again.

Pagdating sa relasyon dalawang desisyon lamang ang higit na pinagpipilian..

TO LET GO

or TO FIGHT FOR IT

Pero paano mo nga ba maititimbang ang dalawang eto?

Walang hindi masakit sa pagpapalaya ng taong mahal o minahal mo. pero iba iba nga lang ang level, depende siguro sa pagmamahal na meron ka para dito o kung paano mo dalhin ang sakit na nararamdaman mo para mapagaan ang sakit. Meron namang pagkakataon na akala mo nalagpasan mo na ang sakit pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan. gets? good! 🙂

Hanggang saan mo nga masasabi na hindi na worth it ang pinaglalaban mo? ano ba ang sobra na? ilang beses kong tinatanong eto sa sarili ko. paulit ulit na nga. nakakaloka! lol.

Ganito lang ka simple para sa akin ang salitang pakikipaglaban sa taong mahal mo. hindi sapat ang mahal mo lang, dapat din kaya mong tanggapin ang mga pagkakamali at mahalin ang kahinaan nito. im just talking about differences. (ibang usapan na kapag may lokohan na nagaganap) dahil hindi na pakikipaglaban tawag dun kundi kamartiran at katangahan. agree? 😀
pero ganun naman siguro pag nagmamahal ka minsan nagiging martyr at tanga ka. (at hindi ko na uulitin yun) lol.

Isa lang siguro ang tamang sagot sa lahat ng katanungan ng pinupunto ng posteng eto..

I-let go mo ang tao kung sa tingin mo kaya mong mawala sya sa buhay mo..

at ipaglaban mo kahit anong mangyari kung sa tingin mo ay hindi mo kayang mawala ang taong eto.

okey, sorry pinahaba ko lang.. hahaha!

3rd day..

sad..

gusto kong pumunta sa isang lugar kung saan pwede kong ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko. tapos may kasamang pwedeng maging si spongebob ko, na pwedeng mag absorb ng sakit. yung nakikinig lang habang hinihimas ang likod ko habang humahagulgol na nilalabas lahat ng excess baggage sa dibdib ko.. tapos* yakap* 🙂

kaso wala naman gagawa nun. kasi lahat sila nasa malayo.. haysss. i wanna go home badly.. 😦

tuloy ang pangarap.

oh diba emong emo ang title. parang teleserye lang. heheheh!!

sa ilang araw na nagdaan, hindi matahimik ang isip ko.. hind ko alam saan pwedeng mailagay ang lahat ng planong nabuo na.. mga planong pang habambuhay sana.

itutuloy pa ba ang plano o itutuloy ko nalang ang buhay ko dito sa state of calamity? uuwi o hindi? red light or green light? mas madali ba akong gagaling dito, if i stayed? dahil mas malayo?

pero mukhang hindi.. sabi nga nila, life is short. gawin mo ang sa tingin mo ikaliligaya at gusto mo.. kaya.. yes! tuloy ang plano, may mga pagbabago nga lang pero itutuloy ko ang nasimulan ko na. i’m still going home, then babalik nalang ako dito in time. malay mo may kasama na pabalik. chos!! hahaha. and honestly, that’s keeping me going right now. kahit papaano ay excited pa rin akong ituloy ang matagal ko ng pangarap, to be independent with my own bussiness.  mabuhay ng mag isa. yung tipong ako mag iisip ng ipapamalengke ko, ang lulutuin ko araw araw. dati, ang isipin ang lulutuin para sa kanya pero ngayon ang kakainin ko nalang.. tama na ang 30yrs na si inay ang nag aasikaso ng lahat sa bahay. at oras na para gawin ko na yun para sa sarili ko.hehehe.

everyday is a moving and healing process. bawat araw napapawi ang galit pero hindi ang sakit. ganun pa man, pakonti konting lumiliwanag at habang lumiliwanag nakikita ko din. ikaw pa din ang gusto kong makasama habambuhay. pero hindi ako umaasa sa ngayon. dahil alam kong kailangang huminga.. (malalim)..

nagpagaan lang ngayon dahil suportado ni mama lahat ng desisyon ko, hindi katulad dati na takot ako sa bawat desisyon ko kaya hirap akong panindagan. but now.. free like a bird!! hehehe!!.

im still looking for a better day.. each day. 🙂

random lang..

yung pakiramdam na akala mo malakas ka, walang bakas ng kahinaan ng biglang bubuhos ang mga luha. hindi mapatigil, hindi makontrol. pakuwari na may sariling pwersa na kahit anong sabi mo na wag kang bubuhos, magugulat ka nalang na kusang nagmamadaling umagos sa mukha mo hanggang sa mabasa ang damit na suot mo.. batrip db?! dagdag eyebags at dark circles.

pero kahit anong lakas mo, manghihina at manghihina ka.. na kahit anong tapang mo maduduwag at maduduwag ka.. yung akala mong habambuhay kang kakalma mapupuno at mapupuno ka.

mapang asar ang buhay. un ang totoo!
madalas kong nakikita or nababasa na wala silang ibang sinasabi na kaligayahan lang ang hangad nila sa buhay. isang simpleng salita, madaling isulat pero bakit kaya hirap na hirap ang karamihan na makuha eto??

sa mga bagay na madaling pumasok mahirap lumabas.. at sa mahirap pumasok madaling lumabas.. hindi ba pwedeng kung madaling pumasok madali ka ding makalabas?

sana ang buhay ay maging isa sa mga teleserye na pinanunuod ko. yung isang commercial lang ay agad na ang  “after 1,2,3,4,5 yrs” pag balik ng programa,  yun bang ganun kadali malagpasan ang mga pinagdadaanan mo. ganun kabilis maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

para lang akong isang laruang robot na nalaglag ang isang parte nito at ayaw ng gumana, electric fan na wala ng langis kaya hindi na umiikot, tv na na over heat kaya ayaw ng mag on.. at isang battery ng cell phone na over use na akala mo ok pa. pero sa hindi inaasahan biglang napagod na..

ldr…

Dahil sa nauso ang mga networking sites. nauso na din ang mga iba’t ibang paraan ng communication.. kasama na d’yan ang fb, skype, ym, plurks kasama na din ang blogging. etc etc. at sympre dahil nga communication, hindi mawawala ang chat or chatting.. at dahil dito marami na ang nabubuong pagmamahalan? oo may question mark..

Bakit may question mark?
ikaw ang tatanungin ko, naniniwala ka ba na may pagmamahal na magaganap sa dalawang taong hindi pa nagkakasama ng personal? hindi nagkakahawak ng kamay? posible nga ba eto?

Sige. ako ang unang sasagot..
OO… paano ko nasabi? dahil naramdaman ko na.. nagmahal ako sa isang taong 17months na hindi nahahawakan at nakakasama..

paano nangyari yun?
hindi ko din alam..
pero maniwala ka.. mahirap. mahirap. mahirap.. kaya kung may choice ka, huwag ka ng sumubok pa. may mga nagsasabi na “bakit hindi ka nalang maghanap ng anjan? ung malapit lang sayo. marami pa naman kano sa lugar mo” oo nga naman. siguro maganda ang magiging mga anak ko heheh.. pero sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.. gusto kong sisihin si fb at ym at ang chat na yan e, kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararamdaman ang sakit dulot ng LDR na yan!!

yung pakiramdam na miss na miss mo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na pag may problema sya at alam mong kailangan nya ng karamay, gusto mo syang yakapin pero wala ka pa ring magagawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nasa panganib sya at gusto mo syang protektahan pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may okasyon at masaya pag magkasama sana kayo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nag iisa sya at gusto mo sya samahan pero wala ka magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may lumalandi sa kanya at gusto mo upakan ung taong yun pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

Haysss.. puro wala kang magawa dahil malayo ka!!! ang hirap. ang hirap..

Ang LDR ay kinakailangan ng katatagan ng pagmamahal, respeto,pasensya at higit sa lahat tiwala. tiwala at maraming tiwala.. pagtitiwala sa bawat salitang ilalabas ng bibig nya. paano mo malalaman na totoo ang sinasabi nya? dahil nagtitiwala ka.. alam mo ba gaano kahirap na maniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita? dun palang talo kana sa uri ng relasyon nato..

Pero bilang miyembro ng LDR society (meron ba nun?) hahaha!! isa lang masasabi ko..

NAGTAGUMPAY AKO.. 🙂

one day+celebration=happiness + reality=sadness

how’s my day yesterday?

ayos! masaya !sad! kilig! kakaiyak! bored! (waaaa sama sama?) OO! ahaha. adik lang! nyahahha…

ang totoo sa anim na beses na bertdey na pinagdiwang ko dito sa kinaroroonan ko ngayon ay masasabi kong eto ang pinaka masayang taon.. i dont usually celebrate my birthday anymore.. madalas nga may work ako, so lumilipas lang na parang ordinaryong araw, mga bati na nakasanayan ko na dahil sa sila sila  rin naman ang mga bumabati sakin taon taon..

pero etong taon na to ang masasabi kong pinaka espeyal.. lumundag ang puso ko sa saya, nakiliti ang puso ko sa kilig at lumuha ang mga mata ko sa kaligayahan..

and what makes my day so especial yesterday?

~~~ napangiti ang puso ko sa mga greeting pix  at dotcom na natanggap ko

~~~ napangiti ang puso ko sa greeting na nakita ko sa fb wall/inbox

~~~ napangiti ang puso ko sa regalong binigay ni kikilabotz (tnx mahlabz, uber tats ako) at naiyak ang isang family member dahil sa tats! lolz.

~~~ naiyak ako sa isang mensahe na natanggap ko.. inaasahan ko naman ang pagbati mo pero hindi ko inaasahan na maluluha ako sa mga sasabihin mo.. (en i will olweiz be ur lil kayedee too) 😉

~~~ first time kong mag skype ehehe. at ng bagong gising pa! (nagtutbras naman ako bago makipag usap) lolz.

~~~ muntik nako magtampo buti humabol (eh that makes the celebration complete)

~~~ tats ako sa mga nagtxt (niwala na ako na malakas ako sayo, hoy ka din!) and tnx mga sis mahal ko kayo!

~~~ sobrang saya ko sa mga tumawag. (that makes me feel so especial) naks!

~~~ a greet from ym… kasabay ng kiliti sa aking puso at ngiti ng mga labi ay ang pagbagsak ng mga luha (bkit? sa tuwa?) hindi ko din alam.. OO! . . naisip ko ng may chance na babatiin mo rin ako, pero hindi ko inexpect na mangyayari yun..salamat na din!

kaya naman i could say na masaya talaga ang aking nagdaan na kaarawan..so meaningful..salamat sa inyo.. at salamat sa panginoon…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

oo nah! mukha lang 18.. nyahaha..

gift for myself

LETS GET  BACK TO REALITY….

tapos na ang isang araw na saya..isang araw na pwede kong masabi na isang magandang panaginip na masarap balikan.. kailangan ng harapin ang realidad na hindi ganun kasaya ang buhay. dahil hindi araw araw ay pwede sila tumawag at magtxt at higit sa lahat ay hindi araw araw na mararamdaman kita..

kasama sa ginawa ko kahapon ay ang pagbasa ko ng lahat ng poste ko mula simula hanggang sa mga komento.. nabaliktanaw ko ang mga dating madalas dumadalaw at nakakakulitan ko na hindi ko na nararamdaman ngyon (o well).. at sa mga kaibigang mula nuon hanggang ngayon ay nandyan pa rin.. nakakatuwa lang!

at ang totoo.. nakakalungkot dahil kelangan ko ng iwanan pansamantala ang wordpress.. mahirap mang iwan ang mga bagay or taong napamahal na pero gnun talaga ang buhay parang life lang.. kailangang harapin ang bagong buhay! nyayyy ang cheesy much! ahaha lolz..

MGA FRIENDS SANA SUNDAN NYO AKO SA BAGONG BAHAY KO….(lika habulan tayo) eheheh..

p.s

sana araw araw nalang ang bertday! 😉

basahin,may matutunan ka!

PAALALA: WALA KAYONG MATUTUNAN PAG HINDI BINASA NG BUO.


  1. two nights na hindi nakapag in sa net but seems like forever na!
  2. at dahil jan marami ako namiss
  3. natuwa ako dahil my nagbigay ng advance gift for my bday sakin kahapon na fren
  4. my nag pm sa ym na isang tao(malamang hindi hayop!) na hindi ko inaasahan ever, few days ago
  5. wag kayong manghihingi ng payo kay kikilabotz kung ayaw mong mabato ng keyboard ng pc, makonyatan, at madukutan ng mata!
  6. at pasaway ang assignment nya sakin na hanggang ngyon hindi ko pa nasisimulan!
  7. ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi na ako magpupuyat hanggang 3am pero ginagawa ko pa rin! tsk!
  8. sinimulan kitang mahalin bilang kaibigan at natapos din ang pagmamahal na yon bilang kaibigan
  9. yes! day off ko tomorrow!
  10. maigsi lang ako mag post ng mga entry ko.. (pansin nyo?)
  11. ilang beses na tayong nagpaalam sa isat isa at ilang beses ng pumatak ang mga luha
  12. kung natuturuan ang puso, ituturo ko sa puso ni  enchong dee na mahalin  ako
  13. i love you but im not inlove with you
  14. nag poste ng walang kwenta para lang malabas ang tinik sa dibdib(nakain ko ang isda ng buo, sori naman)
  15. hanggang 15 lang dahil eto ang paborito kong numero

p.s
kelan mauubos ang
mga luha ko?

LOVE MOVES IN……….?

sabi nila love move’s in mysterious way… pero tell me paano ba naging mysterious ang magmahal??  sige isa isahin natin kung bakit, paano, saan, kelan, at ano tayo magmahal…..

naranasan mo na bang:


~~magmahal sa isang kaibigan- magsisimula bilang isang mabuting pagkakaibigan, pero madedevelope into a romantic feeling
~~ magmahal sa taong hindi pa nakikita- actually uso to ngayon!! ahahah.. syempre sa dami ng social networking sites na sinasalihan like blogging and chatting! en even in texting.  na kahit hindi mo pa nakikita eh nahuhulog na ang loob mo dahil sa palagiang pakikipag usap nyo.
~~ magmahal ng dalawa– minsan sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagmamahal tayo ng higit sa isang tao. (alam nyo bang mas mahirap at masakit  ang nasa posisyon ng namimili kesa sa pagpipilian?) 🙂
~~ magmahal ng mahal ng isang kaibigan or malapit sa puso– eto na siguro ang pinaka mahirap na sitwasyon kung ikaw ay magmamahal, dahil dalawa lang ang pagpipilian mong kalabanin.. ang nararamdaman mo at konsenya mo.
~~ magmahal ng may mahal ng iba– dito pumapasok  si ms/mr martyr! lolz. na kahit my kahati ka eh tatanggapin mo, mabigyan kalang ng kapiranggot na panahon at oras.
~~magmahal ng my mahal kang iba– minsan iniisip ko, kasalanan ba ang magmahal ng iba habang my mahal ka na?? pagtataksil naba ang tawag dito?? para sakin kase, hindi natin kontrolado ang puso hindi gaya ng utak.. kung magmahal man tayo ng iba sa di sinasadyang pagkakataon ay hindi eto kasalanan! magiging kasalanan lamang eto “if you entertain the feeling.”
~~ magmahal sa taong hindi mo nakakasama- well eto ang tinatawag na long distance relationship. sabi nila wala daw nagtatagal sa ganitong set up! dahil sa ibang tao walang silbi ang relasyon kung hindi mo naman eto nakakasama! pero my iilang tao naman na nabubuhay at kuntento sa salitang “LOVE” kahit malayo ang kanilang minamahal.
~~magmahal sa isang ilusyon– pagmamahal sa isang taong hindi ka man lang kilala or nagmamahal ng isang taong malayo sa buhay mo.
~~magmahal sa maling pagkakataon at panahon – hmmmm…alam nyo ba ang kantang somewhere down the road? ayun ang drama nito! 🙂
~~ magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin- awwwts! pero nangyayari eto, madalas! pero anung magagawa kundi lumayo, (biglang wala akong makoment dito lolz) saying move on or letting go is so easy to say but its the hardest thing to do ayyt?!!
~~ magmahal sa taong mahal ka– oh well obvious naman na eto ang uri ng pagmamahal na hinahangad ng lahat.. ang mahalin ng taong ating iniibig! ayieeee

ngayon ipaliwanag mo sakin ang kasabihang “love moves in mysterious way”! 🙂

at saan ka sa mga nabanggit ko?? AMININ! 🙂

adiktus lang!

na feel mo naba ang pakiramdam ng


masaya PERO parang malungkot…

kompleto PERO parang my kulang…

maganda PERO feeling pangit…

pangit PERO feeling maganda…

kuntento PERO my hinahanap…

dedma PERO bakit namimiss…

gutom PERO parang busog…

inaantok PERO dilat ang mata…

inlove PERO parang adik lang…


hay buhay parang life



waahhh xenxa naman!
nadadala lang ako ng mga
requested song! haizzzz

spell K-A-I-B-I-G-A-N?

ako’y sobrang nagtataka at nalilito


ano bang meron ako para hindi maintindihan  ng isang tulad mo?


ano bang meron ka at hindi  lubusang maintindihan ng isang tulad ko?


ilang beses akong nagtangka at ilang beses ka ring nagtangka


pero bakit paulit ulit tayo bumabalik sa ating pinagmulan?


ang ating blankong nakaraan?




ano ba kaya mong ibigay sa isang kaibigan?


ano ba ang kaya kong ibigay sa isang kaibigan?


tiwala? katotohanan? ngiti? oras? kwento?


bakit nakakalimutan natin na kailangan din natin mag bigay ng pang uunawa?


pang uunawa na isipin na iba ka, iba ako!


at dahil sa pagkakaiba nalilimutan na minsan nagbibigay ito ng problema.




isa lang ang alam ko…


kung hindi kaya ang salitang unawa at pagtanggap


marapat na huwag nang ipilit na ipasok baka masugatan lang at masaktan

(uyy wag bigyan ng malisya) lolz


kung isang mahinang bagyo lang ang kayang tawirin mas mabuti pang

lumikas na ng maaga ng makaiwas sa pinsalang maaring idulot nito..


ANG INGAT BA AY KATUMBAS NG PAALAM??


signing off!!

nagsimula ang kayedee’s journal nang kinailangan kong maglabas ng sakit na nararamdaman ko ng mga panahong gusto kong isagaw lahat lahat ng walang makakarinig sakin lalo na ng mga nakakakilala sakin.. dahil ang totoo ayaw kong malaman nila ang katotohanang sobra akong nasasaktan..ganoon kasi ako ayaw kong may nakakaalam na nasasaktan ako especially sa family ko.. i always pretend to be the strong one! kahit sa loob loob ko ay isa akong napakahina na tao pagdating sa emotion..

hanggang sa unti unti ay nakilala ko ang tunay na layunin ng blogging.. hindi lang pala ito blankong pahina na pwede mong sulatan ng mga gusto mong sabihin sa tuwing tayong nasasaktan.. dahil dito mo makikita ang ibat ibang uri ng tao.. ang iba ay sumusulat ng patungkol sa politika, showbiz, minsan ginagawa nang diary dahil sinusulat ang mga pangyayari sa knilang buhay, at madalas nga eh sa blog nilalabas ang mga sakit na pinagdadaanan..

pero kung ako ang tatanungin nyo.. BAKIT AKO NANDITO?

nananatili akong isang blogger dahil iyon sa mga kaibigan na nakilala ko dito sa mundo ng blogging.. hindi ko inaasahan na sa iksi ng panahon ko dito ay may mga makikilala akong kaibigan talaga namang tunay na kaibigan na alm kong lumabas man ako sa mundo ng blogging eh makakasama ko pa rin..

salamat sis jam asahan mong hindi ako mawawala sayo basta’t  pagkatiwalaan mo ang pagmamahal na binibigay ko

salamat mareng lady dark, hindi man tayo sobrang close ang mga mumunting pag uusap natin nawa’y magdala sa isang matatag na pagkakaibigan

salamat kikilabotz, alam mo naman ung bakit mahlabz kita diba.. dahil ikaw ang unang nagparamdam sa skin dito sa mundo ng blogging =) at hindi ko inaasahan na mas lalalim pa ang ating samahan at asahan mong hindi ako magbabago at sana ikaw din (kundi tatampalin kta) jowk (ng halik) hehe..

salamat lolo kulisap sa pagpapatawa sa skin ng mga mahaharot mong hirit! minsan nga iniisip ko kung lolo kaba talaga dahil sa sobrang cool mo hahah..

salamat ate kaye a.k.a ms dragonfly dahil sa tiwala na binigay mo at higit sa lahat sa pagmamahal mo bilang kaibigan

salamat “sayo” sa pagkakaibigang akin lamang palang ilusyon

salamat choknat at keso sa pagiging  kaibigan dito sa mundo ng blogging at camille kahit na madalang tayo nakakapag kitaan dahil busy ka, pero wala naman sa dalas o haba nang salita bago mapalapit sayo ang isang tao.. but the feeling!

salamat sa lahat ng mga walang sawang nagbabasa at nagkokomento sa aking sinusulat, hindi ko na po kayo maisa isa.. pero gusto kong malaman nyo na sobra ko na- a-appreciate ang pagbibigay nyu ng oras …nkakapang hinayang lang dahil alam kong marami pa akong magiging bagong kaibigan dito sa mundo ng blogging pero minsan kelangang magdesisyon.. but remember adik will forever be an adik! hehehe..

pero kelangan na po mag pahinga ng inyong lingkod sa isang ma emosyonal na kadahilanan ( oo emotional tlga! eh emoterang nilalang ako eh!) hehhe.

KAYEDEE’S JOURNAL IS SIGNING OFF!

p.s

masama bang maging malambing?

SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA!

spell M.O.V.E- O.N.

A friend ask me to go out.. nood daw kame ng babe i love you ni anne en sam. pero sabi ko hmmmm…. ayaw ko! my naaalala ako sa title eh! sagot nya, tsk! move on! bla blah blah..heheh.. putcha kaw!! kainis to! ikaw na nga magyayaya eh barahin ba daw ako! hehehhe.. naisip ko tuloy..

PAANO MO BA MASASABI NA YOU’RE TOTALLY MOVE ON???

  • pag may nagpapangiti or  nagpapasaya na sayong iba, (move on kana?)

  • pag may nagpapakilig na sayong iba,(move on kana?)

  • pag naiisip mo pa xa paminsan-minsan (hindi ka pa move on?)

  • pag natanggap mo na ng buong buo na tapos na kayo, (move on kana?)

  • pag affected ka pa rin minsan sa mga nagpapaalala sa kanya, ( hindi ka pa move on?)

  • pag parang wala na sayo kung my nalalaman kang bago sa kanya, (move on kana? )

  • pag wala ka ng maramdaman pag nalalaman mong masaya na xa dahil sa iba,(move on kana?) or immune kana?! hahha

  • pag lumilipas na ang araw na hindi xa sumagi sa isip mo, (move on kana?)

  • pag may time na filing mo eh namimiz mo xa,(hindi kapa move on?) eh bakit kahit nman fren u namimiz u dba!

  • pag nakuha mo na bang tumanggi sa kanya eh,(move on kana?)

  • pag nakuha mo nang magmahal ng iba (move on kana) minsan inoopen lang natin ang puso natin sa iba para pagtakpan ang pangungulila natin

  • pag nakakaya mo nang hindi mag pm sa ym,fs,fb,cp etc sa kanya(move on kana?)

  • pag my kanta kapa na hindi mo pa kayang pakinggan dahil nagpapaalala sa kanya,(hindi ka pa move on?) alam natin na kapag nakikinig tayo ng music eh mas malakas ang paglabas ng ating emosyon

  • pag lumilipas  ang aniv date nyo na hindi mo namamalayan,(move on kana?)

10 steps for post break-up closeure (kung my moving on issue ka try mo tong gawin baka makatulong sayo!)nabasa ko lang eto!

  1. accept it

  2. distance yourself

  3. stop talking about him/her

  4. skip the blame game

  5. learn from it

  6. picture yourself over him/her

  7. focus on yourself

  8. get out there! (meeting other people)

  9. take it nice en slow (slowly but surely ba!)

  10. dont generalized en dont compare once you meet other guy/woman

you think move on kana?

(oo emo mode uli hahah)

halabshu mom!

Day off  ko ngayon kaya naman tambay lang ako sa bahay, nanunuod ng mga soap opera’s sa television(xempre alangan namang nanunuod sa radio!)hahah..  then after watching all my programs i shut the television off! at bakit?? xempre getting ready to sleep! (batugan!)ahhah.

pero wala pang bente minutong pagkakatulog eh nagising ako(paano ko nalaman?eh tinignan ko ang orasan!) oo! nagising akong simisigaw! wala namang nakarinig dahil wala namang pumasok ng kwarto ko at alam ko ring hindi naman kalakasan ang pag sigaw ko at dalawang salita lang ang nabigakas ko!

WAG MA! yan ang nabigkas ko.. holy s***  i just had my worst nightmare that i’ve never been experience! sa dream ko eh pumasok daw ang mama ko sa room ko then hugging me saying na “ingat ka plage anak” (shoot naiiyak ako habang nagsusulat ako ngyon!)… pero iniisip ko sa dream ko na nasa trabaho sya bakit sya nandito??! at bigla unti unti syang nawawala… bigla ko naisip oh no! its just her spirit! un bang nagpapaalam lang!! kaya sumisigaw ako ng wag ma! it means wag syang umalis at iwan ako!

at nang nagising ako sa aking matinding bangungot eh naiyak ako ng sobra sobra.. inaaamin ko, hindi ako isang ideal daughter, i always talk back at her kaya nga lage kameng my arguments.. madalas ko syang nasusungitan lalo na pag wala ako sa mood(ung my problem ba), but im still trying to give her respect  as much as i could coz she’s my mom and i love her more than anything in this world! sounds cheesy but she’s the best mom.. she did a lot of sacrifices  for us.. nagpaka practical sya for her three childrens(mahabang storya!). and until now that we’re all grown ups she still treating us like a lil kids.. sya ang tagaluto,laba ng mga damit namin, linis ng house,taga grocery.. inaamin ko im such a lazy a** girl! pero hindi sya nagsasawa na mag alaga sa amin kahit pagod na sya.. lage sya ang takbuhan naming lahat pag may problems.. she supports me in every thing i do, kahit sa buhay pag ibig ko, kahit na against sya at ka against against naman talaga eh pinababayaan nya ako dahil ang reason nya eh basta masaya ako!..

lahat yan ay naisip ko pagmulat ng aking mga mata mula sa matinding bangungot at naisip ko mawala na ang lahat sa akin or kahit sino sa akin wag lang ang pinakamamahal kong ina………….

“SHE’S MY EVERYTHING”

MY MOM


kaya naman i insist to pick her up to work
just to make sure na she’ll be home safe
eto nga kararating lang namin =)

xge manghula ka!

dalawa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi natin masabi ang katagang

” TAPOS NA TAYO!”

AYAW MONG MASAKTAN XA!

OR

AYAW MONG MAWALA XA!

(bakit meron pa bang ibang rason?)

P.S.

i appreciate ur honesty
but im a lil bit hurt,dunno why!
u want truthfullness?en so do i…
(anung connection?trip q lang! nyahha)

yesterday today tomorrow

YESTERDAY…

……i cried

……….im miserable

……………….im broken

…………………….im emtpy

…………………………im hopeless

……………………………..im breathless

………………………………….im lost

……………………………………..im ruined

………………………………………….im shattered

…………………………………………….TODAY…

…………………………………………..i smile

……………………………………….i laugh

…………………………………..i grin

…………………………….i dream

………………………i breathe

…………….im inspired

…….im complete

TOMORROW…

………. i will live…

i move on