one day+celebration=happiness + reality=sadness

how’s my day yesterday?

ayos! masaya !sad! kilig! kakaiyak! bored! (waaaa sama sama?) OO! ahaha. adik lang! nyahahha…

ang totoo sa anim na beses na bertdey na pinagdiwang ko dito sa kinaroroonan ko ngayon ay masasabi kong eto ang pinaka masayang taon.. i dont usually celebrate my birthday anymore.. madalas nga may work ako, so lumilipas lang na parang ordinaryong araw, mga bati na nakasanayan ko na dahil sa sila sila  rin naman ang mga bumabati sakin taon taon..

pero etong taon na to ang masasabi kong pinaka espeyal.. lumundag ang puso ko sa saya, nakiliti ang puso ko sa kilig at lumuha ang mga mata ko sa kaligayahan..

and what makes my day so especial yesterday?

~~~ napangiti ang puso ko sa mga greeting pix  at dotcom na natanggap ko

~~~ napangiti ang puso ko sa greeting na nakita ko sa fb wall/inbox

~~~ napangiti ang puso ko sa regalong binigay ni kikilabotz (tnx mahlabz, uber tats ako) at naiyak ang isang family member dahil sa tats! lolz.

~~~ naiyak ako sa isang mensahe na natanggap ko.. inaasahan ko naman ang pagbati mo pero hindi ko inaasahan na maluluha ako sa mga sasabihin mo.. (en i will olweiz be ur lil kayedee too) 😉

~~~ first time kong mag skype ehehe. at ng bagong gising pa! (nagtutbras naman ako bago makipag usap) lolz.

~~~ muntik nako magtampo buti humabol (eh that makes the celebration complete)

~~~ tats ako sa mga nagtxt (niwala na ako na malakas ako sayo, hoy ka din!) and tnx mga sis mahal ko kayo!

~~~ sobrang saya ko sa mga tumawag. (that makes me feel so especial) naks!

~~~ a greet from ym… kasabay ng kiliti sa aking puso at ngiti ng mga labi ay ang pagbagsak ng mga luha (bkit? sa tuwa?) hindi ko din alam.. OO! . . naisip ko ng may chance na babatiin mo rin ako, pero hindi ko inexpect na mangyayari yun..salamat na din!

kaya naman i could say na masaya talaga ang aking nagdaan na kaarawan..so meaningful..salamat sa inyo.. at salamat sa panginoon…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

oo nah! mukha lang 18.. nyahaha..

gift for myself

LETS GET  BACK TO REALITY….

tapos na ang isang araw na saya..isang araw na pwede kong masabi na isang magandang panaginip na masarap balikan.. kailangan ng harapin ang realidad na hindi ganun kasaya ang buhay. dahil hindi araw araw ay pwede sila tumawag at magtxt at higit sa lahat ay hindi araw araw na mararamdaman kita..

kasama sa ginawa ko kahapon ay ang pagbasa ko ng lahat ng poste ko mula simula hanggang sa mga komento.. nabaliktanaw ko ang mga dating madalas dumadalaw at nakakakulitan ko na hindi ko na nararamdaman ngyon (o well).. at sa mga kaibigang mula nuon hanggang ngayon ay nandyan pa rin.. nakakatuwa lang!

at ang totoo.. nakakalungkot dahil kelangan ko ng iwanan pansamantala ang wordpress.. mahirap mang iwan ang mga bagay or taong napamahal na pero gnun talaga ang buhay parang life lang.. kailangang harapin ang bagong buhay! nyayyy ang cheesy much! ahaha lolz..

MGA FRIENDS SANA SUNDAN NYO AKO SA BAGONG BAHAY KO….(lika habulan tayo) eheheh..

p.s

sana araw araw nalang ang bertday! 😉

Advertisements

BETTER A LIL BIT LATE THAN NEVER!

hindi ko dapat gagawin to kaso naisip ko baka ako maging dahilan ng pagkatalo ni kuya jag sa kontest! ehehehe. aywww! lab ko xa! 🙂

1.) What is your name: KAYEDEE

2.) A four letter word: KISS (paborito ni lee)

3.) A boy’s name: KENGKOY

4.) A girl’s name: KENGKAY

5.) An occupation: KOOK (walang basagan ng trip!)

6.) A color: KRAYONS (lahat ng kulay bakit?!)

7.) Something you wear: kmart (store to, so laht ng kmart product) lol

8.) A food: kangkong

9.) Something found in the bathroom: KETTLE (pag nagpapainit ako ng tubig sa pagligo) lolz

10.) A country: KANSAS

11.) A reason for being late: KATAMARAN

12.) Something you shout: KAPALMOOO!

13.) A movie title: KURACHA ang babaeng walang pahinga

14.) Something you drink: KOOL AID

15.) A musical group: KILLERS, THE

16.) An animal: KANGAROO

17.) A street name: KAYEDEE ST.

18.) A type of car: KIA

19.) An internet site/blogsite: KAYEDEE.WORDPRESS.COM

20.) A song: KAHIT MINSAN

21.) A President’s name: KENNEDY

22.) A cartoon character: KANKURO (from narutro)

23.) Name of School: KENNEDY H.S

24.) A sport: KARATE

25.) A Latin word: KIR (which is French is designates a drink from the Burgundy area of white wine and black current liqueur.) tnx google!

at dahil naubusan na ako ng maitag dahil karamihan ay naitag na siguro….ANG TAG KO AY ANG SINO MANG HINDI MAGBIBIGAY NG PICTURE GREETING! hehehe 🙂

pabor lang po… pra sa ika uunlad ng bansa!

anong nangyayari? anim na buwan palang akong nasa mundo ng blogosperyo in other words anim na buwan na nagsusulat, pero bakit wala ng pumapasok sa utak ko para maisulat? kahit anong piga wala ..siguro ..i need inspirationsssssss lolz. kaya naman sa mga bloggers na taon ng nagsusulat at marami pa ring nasusulat na makabuluhan ay bow ako sa inyo!

this past few days sobra akong depress sa nangyari sa isang kaibigan.. blogger din.. hindi ako mkapaniwala sa nabalitaan ko, kakulitan ko lang nung isang araw en the next thing i know nasa critical na sya..

hindi talaga natin masabi ang buhay ano..u might be alive today but u’ll be gone tomorrow..hu knows? wala diba… sya lang(lord)

kaya kung ako sa inyo. live your life in the fullest.. iparamdam mo ang pagmamahal mo sa mga taong mahal mo… pasalamatan ang mga taong dapat pasalamatan.. say sorry sa mga taong alam mong nasaktan mo.. etc.etc…

sige umpisahan ko na….

mahal na mahal ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko…..

salamat sa inyong lahat sa walang sawang pagbabasa ng mga walang kwenta kong pinagsusulat.

at sorry sa mga taong nasaktan ko… kung my taong nasaktan ko at mabasa eto…. soryyyyyyy 🙂

ANG TOTOO…

isa lang ang kahahantungan ng posteng eto.. PABOR  lang sana…

dahil july na.. ano nman?!! BERTDEY KO lang nman! lolz.. ahaha… opo hindi kayo nabinge! ahaha…

manghihingi lang sana ako sa inyo ng isang simple pero malaking regalo na maari nyong maibigay sa akin, na magpapasaya ng aking kaarawan.. ayieeee…

ano eto??  PICTURE GREETINGS… lang po sana 🙂

like this…..

pero kung shy type ka… kahit wlang face ayos lang po…ahihihi…

ngayon palang nagpapasalamat na ako sa magbibigay 🙂

send it to.. dyan_mf15@yahoo.com or dhyncel15@yahoo.com..  SALAMAT PO!

pahabol.. july 13 po pala ang deadline kc july 15 ang bday ko ahihihi.. 😉

ps..

shaks,, ui joke lang ang col for 1 hr..
en joke lang ang lappy! helerr
picture greeting lang po solve nako! ahihih

MALIGAYANG PAGBATI!

ten years of friendship

ten years of joy

ten years of romance

ten years of unconditional love

ten years of burning touch

ten years of magical feeling

ten years of precious moments

ten years of undying love

ten years may seem a long time but this amount of time is not enough for you to share your endless love…

HAPPY ONE DECADE YEAR ANNIVERSARY FOR THE TWO PEOPLE WHO DEEPLY INLOVE..

SIS  AND HER HUBBY


pinoy ako!sa isip,salita at sa gawa..(KAMALAYANG MALAYA)

anong iisipin mo pag may nakita kang ganito??

(banyagang binabandera ang watawat ng pilipinas)

DISKRIMINASYON!

yan madalas na nangyayari sa labas ng ating bansa, at partikular sa amerika.. at dahil sa ibat ibang lahi ang nagkakasama sama sa bansang  iyon ay hindi maiiwasan ang pag tutunggali at diskriminasyon. at wala ka nalang laban kundi paano mo maipagtatanggol ang iyong sarili at iyong lahi.

MALAYA!

totoo, lahat tayo ay may layang gawin ang mga gusto nating gawin sa ating sarili.. kasama na d’yan ang pagpapanggap,magmamahal ng ibang kultura, at pananaw.. partikular na ang pagpapanggap bilang banyaga, pagmamahal sa wika ng ibang lahi kaysa sa sariling wika, at pagbabago ng pananaw na kinopya na lamang sa ibang lahi.

KAMALAYAN!

ating bang namamalayan na maraming banyaga ang nagmamahal sa ating lahi? atin bang namamalayan na kahihiyan ang paglayo/pagsalungat sa ating kinagisnang kultura?

hindi ko maintindihan na kahit ang bawat salita at gawa ay binabago para maging isang pekeng banyaga.. eto ba ay nakadadagdag ng pagkatao? hindi  ko sila hinuhusgahan dahil gaya ng sabi ko ay may laya ang bawat tao sa gusto nating gawin sa ating sarili pero minsan nakaka dismaya lamang na minsan ay sariling kapwa pilipino pa ang magpaparamdam sayo ng diskriminasyon.. kapal mo! yabang mo! pakiramdam mo tao ka na! tampalin kita d’yan eh!

nand’yan yung wala pang anim na buwan sa amerika eh hirap na daw mag tagalog..ADIK KABA?! mga magulang na hindi tinuturuan ng tagalog ang anak dahil nasa amerika daw sila.. EH ANO NAMAN?! si ate/kuya na nagpupumilit na magsalita ng banyaga kahit na kausapin mo ng sariling wika.. KAHIT NA NAGBUBUHOL BUHOL NA ANG UTAK KO DAHIL SA PAGKABUHOL BUHOL NG SINASABI MO!

isang beses tinanong ko ang kapatid ko kung hindi ba nagagalit or nagtatanong ang mga kapwa nya banyaga sa eskwelahang kanyang pinapasukan dahil watawat ng pililpinas ang nkabandera sa sasakyan nya? ang sagot nya akin ay “nagtatanong.. pero tinapat ko silang mas gusto kong maging pilipino kaysa maging amerikano”. at kinumpara nya pa kung gaano katamad at dugyot ang mga kaklase nyang amerikano. at tawa ako ng tawa ng mga oras na yon..

at nang sandaling iyon wala akong nasabi sa aking sarili kundi…PINAGMAMALAKI KONG MAGING ISANG PILIPINO!

“Ang manamit ng hiram, sa daan hinuhubaran.”

ps.
hindi ako manunulat
bobo ako sa sanaysay
at lalong hindi ako henyo.
ang meron lang ako ay PUSO
para suportahan ang
mahal kong lolo kulisap
(oo!mahal ko sya kahit mapanghe na)

KAWING: http://glaze9980.blogspot.com/

my assignment!

100 CHARACTERISTICS OF MY FUTURE BF!

  1. singkit
  2. ilong ni enchong
  3. labi ni coco martin
  4. mata ni sam milby
  5. kutis ni piolo pascual
  6. tangkad ni gaspar
  7. IQ ni YOU (wala lang)lolz
  8. kasing lambing ni 10yrs (pandagdag lang) lolz
  9. maganda ang boses
  10. magaling pumorma
  11. masarap kausap
  12. adik sakin!
  13. thoughtful
  14. romantic
  15. understanding
  16. patience
  17. my sense of humor
  18. marunong maki join di lang sa akin, pati sa mga kaibigan at family ko
  19. may time sa akin
  20. caring
  21. marunong sakyan ang mood ko
  22. hindi ako pagnunuhatan ng kamay
  23. Maabilidad
  24. makulit in a sense na nag lalambing
  25. Di masyadong relihoyoso pero may takot kay God
  26. Masipag
  27. May paninindigan
  28. Matyaga
  29. May kumpyansa (tiwala) sa sarili
  30. Responsible
  31. Malinis
  32. A person I can depend on
  33. A friend of mine
  34. A person u can understand & accept who I am
  35. One woman  man
  36. Family Oriented
  37. Sensitive to the needs of others
  38. Open minded
  39. iniintindi yung mga bagay na pagkakaiba namin
  40. iginagalang ako at yung mga taong nakapaligid sakin.
  41. nirerespeto yung mga kagustuhan ko
  42. kapag alam nyang mali sya, nag sosorry sya
  43. hindi sya mahigpit na tao,kumbaga nasa lugar sya kung magalit man sya
  44. alam nya kung paano ako papasayahin
  45. may tiwala sya sa akin
  46. kaya akong patawanin pag sad ako
  47. kayang tanggapin ang mga nega traits ko
  48. hindi bato
  49. marunong magselos
  50. pinaramdam nya palagi na nasa tabi ko sya kahit malayo sya
  51. lahat ng kaya nyang ibigay binibigay nya
  52. hindi nya ako pinipilit sa bagay na ayoko
  53. magaling sa pag dedesisyon
  54. kahit hindi sya gwapo, gwapo ang kalooban nya
  55. napapatawa nya ako kahit inis na ako sa kanya
  56. very protective
  57. mabait
  58. totoong tao
  59. hindi suplado
  60. caring
  61. galante
  62. masarap humalik
  63. maporma
  64. laging mabango
  65. laging humahawak sa kamay ko
  66. laging nkayakap sakin
  67. hindi seloso
  68. magaling magluto
  69. walang bisyo
  70. maganda ang kuko sa kamay at paa
  71. hindi bobo or ignorante
  72. magalang sa family ko
  73. lage ako patatawanin
  74. magaling mag drive
  75. lalaking kayang ipaglaban ang pag-ibig niya
  76. kyang ipagpalit ang lahat para sakin
  77. hindi greedy sa pera
  78. my oras sakin kahit bz sya
  79. kaya akong kontrolin
  80. my pangarap sa buhay
  81. karinyoso
  82. gentleman
  83. gustong gusto na kasama ako
  84. kayang bitbitin ang shoulder bag ko
  85. bubuhatin ako pag pagod ako
  86. binibigyan ng importance ang anniv namin
  87. magiging mabuting ama
  88. di mapanghusga
  89. kinakantahan ako
  90. di plastik-pag galit galit
  91. di possessive
  92. di arrogante
  93. kind pero wag naman uber dswd mode
  94. hindi boring kasama
  95. laging game sa lahat
  96. hindi maarte sa bagay bagay
  97. hindi nagmumura
  98. iniisip ang nararamdaman ko kaysa sa ibang tao
  99. interesado makita ang loob  ko (puso at utak)
  100. ako ang buhay nya!

ps.

sensya na kung medyo bangang lang
sakit na mata ko eh!

wag na magtampo!
ayan na pinuga ko na
ng bongga!! halabshu!

basahin,may matutunan ka!

PAALALA: WALA KAYONG MATUTUNAN PAG HINDI BINASA NG BUO.


  1. two nights na hindi nakapag in sa net but seems like forever na!
  2. at dahil jan marami ako namiss
  3. natuwa ako dahil my nagbigay ng advance gift for my bday sakin kahapon na fren
  4. my nag pm sa ym na isang tao(malamang hindi hayop!) na hindi ko inaasahan ever, few days ago
  5. wag kayong manghihingi ng payo kay kikilabotz kung ayaw mong mabato ng keyboard ng pc, makonyatan, at madukutan ng mata!
  6. at pasaway ang assignment nya sakin na hanggang ngyon hindi ko pa nasisimulan!
  7. ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi na ako magpupuyat hanggang 3am pero ginagawa ko pa rin! tsk!
  8. sinimulan kitang mahalin bilang kaibigan at natapos din ang pagmamahal na yon bilang kaibigan
  9. yes! day off ko tomorrow!
  10. maigsi lang ako mag post ng mga entry ko.. (pansin nyo?)
  11. ilang beses na tayong nagpaalam sa isat isa at ilang beses ng pumatak ang mga luha
  12. kung natuturuan ang puso, ituturo ko sa puso ni  enchong dee na mahalin  ako
  13. i love you but im not inlove with you
  14. nag poste ng walang kwenta para lang malabas ang tinik sa dibdib(nakain ko ang isda ng buo, sori naman)
  15. hanggang 15 lang dahil eto ang paborito kong numero

p.s
kelan mauubos ang
mga luha ko?

mah top10 female bbf 2010

akala nyo *guys* lang bida dito? syempre papahuli ba ang mga bebots?! ehehhe.
pero this time, my top bbf ( best blogosphere friends) ang bida! 🙂
hindi hottest ang tema dahil magiging bias ako dahil para sa kin sila ang hottest! hehehhe
nakakatuwang isipin na sa halos anim na buwan kong pamamalage sa mundo ng blogosperyo eh nakatagpo na ako ng mga kaibigang masasabi kong hindi lang sa loob ng blogging ko mamahalin kundi kahit lumabas pa sa reality ng buhay..
ako ang taong tipong hindi namimili ng kaibigan..maging ikaw man ay maganda or hindi masyadong kagandahan,mahirap or may kaya, matalino or wala masyadong utak, popular man or loser. basta kaya mo akong TANGGAPIN AT MAHALIN pasok ka sa circle of friends ko! 🙂
isa lang akong mababaw na tao at madaling kaibiganin, kahit isang PM mo lang sakin tuturing na kitang kaibigan basta’t ramdam ko ang sincerity sa layunin mo dahil mabilis lang mahulog ang loob ko sa isang tao.
bakit my 2010?? dahil aaminin ko hindi nman sigurado kung ilang araw,buwan or taon ko sila makakasama.. hindi ko sila hawak na kung gusto nilang umalis sa puso ko eh malaya silang makakalis. pero sigurado akong maiiwan ang kanilang bakas na kung sakaling gusto nilang bumalik eh my pwesto silang babalikan dito sa puso ko! ayieeeeee… tama na ang cheezyness! umpisahan na ang count down! ehehee…

#10

si ate bell pepper na bagong kakilala at bagong kachika sa ym! ehehe.. nakuha nya ang atensyon ko nung my picture sya na my kamukha syang malapit sa puso ko! ahahhah… at sana ate eh matuloy ang bussiness na plina plano natin(cross finger) 🙂

http://addictedtogreenbellpepper.wordpress.com/

#9

si fren choknat na naging kaibigan ko nuon nagsisimula palang ako.. wala lang lage lang ako dumadaan sa bahay nya kc ang kulit nyang mag wento eh! hanggang sa regular customer na namin ang isat isa.. at umabot na ng fb! lolz

http://choknats.blogspot.com/

#8

ang kyut na  lil sis  ko na si keso, kabatch ni choknat  ng aking matagpuan! ehehehhe.. ayun kulitan sa blog, formspring at pasaway sya my fb pala hindi ko alam!! bwahhhh

http://superkeso.blogspot.com/

#7

ang aking gurlfren na si camille.. aktwali sya ata ang una kong nakilala, pero tahimik sa blogosphere at palageng busy kaya naman hindi naman talaga kame nakakapagchikahan kundi sa blog lang! pero like wat i sed wala sa dalas ng pag uusap nababase ang pagkakaibigan kundi sa nararamdaman mong sinsiridad.. at natapik na nya ang puso ko kaya hindi na sya kayang kalimutan nito! ayieeee..

http://www.cutiemaartie.blogspot.com/

#6

ang ate etchosera ko! ..  na sa unang pag uusap namin eh kulitan na at asaran kasi lage nya me inaasar kay zzzzzz lol! si ate echos na maraming alam sa mga bloggers kahit na sarado na ang bahay nya (parang stalker lang)nyahhaha…at mas trip nalang nya ang mag lagalag! ehehhe.. at syempre nasasabihan ng sikreto ahihihihi

http://etchosera.wordpress.com/

#5

ang aking mare na si dark lady..mare ang tawag pero ang bata pa nito! ahahha..ang sipag magsulat, anonymous ang drama kahit sa fb pasaway nga! ahahha.. pero hang bait isang sabi ko lang ng header gawa sya agad! lolz. kaso hindi ko naman nalagay! lolzz.. tnx mare! at syempre kachika sa fb 🙂

http://wentokoto.blogspot.com/

#4

ang aking ate tutubi(kaye)… mabait sobra! marunong makinig sa mga drama ko ahahah.. pero mejo nag lie low ang frenship sa kung anong dahilan hmmm.. aminin mo te! my nagbago ehehhee (aminan nato!)lolz. pero ganun pa man gusto kong malaman mong mahal kita at kaya kong isantabi ang kahit anu pa man para sa pagkakaibigang meron tayo! ayieeeeee

http://tutubiii.wordpress.com/

at ang susunod na tatlo ay masasabi kong super close ko talaga.. super lapit sa puso ko na halos hindi na ako makahinga at nakaharang sa puso ko! bwahhhh
sila sis, ter at sistah! in other words SISTER… dami lang etching! lolz

#3

si sis len… nakaw aktwali bago ko lang syang kakilala at boOm! nagka gaanan agad kame ng loob! ehehhe.. dahil siguro pareho ang ganda… ng kalooban! waaaa.. nmimiz ko pag hindi ko nararamdaman sa isang araw! ehehhe at  malapit ng magkabulgaran ng anik anik kung hindi lang dumating si tito!! bwaaaaa

http://pinkdiaries.wordpress.com/

#2

boOm! si ter unnie ang korean beauty!(kaya nman marami ang adik sa knya!) ehehe…. aktwali ang gusto ko talgang maging close nuon si arnz (dahil sa pangalan nya) na kaibigan nya.. pero ewan ko ba.. ter paano ba tayo nagkakilala at naging close?? ahahaa…  hmmmm nag umpisa ata sa formspring.. at nagtuloy tuloy sa fb.. at dahil pareho kameng hyper, madaldal, makulit in other words adik! lolz.. natuwa ako dahil sya lang ang kasing edad ko sakto 1982! bwahhh.. at hindi ko na maharap ang blogosphere pag sya na ang kachika ko! ahahha.. at sobrang namimiz ko pag hindi ko nakakausap! ehhheeh.

http://myhavenatpeace.blogspot.com/

#1

waaaa ang sistah jam ko!! nuong una mejo suplada.. kaya no wonder na ako lang ang kaibigang babae na close nya(kasi puro guy ang fren) ehhehe.. sya ang nasasabihan ko ng drama at tunay na nararamdaman ko.. kasama ko sa mga luha at ngiti na dala sakin ng blogosperyo =) ang taong alam kong hindi ako tatalikuran at super loyal ehehhe.. kahit mejo madaldal minsan at binubuko ang sikreto namin! waaaaaa.. at sa sinabi nyang hindi ko malilimutan kaya mahal na mahal ko sya “sayo lang at kay marvz eh kuntento na ako” ayieee.. hang swit dba? ehehhe.. tinatago ang kaanyuan kahit bonggacious ang beauty nya! ahahaha..

http://jg-complicatedlove.blogspot.com/

p.s

maraming salamat sa inyong tsagang mag edit ng pix nyo.at pagpapakita kahit na ang karamihan sa inyo ay anonymous! talgang mahal nyo ako.. ahihihi
ano ang pinagkaiba ng guys en girls nung nagpaalam ako para ipost ang pix nila??
ako– pde po ba mapost ang pix mo sa new entry ko?
guys– sure.. tingnan ko nga blog mo 🙂
ako– pde ba mapost ang pix mo sa new entry ko?
girls- sure.. but make sure na maganda ang pix na ilalagay mo ha!
haizzzz mga babae nga naman oh.. waaaaa… (kaya nman inambot ng 2 days bago matapos ang post sa kakahanap just to make sure na magugustuhan nla ang pix na ipopost ko!) waaaaaaaahhh..

top10 hottest male bloggers 2010!

criteria of judgement

(sa mata ni kayedee)

40% cuteness– syempre hottest nga eh kaya kelangan cuteness sa paningin ko lolz

40% galing factor– hindi kelangan ng lage ako nosebleed sa english or parang nagbabasa lang ako ng encyclopedia, importante sa lahat eh hindi boring magsulat,   yung  tipong aabangan mo palage ang bagong post, madaling basahin ang mga sinusulat at higit sa lahat eh napapangiti ako bago umalis ng kanyang bahay.

20% audience impakto– mahalagang hindi suplado  ang may ari ng bahay,at  nakikihalobilo sa ibang blogger.

#10

ang cool ng site nya at namimiss ko na si taga bundok! ehehhhe

http://dahnjacob.com/

#9

si glentot na makulit mag wento! 🙂

http://www.wickedmouth.com/

#8

si poy na emoterong nilalang! at lage pinadudugo ang ilong ko sa kaka ingles! lolz

http://angpusangnahukay.blogspot.com/

#7

si glenn na bagong kakilala, mejo tahimik sa blogosperyo ehehehe

http://blaggista.blogspot.com/

#6

si yin na makulit mag title! ahahha.. nadale nya ako sa pix na eto.. yun pla maganda lang ang pweto ng kamera! bwhhhh

http://pritongpretsels.wordpress.com/

#5

si oliver na parang bata lang mag wento, ang kulit! at dahil trip ko ang mga singkit since high skul palang ako. ikaw na ang no 5! ahahhhaha

http://olyabut.wordpress.com/

#4

ang wafung wafu na si dencio.. walang duda! 🙂

http://hisnameisdencios.wordpress.com/

tie with

si goyo na hot for me dahil sa pagiging cool at walang walang keme sa pagiging makulit..

http://goyosadventure.blogspot.com/

#3

sa kakahanap ko ng hottest blogger sya lang ang nahanap ko na hottest for me na hindi ko kilala! ahahha..

http://topexpress.wordpress.com/

#2

dahil sa kagalingan sa pag dra drawing at mga kwento, makulit, malambing na anak, at malambing na blogger, walang duda! ikaw jason ang no. 2! 😉

http://jasonhamster.wordpress.com/

#1

alm kong iisipin nyong bias to! ahaha.. slight lang nman! wahhhhhh… pero bukod sa mahlabz at bestfren ko sya dito sa blogosphere eh swak naman sya sa mga criteria ko! oha oha… oo nah! ikaw na ang no.1 sakin, kahit hindi ako ang no. 1 mo! wahhh my ganun?!!  ok fine ikaw na nga!!! kikilabotz..

http://inusentepapalaako.blogspot.com/

x’s

ang kumontra gumawa ng sariling top 10 hottest male bloggers 2010! 🙂

spell K-A-I-B-I-G-A-N?

ako’y sobrang nagtataka at nalilito


ano bang meron ako para hindi maintindihan  ng isang tulad mo?


ano bang meron ka at hindi  lubusang maintindihan ng isang tulad ko?


ilang beses akong nagtangka at ilang beses ka ring nagtangka


pero bakit paulit ulit tayo bumabalik sa ating pinagmulan?


ang ating blankong nakaraan?




ano ba kaya mong ibigay sa isang kaibigan?


ano ba ang kaya kong ibigay sa isang kaibigan?


tiwala? katotohanan? ngiti? oras? kwento?


bakit nakakalimutan natin na kailangan din natin mag bigay ng pang uunawa?


pang uunawa na isipin na iba ka, iba ako!


at dahil sa pagkakaiba nalilimutan na minsan nagbibigay ito ng problema.




isa lang ang alam ko…


kung hindi kaya ang salitang unawa at pagtanggap


marapat na huwag nang ipilit na ipasok baka masugatan lang at masaktan

(uyy wag bigyan ng malisya) lolz


kung isang mahinang bagyo lang ang kayang tawirin mas mabuti pang

lumikas na ng maaga ng makaiwas sa pinsalang maaring idulot nito..


ANG INGAT BA AY KATUMBAS NG PAALAM??


signing on!

nagtaka ka pa! syempre pag my signing off  so my signing on din!! (parang radyo lang ba!)ahahaha..

bwahhhhhhh namiss ko to!  namiss ko rin kayo! hindi ko na itatanong kung namiss nyo ako baka pa hurt na naman ako! (magsara na naman!)bwahhhhh..

hindi ako bumalik dahil ayos na kame ng nakasamaan ko ng loob dito sa blogosperyo, pero dahil sabi nung  isa  jan (eheheh) na nagbloblog lang tayo, walang personalan! pero pag pagkatao ko ang  pinag uusapan diba personal yun? ehem ehem! tama na ang emo! nandito tayo para mag saya! ayieeee.. ang saya saya ng feeling bumalik sa bahay ko!! la la la la la (singing mode) ehehe.

ano nga bang pinag kaabalahan ko nuong wala ako??? asusual FACEBOOK, YM at sa bored ko pinag tripan ko ang FORMSPRING (kaya tanong nah!)ehehehe. at yung ibang bussiness ko sikretong malufeett na kaakit akit na yon! ehehehhe..

at dahil sa pamamahinga ko my mga bagong kaibigan na nakilala at makakasama sa aking tahanan 🙂
salamat po sa mga nakipag simpatya nung magpaalam ako..*hugz* ko kayong lahat!

at dahil na tats ako sa pagsimpatya nyo(totoo man or pakitang tao) eh kung mapapnsin nyo, marahil ay hindi! ahaha.. kayo na ang bagong kong tambayan.(sad lang kc nagpaalam na ang isang kaibigan na si lust). pag pasensyahan nyo na kung palage akong eepal sa mga tahana nyo kase labz ko na kayo ayieeee.. at dahil gala ako sa blogosperyo malamang sa alamang(galing ky kikilabotz ang words na yan) ay madadagdagan din kayo! ahahaha..

KAYEDEE’S JOURNAL IS SIGNING ON

(at hnd na magsisign off!)

signing off!!

nagsimula ang kayedee’s journal nang kinailangan kong maglabas ng sakit na nararamdaman ko ng mga panahong gusto kong isagaw lahat lahat ng walang makakarinig sakin lalo na ng mga nakakakilala sakin.. dahil ang totoo ayaw kong malaman nila ang katotohanang sobra akong nasasaktan..ganoon kasi ako ayaw kong may nakakaalam na nasasaktan ako especially sa family ko.. i always pretend to be the strong one! kahit sa loob loob ko ay isa akong napakahina na tao pagdating sa emotion..

hanggang sa unti unti ay nakilala ko ang tunay na layunin ng blogging.. hindi lang pala ito blankong pahina na pwede mong sulatan ng mga gusto mong sabihin sa tuwing tayong nasasaktan.. dahil dito mo makikita ang ibat ibang uri ng tao.. ang iba ay sumusulat ng patungkol sa politika, showbiz, minsan ginagawa nang diary dahil sinusulat ang mga pangyayari sa knilang buhay, at madalas nga eh sa blog nilalabas ang mga sakit na pinagdadaanan..

pero kung ako ang tatanungin nyo.. BAKIT AKO NANDITO?

nananatili akong isang blogger dahil iyon sa mga kaibigan na nakilala ko dito sa mundo ng blogging.. hindi ko inaasahan na sa iksi ng panahon ko dito ay may mga makikilala akong kaibigan talaga namang tunay na kaibigan na alm kong lumabas man ako sa mundo ng blogging eh makakasama ko pa rin..

salamat sis jam asahan mong hindi ako mawawala sayo basta’t  pagkatiwalaan mo ang pagmamahal na binibigay ko

salamat mareng lady dark, hindi man tayo sobrang close ang mga mumunting pag uusap natin nawa’y magdala sa isang matatag na pagkakaibigan

salamat kikilabotz, alam mo naman ung bakit mahlabz kita diba.. dahil ikaw ang unang nagparamdam sa skin dito sa mundo ng blogging =) at hindi ko inaasahan na mas lalalim pa ang ating samahan at asahan mong hindi ako magbabago at sana ikaw din (kundi tatampalin kta) jowk (ng halik) hehe..

salamat lolo kulisap sa pagpapatawa sa skin ng mga mahaharot mong hirit! minsan nga iniisip ko kung lolo kaba talaga dahil sa sobrang cool mo hahah..

salamat ate kaye a.k.a ms dragonfly dahil sa tiwala na binigay mo at higit sa lahat sa pagmamahal mo bilang kaibigan

salamat “sayo” sa pagkakaibigang akin lamang palang ilusyon

salamat choknat at keso sa pagiging  kaibigan dito sa mundo ng blogging at camille kahit na madalang tayo nakakapag kitaan dahil busy ka, pero wala naman sa dalas o haba nang salita bago mapalapit sayo ang isang tao.. but the feeling!

salamat sa lahat ng mga walang sawang nagbabasa at nagkokomento sa aking sinusulat, hindi ko na po kayo maisa isa.. pero gusto kong malaman nyo na sobra ko na- a-appreciate ang pagbibigay nyu ng oras …nkakapang hinayang lang dahil alam kong marami pa akong magiging bagong kaibigan dito sa mundo ng blogging pero minsan kelangang magdesisyon.. but remember adik will forever be an adik! hehehe..

pero kelangan na po mag pahinga ng inyong lingkod sa isang ma emosyonal na kadahilanan ( oo emotional tlga! eh emoterang nilalang ako eh!) hehhe.

KAYEDEE’S JOURNAL IS SIGNING OFF!

p.s

masama bang maging malambing?

SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA!