hindi porke si Piolo Pascual ka na maraming nagkakagusto sayo. gusto na rin kita!

Sa tuwing lumalabas ng stage sa ASAP si Piolo Pascual nagtitilian ang mga babaeng halos wala ng boses na mailabas. makikita mo naman sa mukha ni piolo ang beautiful eyes look nya..

Aaminin ko, noong una na nagsisimula na syang sumikat nagustuhan ko din sya. lalo pag kinakanta nya ang awitin nyang” kailangan kita” hunk na hunk ang lalakeng maganda ang boses. at oo dagdag points sa akin ang lalaking maganda ang boses..

Pero subalit datapwat, unti unti ay napapansin ko ang pag sobra ng pagpapa kyut ni Piolo.. hindi na tama eto, may nakikita akong mali..

ay.. ayaw ko na sa kanya..(oo alam ko naman na ayaw din nya sa akin) hehehe!

hanggang sa may nababalitaan na ako na bading daw sya.. hindi ako nagulat. ah basta hindi lang ako nagulat! :-Dย  at tuloy pa rin ang tilian ng mga kababaihan sa kanya sa kabila ng tsismis.. siguro hindi nila nakikita ang nakikita ko.. o well.. buhay nila yun!๐Ÿ˜€

Hanggang sa mabalitaan ko na sila na ni KC Conception..Aba… ang daming kinilig, natuwa, nainis marahil sa inggit.

nainggit?? oo.. nainggit, dahil nga gwapo, mabango(daw), magandang boses, sikat at higit sa lahat maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. kaya naman malamang na maraming nagsasabi na “sana ako nalang si KC”.. sa madaling salita maraming gustong mapunta sa pwesto na kinalalagyan ni KC..

Pero makalipas ang ilang buwan, pumutok ang balitang hiwalay na sila. nakita kong luhaan si KC na inenterview ni Boy Abunda.. bakas ang sakit na pinagdadaanan at sakit na pinagdaanan nya kay Piolo.. OO.. pinagdaanan, dahil ang akala nilang swerteng KC dahil may Piolo ay puro sakit lang pala ang pinagdaanan sa piling ng hinangad ng iba..

Sa ngayon, sa nakikita ko. masaya si KC sa bagong buhay na hindi kasama ang taong sikat,gwapo at hinahangaan ng iba. bagkus ay MASAYANG namumuhay kasama ang taong hindi kilala, nanahimik sa isang sulok, wala lang sa ibang tao.

Ano ba ang nakain ko at nakwento ko si Piolo at KC? yun na nga e, wala kase ako pagkain kaya bigla nalang ako napa kwento hahahah!!

eto nalang…

Basta ako.. hindi malaking kawalan sa AKIN ang walang Piolo Pascual sa buhay ko kahit pa maraming babae ang naghahangad sa kanya. dahil ang ituturing kong Piolo sa buhay ko na titilian ko hanggang maubos ang boses ko, ang pagpupuyatan ko para lang masilayan at kahit maubos ang lahat sa akin para lang maibigay sa kanya ay ang taong… SIMPLE, MAHAL KO AT HIGIT SA LAHAT.. MAHAL AKO unconditionally (in real sense)..

p.s
pasintabi sa mga taga hanga ni Piolo Pascual.. pero aaminin kong pinapanuod ko ang Dahil sa Pag ibig๐Ÿ™‚

28 thoughts on “hindi porke si Piolo Pascual ka na maraming nagkakagusto sayo. gusto na rin kita!

  1. Ahahahahaha! Ako rin nanonood ng Dahil sa Pag-Ibig pag walang pasok.. Minsan naiisip ko ang gwapo nga talaga nya, eksenang kahit 70/30 na ang rate ng kumakalat at naniniwalang bading sya, eh tinitilian pa rin sya. Piolo is Piolo kumbaga. haha!

    Pero ewan ko, sang-ayon ako, di bale ng walang Piolo, basta masaya kami ni Paulo ko๐Ÿ˜€ ahaha maisingit lang yung pangalan ng jowa ko eh no, magkatunog kasi. hahaha!

    Happy Friday ^^

    • Ay may papa P ka din pala๐Ÿ˜€
      mabuti naman at hindi ka naging KC. ayaw kong makikita na nagpapa interview ka kay boy abunda na umiiyak ha? heheh

  2. haha, hanep ka-screaming ang title. ikaw na, napilitang makisama sa mga may gusto kay Piolo, hihi. ^^ ako ba, gusto ko si Piolo? hmnn… oo, somehow mas gusto ko sya than sam milby or john lloyd…but generally, i don’t go for men who are too pretty, haha. parang feeling ko, ano ba ‘yon, mas maganda pa sa ‘kin? kaloka lang…๐Ÿ˜‰ hello, kayedee!

  3. Naalala ko ang nanay ko. Kapag may tinuturo kami sa tv sa kanya na, ‘ma, gwapo ba yang nasa tv?’ lagi niyang sagot, ‘hmmp’. Kami naman takang-taka, sabi pa namin, wala ka bang crush kahit si Piolo Pascual, Sam Milby, Jericho Rosales, o Derek Ramsay? Ang sagot ng nanay ko, ‘Ay nako anak, walang ibang Piolo Pascual sa buhay ko kundi ang tatay mo. Siya lang ang gwapo para sakin.’ The best! Hahaha, so feeling ko hindi rin kawalan sa kanya na bading si Piolo.๐Ÿ™‚

    • Tama naman c nanay๐Ÿ™‚ at katulad ni nanay. ang taong mahal ko lng din ang nag iisang piolo ng buhay ko ahihihi. apir para kay nanay!๐Ÿ™‚

  4. Hahahaha! Sabi ng Tatay ko dati.. yun ex ko daw ay katulad ni Papa P. kaya kami naghiwalay! hahahahha! (At feel na feel ko naman na ako si KC! Nyahhahaha! ) Naalala ko tuloy sa post na ito! LOL๐Ÿ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s