random lang..

yung pakiramdam na akala mo malakas ka, walang bakas ng kahinaan ng biglang bubuhos ang mga luha. hindi mapatigil, hindi makontrol. pakuwari na may sariling pwersa na kahit anong sabi mo na wag kang bubuhos, magugulat ka nalang na kusang nagmamadaling umagos sa mukha mo hanggang sa mabasa ang damit na suot mo.. batrip db?! dagdag eyebags at dark circles.

pero kahit anong lakas mo, manghihina at manghihina ka.. na kahit anong tapang mo maduduwag at maduduwag ka.. yung akala mong habambuhay kang kakalma mapupuno at mapupuno ka.

mapang asar ang buhay. un ang totoo!
madalas kong nakikita or nababasa na wala silang ibang sinasabi na kaligayahan lang ang hangad nila sa buhay. isang simpleng salita, madaling isulat pero bakit kaya hirap na hirap ang karamihan na makuha eto??

sa mga bagay na madaling pumasok mahirap lumabas.. at sa mahirap pumasok madaling lumabas.. hindi ba pwedeng kung madaling pumasok madali ka ding makalabas?

sana ang buhay ay maging isa sa mga teleserye na pinanunuod ko. yung isang commercial lang ay agad na ang  “after 1,2,3,4,5 yrs” pag balik ng programa,  yun bang ganun kadali malagpasan ang mga pinagdadaanan mo. ganun kabilis maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

para lang akong isang laruang robot na nalaglag ang isang parte nito at ayaw ng gumana, electric fan na wala ng langis kaya hindi na umiikot, tv na na over heat kaya ayaw ng mag on.. at isang battery ng cell phone na over use na akala mo ok pa. pero sa hindi inaasahan biglang napagod na..

30 thoughts on “random lang..

  1. hmmmmm….. tila ikaw naman ang may pinagdaraanan sistereth ah!

    Smile! heto ang hug, mula sa ibayong dagat ….

    “sa mga bagay na madaling pumasok mahirap lumabas.. at sa mahirap pumasok madaling lumabas.. hindi ba pwedeng kung madaling pumasok madali ka ding makalabas?”

    “madaling pumasok mahirap lumabas”
    Maari kasing pag madaling pumasok, bigla, mabilis, hindi natin nakita agad ang mga pako sa daan, na di pala natin alam ang pinto pabalik, na hindi natin nakitang may mga batong naglalaglagan mula sa bundok na tila kay ganda at ito ay magkakalat sa daan, mabigat, di kayang iusod sa simpleng paraan,,,,

    “mahirap pumasok madaling lumabas”
    Maari kasing pag mahirap pumasok, may paghamon, pag napagtagumpayan na, ayawan na, hanap na uli ng ibang hamon… sigh, hindi mainam…

    “hindi ba pwedeng kung madaling pumasok madali ka ding makalabas?”
    Isang tanong na sumakit na ang bangs ko kakaisip, ngunit walang maisip…

    Hugs Sis!!!!!

    • salamat sis.. gnun naman lahat tayong mga tao. hindi natatapos ang problema at pinagdadaanan. pero kailangan lang ilabas para gumaan. dati nung wala pa ang blog, mga kaibigan ang nasasandalan. minsan kahit wala na silang choice kailngan nilang makinig dahil kaibigan sila. pero buti nalang at uso na ang blogging.. madali na nating nailalabas ang bigat ng nararamdaman natin.. at hindi na kailangan mawersa ng taong makikinig at magbibigay yakap at advice. kasi kung sino lang ang magbigay ng oras para makinig at makiramay sa pinagdadaanan mo ay syang masasalamatan mom katulad mo sisteret ahihihi.. salamt. hugssssssss!!! :-*

  2. Deretcho lang ang buhay. Nalulugmok man minsan, kelangan bumangon at lumaban. Hindi sa lahat ng pagkakataaon lagi tayo nasa ibaba. Mapapasakamay mo rin ang tunay na kaligyahan. Mapanghamon talga ang buhay, kaya nga ito ang nagiging dahilan kung bakit tayo nabubuhay pero alam kong makakayanan mo lahat ng ito ng buong tapang at pananalig na may positibong hinaharap na darating.. CHeer up gurl!😉

    • taammaa! hnd sa lahat ng panahon nasa ibaba ka.. malay mo bukas ng gabi sa ibabaw ka naman. hehehe.. (oh wag green ha) lol..salamat myr. nagiging malakas ang tao dahil sa mga katulad mo na walang pagdadalawang isip na tumabi at tumapik sa balikat para sabihing.. “ok lang yan” 🙂 huggsss!

  3. Dumarating ang unos na dapat paglaban. Minsan ang unos n ito ay ngdudulot ng pinsala/kalungkutan/kalituhan. Pero tulad ng malimit nting marinig. Kahit ano pa ang pagdaan/pinagdadaan tuloy pa rin ang buhay.
    Kahit nahihirapan o nagugulan kailangan pa ring ngumiti ng kahit paano gumaan at mabawasan ang kalituhan…
    Patabi nga sa iyong kinauupuan saglit…gusto mo ba ng juice? Pampalamig🙂 gandang araw kayedee..

  4. *hugs* lahat naman ata ng tao ay may pinagdadaanang ganyan.. bahagi na talaga ng buhay ay kalungkutan at kahinaan.. pero ang maganda, pwede itong mabago… sabi nga dun sa nabasa ko noon, the only permanent thing in the world is change… kung hindi ka na masaya sa isang bagay, maghanap ka ng ibang bagay na magpapasaya sa iyo… alam ko na ang mga sinasabi ko ay madaling sabihin dahil wala ako sa sitwasyon, dahil nga mas logical daw kasi ang perspective ng taong hindi nakakaranas ng sakit.. kaya isipin mo na lang na perspective ko ito… at ang haba ng sinabi ko na wala namang sense.. ah basta.. wag ka ng malungkot.. isang yakap uli.. *hugs*

    • e pano kung un lang ang nagppsaya sau?🙂 ay oo. mdali tlgang sbhn ang lahat pro sobrang hirap gwin. pro wla namang ibang mkakatulong sa nga pbagdadaanan natin kundi ang sarili natin..

      yah, madalas ko nga marinig yang saying na yan, pero mas gusto kong maniwala sa salitang habambuhay dahil dun ang gusto ko. sa bagay at taong pang habambuhay😀

      salamat sa dalawang yakap🙂

  5. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s