ulit ako sa simula?

isa lang hihilingin ko sana.. huwag mong hayaang mawala lahat ng eto(pagmamahal)….

22 thoughts on “another day..

  1. Naku kayedee ang sad naman …. parang pati ako, nalulumbay din huhuhuhu!

    Sometimes, in our effort to hold on, lalong kumakawala…

    Hindi natin maunawaan kung bakit, pero ang tuwa at lambingan ay napalitan na ng galit at pait…

    Siguro ang kailangan ninyo ay kaunting space…

    Maka inhale at exhale man lang, lalo na ikaw… kasi ang naiinis pumapanget, ikaw rin hihihi (gusto lang kitang ngumiti )

    Ewan ko, naniniwala kasi ako na kung mahal ka, magkakatampuhan kayo pero may pagpapakumbaba kung na realize na nagkamali ng bintang, palagay, pakiramdam o isipin sa isat isa…

    Ewan ko ha? Un lang ang aking palagay….

    Smile ka naman na… pasyal ka lang sa hardin ko kung ikaw ay nalulungkot… halungkatin mo na lang yung mga hindi emo na katha hihihi

    Tulad mo din kasi, ako ay nawawala sa sarili pag nagmahal… kaya ang resulta, bumabahang WP posts hihihi

    Sana matulungan ka nitong katha:

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/05/26/papayagan-bang-ang-minsang-lumayo-sa-puso-ay-muling-manahan

  2. Eto namis ko ang magkokement….sis ilang taon n bng ganyan…till now di ka pa rin nssnay…peace! Mwah! Isa pa.rin pinapaniwlaan ko..kung kayo…kayo…no matter wat will happen

    Kaya wag na sad….lab yu! Namis kita…uber!

  3. hahaha! pwede naba..buhay pa ako.kamusta kana! asan na yung sis mo na yun! oh kung kayo..kayo talaga nyan..sus…ilang years na ren ha. ingat sis? haha!

  4. ang isang relasyon hindi kinukwenta kung anong naibigay at kung anong hindi pa, kase lalabas nun sinusumbat mo or kinukunsensya, kung anong kaya at kakayanin pa.. PLDT affair nga eh, lahat ng dami ng pasensya kailangan,mamili ka kase nyan hahaha pa-emote emote ka pa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s