pagsuko sa laban.

Gugustuhin mo bang manuod kapag si  Manny *Pacman* ay nakikipag laro ng boxing sa loob ng ring na mag isang lumalaban? paano, yung kabilang panig ay halata namang hindi na lumalaban sa hindi masabing dahilan.. siguradong magmamaktol ang mga fans na nagbayad para sa laban na iyon. aktwali nangyari sa amin iyon, yung unang laban ni Manny dito sa vegas. bumili kame ng pay per view para makanuod. at lahat ay excited pati si mama ko na may anxiety ay inunahan ng uminom ng gamot dahil sigurado daw na ma-tetense sya sa laban.. pero anong nangyari? waley!!!! hindi pa man umeepek yung gamot ay nanalo na agad si Manny!. hindi ko matandaan kung nakailang round lang sya.. inis na inis si mama.. at pakiramdam ko din ay nag aksaya lang kame ng binayad. parang appetizer lamang ang ibinigay na excitement.. kaya mula nuon ay hindi na kame bumibili ng pay per view, sa halip ay pinapanuod nalang sa news. oh diba nakatipid pa! hehhehe..

Kapag sinabi mong *laban* o labanan, eto ay may bilang na mahigit sa isa. malamang! alangan naman na labanan mo ang sarili mo?? hakhak! mapa sports o away at suntukan lang sa may kanto.. gugustuhin mo bang ikaw lang ang nagbibigay effort samantalang yung isa petiks lang at walang pake kung matalo? walk out na!😀

Kagaya din ng pakikipaglaban sa pagmamahal ay sympre hindi pwedeng mawala eto! ahihihi.. walang salitang laban o pakikipaglaban na nagaganap kung ang isa ay sumuko na. may laban ka pa ba dun? wala na hindi ba? para ka nalang nakikipag laban sa hangin o sa sarili mo. ang pakikipaglaban naman ay may kasamang pagmamahal. matinding pagmamahal.. sa bawat relasyon walang problem free. lahat ay kinakapitan nito. pero depende nalang sa pagmamahal na meron ka para malagpasan ang mga eto. sa pamamagitan ng pakikipaglaban. 

Maikukumpara ko ang isang relasyon sa isang silya.. dalawang paa na nagsisilbing pundasyon pero kapag nawala na ang isang  paa, waley na!

May mga sitwasyong isa nalang ang lumalaban kasi sya nalang ang nagmamahal kaya wala na talagang pag asa yon, suko na! pero swertihan kung dalawa kayong handang lumaban. panalo!

Naalala kong may nag sabi na para lang daw akong nag sasaranggola, at sya ang saranggolang hawak ko kaya mawawala lang sya kapag ako ang bumitaw.. pero mali pala.. nagkabaliktad. ako ang naging saranggola at sya ang bumitaw.. buhay nga naman.. so unpredictable talaga!

tapos na ang counting.. hindi nako aasa pa..

the end…

13 thoughts on “pagsuko sa laban.

  1. mahirap ngang makipag laban kung mag-isa ka lang lumalaban… minsa kasi kailangan muna ng “time out” malay mo kasi yung dapat mong kasama sa laban eh gusto munang magpahinga.. kung minsan, kailangan muna talagang umupo sa sarili mong “corner” at mag-isip ng strategy para maging mas makabuluhan ang laban.. mahirap din naman kasi yung suntok ka ng suntok pero hindi ka pumupuntos… at boxing ang pinag-uusapan natin dito ‘di ba?

    yung sa saranggola naman… ang magandang tanong jan.. bakit binitawan? hindi ba pwedeng hilahin muna papalapit para hindi ma-alagwa?

    • yun na nga cguro napagod pa ng husto ang kalaban e, kaya umupo muna sa corner.. e ako naman daming ininum na vitamins kaya sobrng active, kht nsa sulok n ung kalaban. cnusundan ko sya at pinagsusuntuk sa corner. ang bad!! hahahaha.. *cge na nga! uupo nlng din ako sa kbilang corner* 😀

      ewn kp ba. ayw ko na ng saranggola. maglalaro nalang ako ng piko! hahahah

    • sir pot gusto ko tong sinabi mo? “bkit hindi nga munang hilahin ?”…haysss…hindi naman dapat basta basta bininitawan..dahan dahan hilahin muna sana pakunti kunti at kung hindi na kaya tsaka nalang siguro bumitaw😦

      • ganun naman kasi eh.. sa isang relationship, kailangan ng super patience… minsan kasi madali tayong sumuko sa mga maliliit na bagay na pwede namang madaan sa usapan… at wag mo na akon tawaging sir pot… potpot na lang…

      • isipin mo ha.. hindi ka naman mag-aaksaya ng panahon na manligaw ng babae tapos kapag nalaman mong may hindi siya magandang ugali eh, hihiwalayan mo na agad.. kaya dapat mahalin mo siya ng buong buo.. no exceptions.. wala naman kasing taong perpekto…

      • ‘di ba? ‘di ba? kailangan wagas ang pagmamahal.. hindi porke may dumating na bata at mas sariwa eh dun na pupunta… kailangan wagas.. period…

      • kapag dumarating sa punto na tumatanda.. este nagmamature.. ang lalake.. mas pipiliin niya yung mas nakakaintindi.. kasi bata nga at maganda.. eh juice mio may kakulangan.. kaya mas stick pa rin dun sa tried and tested na.. motolite…

  2. Nasubukan ko na din makipaglaban ng mag-isa, lahat ng mga pinagsabihan ko nagsabing tuloy ko daw..pero nung labanan na abat mag- isa na lang pala ako.. Para akong tanga.. Sakit nun ha? Pero anong gagawin? Kala mo pinaglalaban ka din un pala pinabayaan ka mag-isa.. Tapos maangmaangan pag andyan pinaasa ka lang pala sa wala…
    Ay naku! Ganyan talaga, eka nga kung di ukol di bubukol… Madami pa naman dyan..🙂 tignan mo si manny dami ka rematch..abangan ko laban nya kay gayflower este mayflower ..Ay floyd mayweather pala..

    • gnun? paasa lang pla? msakit nga ung gnun.. pag gnun nman wlang pdeng mag sabi sau ano dpt gwin kc ikw. kkramdam nun kung itutuloy mo ang laban o hnd na.. tska ikw ang nasa sitwasyon kaya dapt ikw ang nkakaalam… ang daming flower naman nyan! hahahah.. ay ayaw ko na ng iba😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s