draft

hindi ko nagugustuhan ang mga naririnig ko.. hindi talaga!

sana maisip mo na masasaktan ang taong mahal mo sa bawat hindi magagandang lumalabas sa bibig mo. mga salitang hindi lang ako ang nakakarinig kundi buong mundo.

nakakadismaya!

ang isa sa pinaka iniingatan kong mawala sa relasyong eto ay RESPETO. dahil sigurado akong kapag eto ang nawala.. mawawala na rin lahat ng mga pangarap na binubuo natin ng magkasama..

alam kong malaki ang mawawala sa akin pag napunta sa wala ang lahat ng eto, kapag ikaw ay nawala.. alam na alam ko yun.

alam ko ang pagmamahal na binibigay at kaya kaya mo pang ibigay sa akin. alam na alam ko yun.

pero sana hindi mo din pang hinayangan na mawala sayo ang nag iisang taong hindi ka kayang lokohin..
ang nag iisang taong kayang tanggapin ang lahat lahat sayo..
ang nag iisang taong kayang harapin ang kakulangan na meron ka..
ang nag iisang taong kayang talikuran ang buhay na nakasanayan para lang makasama ka..

aminado akong masyado akong sensitibong tao pero ako lang ang nag iisang taong kayang iparamdam na ikaw lang ang pinaka importanteng tao sa mundo.

sadyang nakakalungkot..
nang dahil lang sa nag tampo ako dahil nasigawan mo at mas pinili mong kilalanin si manong PRIDE kasya humingi ng paumanhin.. pareho tayong nagkakasakitan ngayon..

sa ngayon. hahayaan kong panahon at pagkakataon ang magdesisyon kung saang daan ang tamang tahakin.

9 thoughts on “draft

  1. naku kayedee…. kanina at kahapon lamang ay masaya kang namamasyal….

    nakakalungkot naman na ngayon ikaw ay tila may pait at lumbay…

    napakasarap mo rin palang magmahal….

    nawa’y matauhan ang iyong kasintahan na pag ikaw ay pinakawalan…

    sa kanya, ita ay magiging isanag malaking kawalan…

    ^-^

    • salamt honey. oo nga e, pro db may ksabihan na ang kasunod ng saya ay lungkot?

      sa lahat ng relasyon, malaki man o maliit ang kawalan mo kapag naghiwlay masakit. pero sana hindi dito humantong. ayaw ko. pero walang hahantungan ang relasyon kung pride ang papairalin.. parang mga artista lang yan e db? ahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s