spell kaibigan.. again..

yup! again. kasi hindi ko alam pang ilang beses ko ng ginamit ang title na eto sa blog ko once, twice? hindi ko alam. at tinamad na akong mag kalkal ng dalawang blog ko. hehehe..

by the way, high-way.. paano mo nga ba mabibigyan ng kahulugan ang salitang kaibigan? kung maraming klaseng ka relasyon, kaaway, kapitbahay at kung ano ano pang kaka. ay marami ring klaseng kaibigan na tinatawag natin.. minsan nga kahit kakilala mo lang pinapakilala mo pa din silang bilang kaibigan mo..

ano ba ang mga klaseng KAIBIGAN na naglilipara ngayon.. eto lamang po ay base sa aking opinion.. pwede din kayong magdagdag kung may kulang akong masambit.

kaibigang maituturing lamang sa loob ng trabaho. yung tipong super close kayo sa loob ng trabaho, kwentuhan, kulitan o nagsasabihan pa ng problema pero pag labas ng trabaho hindi na nagkakasama..

kaibigang kasama mo na sa trabaho kasama pa sa galaan. pero hindi pinagkakatiwalang pagsabihan ng mga private life, kahit mga problema mo.

kaibigang kasama mo palagi sa kasiyahan, gala o ano mang lakad pero pag dating ng kagipitan ay hindi maasahan.

kaibigang palagi mong natatakbuhan kapag may problema ka pero ang hirap kaladkarin kung saan saan kaya madalang mo lang makasama sa mga galaan.

kaibigang madalang nalang magkita pero pag nagkita kayo hindi nagbabago ang pagsasamahan.

kaibigang karelasyon. syempre eto ang magkarelasyon na magkaibigan pa.

kaibigang kahit hindi kayo nagkikita o nag uusap pero alam nyo sa isa’t isa na magkaibigan kayo.

kaibigang plastic! yung tipong mabait pag kaharap ka pero pag hindi na kung ano ano sinasabi hindi maganda tungkol sayo.

kaibigang loyal. yung tipong kakampi mo.kahit anong mangyari. ang kaaway mo ay kaaway nya rin. (ganito ako) hehehe.

kaibigang kabaligtaran ng loyal.friendly kase maybe kaya kahit kinaiinisan at kaaway ng kaibigan ay kinakaibigan pa din. (kahit sa mag karelasyon merong ganito) turn off!!!

kaibigang possessive. yung tipong parang jowa lang kung maka demand. at kung magselos ay higit pa sa jowa.

tinatamad nakong mag isip kaya ibibigay ko na ang klaseng KAIBIGAN na gusto ko at hindi ko alam kung nahanap ko na heheh..

kaibigang hindi lang maasahan sa mga lakaran,galaan, kulitan,kalokohan kundi maasahan din sa gitna ng kagipitan. yung kayang ibigay ang meron sya at kayang gawin ang lahat para tulungan ka,no limit! at syempre loyal at mapagkakatiwalaan.importante yun. (medyo mahirap hanapin eto pero swerte ka kapag nakatagpo ka ng tulad nito.)

*at marami pang klase ng kaibigan kasama na ang mga nakikilala mo lang through social networking like blogging🙂

21 thoughts on “spell kaibigan.. again..

  1. para medyo madali maunawaan ang, gamitin natin ang hiram na salita sa pag spell;

    kaibigan = Friend,

    medyo nakakalito kasi kung ito’y nakasulat sa wikang Filipino, dahil pag naiba ng bigkas, naku, patay kang bata ka, baka magkamali rin ng interpretasyon, baka maging;

    kaibigan = lover / boypren / gelpren

    isang paglilinaw lang. wala kasing tono pag ito’y nasusulat, may mga salita pala talagang kailangan binibigkas para lalong lumitaw ang linaw. ngunit sa pagkakataong ito atin muna isinulat sa salitang banyaga (translate). gandang hapon.

  2. Pingback: “May mga salita pala na … | 25pesocupnoodles

  3. Madami akong naging kaibigan/kaibigan pa rin at siguro marami pa ring magiging kaibigan sa hinaharap (naks, friendly ko lang te!), lahat ito meron. Ang paghahanap ng perpektong kaibigan mas mahirap pa kesa sa paghahanap ng perpektong boyfriend. Pero in time makikita mo rin, iba-iba naman depende sa tao.

    Magandang araw!🙂

    • hi kristell. true! mas mhirap nga ata makahanap ng perfect friend kesa perfect bf. oh preho lang? hahaha.. naalala ko yung mga kaibigan ng mga bida sa mga palabas, ung mga sidekick friends ng bida. db yun ang perfect?! hehehe.. pero sabi nga palabas lang yon😀

  4. Ang kaibigan ay depende sa layon..
    Kung minsan tapat at mapag-ingat,
    Kung minsan wala sa ayos,
    kung minsan mamahalin ka

    Ang pakikipagkaibigan ay nararapat simulan sa tamang layon upang maiwasan ang pagsakit ng bangs…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s