doc time!

Ang aga ng mga medical test kanina, at yung isa na ang tawag ay nuclear medicine test ang ayaw ko ng maulit.. sobrang boring! omg! pero slight lang kasi buti ay kulang ang tulog ko kagabi kaya mabilis akong antukin..

Anyhow.. ang procedure na yun ay pakakainin ka ng sandwich, well magdadala ka ng sarili mo. at may instructions, kelangan may mayo and its either chicken or egg ang ilalagay mo. egg sandwich ang ginawa ko kasi may mabilis gawin.. at infairness hindi na masama ang ginawa ko kaya naubos ko ang isang sandwich..

And after kumain, pahihigain ka tapos meron machine na nakatapat sa katawan mo most likely sa bandang tyan kasi ang silbi ng procedure na yun ay titignan nila kung gaano kabilis mag digest sa tyan ko.. and omg! 90mins lang naman ako nakahiga! at bago magsimula ang oras ng paghihintay, takot ako. hindi dahil sa procedure. kundi baka hindi ko maiwasang mag emote. ayoko kasi ng sobrang tahimik sa ganitong yugto ng buhay ko. chos! arte lang! hahahah.. eh eto na nga kung hindi ba naman bwusit yung doctor na yun.. binigyan pako ng background music! akala nya siguro matutuwa ako sa ginawa nya! hahaha!! okey lang sana kung mga tipong call me maybe ang tema. kaso mga tipong ‘just once pa’ come on! sinusubok talaga ang tibay ko minsan e noh?!

And god is good talaga.. coz i win! hakhak! pagpikit ko ng mga mata ko, pinagnasaan ko nalang si doc ang gwapo kasi! ahihihihi.. at ayun hanggang sa naka idlip ako.. at ayun bumilis ang oras at hindi namalayang at narinig kong sabi na 9mins left. yahooo!!

Pero ayaw ko na talaga yung procedure na yun! pero gagawin ko pa ata yung liquid part.. liguid naman ang gagawin sa susunod.. pero sana hindi na.. 😦 (crossfinger)

** iaask ko sana na kuhanan ako ng pic sa doc kaso hiya ako, baka sabihin mukha ko wengot** hahahah!

basahin,may matutunan ka!

PAALALA: WALA KAYONG MATUTUNAN PAG HINDI BINASA NG BUO.


  1. two nights na hindi nakapag in sa net but seems like forever na!
  2. at dahil jan marami ako namiss
  3. natuwa ako dahil my nagbigay ng advance gift for my bday sakin kahapon na fren
  4. my nag pm sa ym na isang tao(malamang hindi hayop!) na hindi ko inaasahan ever, few days ago
  5. wag kayong manghihingi ng payo kay kikilabotz kung ayaw mong mabato ng keyboard ng pc, makonyatan, at madukutan ng mata!
  6. at pasaway ang assignment nya sakin na hanggang ngyon hindi ko pa nasisimulan!
  7. ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi na ako magpupuyat hanggang 3am pero ginagawa ko pa rin! tsk!
  8. sinimulan kitang mahalin bilang kaibigan at natapos din ang pagmamahal na yon bilang kaibigan
  9. yes! day off ko tomorrow!
  10. maigsi lang ako mag post ng mga entry ko.. (pansin nyo?)
  11. ilang beses na tayong nagpaalam sa isat isa at ilang beses ng pumatak ang mga luha
  12. kung natuturuan ang puso, ituturo ko sa puso ni  enchong dee na mahalin  ako
  13. i love you but im not inlove with you
  14. nag poste ng walang kwenta para lang malabas ang tinik sa dibdib(nakain ko ang isda ng buo, sori naman)
  15. hanggang 15 lang dahil eto ang paborito kong numero

p.s
kelan mauubos ang
mga luha ko?

adiktus lang!

na feel mo naba ang pakiramdam ng


masaya PERO parang malungkot…

kompleto PERO parang my kulang…

maganda PERO feeling pangit…

pangit PERO feeling maganda…

kuntento PERO my hinahanap…

dedma PERO bakit namimiss…

gutom PERO parang busog…

inaantok PERO dilat ang mata…

inlove PERO parang adik lang…


hay buhay parang life



waahhh xenxa naman!
nadadala lang ako ng mga
requested song! haizzzz

spell K-A-I-B-I-G-A-N?

ako’y sobrang nagtataka at nalilito


ano bang meron ako para hindi maintindihan  ng isang tulad mo?


ano bang meron ka at hindi  lubusang maintindihan ng isang tulad ko?


ilang beses akong nagtangka at ilang beses ka ring nagtangka


pero bakit paulit ulit tayo bumabalik sa ating pinagmulan?


ang ating blankong nakaraan?




ano ba kaya mong ibigay sa isang kaibigan?


ano ba ang kaya kong ibigay sa isang kaibigan?


tiwala? katotohanan? ngiti? oras? kwento?


bakit nakakalimutan natin na kailangan din natin mag bigay ng pang uunawa?


pang uunawa na isipin na iba ka, iba ako!


at dahil sa pagkakaiba nalilimutan na minsan nagbibigay ito ng problema.




isa lang ang alam ko…


kung hindi kaya ang salitang unawa at pagtanggap


marapat na huwag nang ipilit na ipasok baka masugatan lang at masaktan

(uyy wag bigyan ng malisya) lolz


kung isang mahinang bagyo lang ang kayang tawirin mas mabuti pang

lumikas na ng maaga ng makaiwas sa pinsalang maaring idulot nito..


ANG INGAT BA AY KATUMBAS NG PAALAM??


annoyed vs babe iloveyou!

hala anung nakain ko sa araw na eto! at nakuha kong mag hi sa isang taong nakasalubong ng tingin….

ako, xa: *nagkatinginan*

ako: (smile) musta?

(natural sa ating mga pinoy na nagsasabi ng musta sa nga kapwa pinoy na nakikita dba..)

xa: ayos lang, ikaw?

ako: eto npapagod na ako!

ako: my inaantay ka?

xa: oo, si anu, si ano! (nalilito sa pag sagot)

ako: (dedma!) san ka nagwowork? malapit lang ba dito?

xa: oo jan lang sa (fastfood) hindi ko babanggitin wala nman bayad ang pag promote q e! eheheh

ako: ahh bago ka lang cguro kc hindi kta nakikita jan…  gaano ka na katagal dito sa yu es?

xa: matagal na rin 3 months.. (natawa ako! matagal na ba ang 3 months?) ahahaha

alam ko bored na kayo sa pinagsasabi ko! ahahha…kaya to make the story short… nahantung sa pormal na pagpapakilala with shake hands en nabigay ko ang numero ko! bwahhhhhh…

i dont usually give my number at ol! at sa pagkakaalam ko eh second time ko palang nabigay ang numero ko sa di mabilang na nag ask! bwahhhhh.. (pakapalan na itech!) ehehehe…

bakit ko ba naibigay?? wala lang kasi bukod sa bago lang sya dito eh mukha syang mabait. baka kelangan ng fren =)
iniisip ko na dahil bago xa eh mahiyain at mukha talaga syang mabait! ahahaha (kulit!)

but then guess wat?? after 3 hrs tumawag na agad!

ako: yellow

xa: si anu to!…asan ka? achuchuchu…

ako: ah ok… d2 ako sinehan, manunuod ng babe i love you sige na!

xa: next tym tau nmn.. achuchuchu… ok bye “iloveyou”

putragis! akala ko mahiyain at mabait! hang kapal pala ng muks!! hmp!

ako: shut up! anung pinagssbi mo jan! bye!

then after 2 hrs….ring si pone uli!

ako: (nagmamadaling sumagot ng pone kahit nagdridrive kc unregistered number bka kako long distance) putcha! xa lang pla ulit. tsk! IM DRIVING! COL ME BAK LATER! BYE! (khit na lab na lab kong nagtetelebabad while driving! eheheh) dang! he’s annnoying!!! tsk!

en guess wat uli! the next morning… putcha! ang aga aga tawag ng tawag.. can’t count ilang miscol meron c celpone ol day!! grrrrr..

on the 3rd day sinagot ko na si pone..(OH EM GEEH) sya na yata ang pinaka boring na taong nakausap kooo!! kaya naman wala pang 10mins eh nagpaalam na ako.. (after a few mins col uli) punyemas!! grrrr..

on the 4th day tawag uli at sagot ako uli..

xa: may pag asa ba ako??

ako: WALA!!!

amputcha!!! bakit kc nagpaka friendly en nice pa ako dat tym at nabigay ko numero ko! tsk! tsk!

anyweiz dahil sa nabanggit ko na nasa sinehan ako at nanuod ng babe i love you.. ibabahagi ko na din ang opinion ko bout the movie! hmmmmm… (hindi ko kasma ung fren kong nag ask saking manuod remember bout my previous post?! eheheh) …..aliw sya! sexy ni anne ehehehe.. en ok naman ung story.. at himala hindi ako umiyak ahahah.. ang totoo hindi ko masyodong dinadamdam ang movie kc ayokong umiyak, ayokong magpaka senti, ayokong alagaan kung sino man ang nasa isip ko habang nanunuod ako! bwahhhhh… pero ang mahalaga masasabi ko namang worth it naman ang pinangbayad ko ng movie tiket!!! yipeeeee.


signing off!!

nagsimula ang kayedee’s journal nang kinailangan kong maglabas ng sakit na nararamdaman ko ng mga panahong gusto kong isagaw lahat lahat ng walang makakarinig sakin lalo na ng mga nakakakilala sakin.. dahil ang totoo ayaw kong malaman nila ang katotohanang sobra akong nasasaktan..ganoon kasi ako ayaw kong may nakakaalam na nasasaktan ako especially sa family ko.. i always pretend to be the strong one! kahit sa loob loob ko ay isa akong napakahina na tao pagdating sa emotion..

hanggang sa unti unti ay nakilala ko ang tunay na layunin ng blogging.. hindi lang pala ito blankong pahina na pwede mong sulatan ng mga gusto mong sabihin sa tuwing tayong nasasaktan.. dahil dito mo makikita ang ibat ibang uri ng tao.. ang iba ay sumusulat ng patungkol sa politika, showbiz, minsan ginagawa nang diary dahil sinusulat ang mga pangyayari sa knilang buhay, at madalas nga eh sa blog nilalabas ang mga sakit na pinagdadaanan..

pero kung ako ang tatanungin nyo.. BAKIT AKO NANDITO?

nananatili akong isang blogger dahil iyon sa mga kaibigan na nakilala ko dito sa mundo ng blogging.. hindi ko inaasahan na sa iksi ng panahon ko dito ay may mga makikilala akong kaibigan talaga namang tunay na kaibigan na alm kong lumabas man ako sa mundo ng blogging eh makakasama ko pa rin..

salamat sis jam asahan mong hindi ako mawawala sayo basta’t  pagkatiwalaan mo ang pagmamahal na binibigay ko

salamat mareng lady dark, hindi man tayo sobrang close ang mga mumunting pag uusap natin nawa’y magdala sa isang matatag na pagkakaibigan

salamat kikilabotz, alam mo naman ung bakit mahlabz kita diba.. dahil ikaw ang unang nagparamdam sa skin dito sa mundo ng blogging =) at hindi ko inaasahan na mas lalalim pa ang ating samahan at asahan mong hindi ako magbabago at sana ikaw din (kundi tatampalin kta) jowk (ng halik) hehe..

salamat lolo kulisap sa pagpapatawa sa skin ng mga mahaharot mong hirit! minsan nga iniisip ko kung lolo kaba talaga dahil sa sobrang cool mo hahah..

salamat ate kaye a.k.a ms dragonfly dahil sa tiwala na binigay mo at higit sa lahat sa pagmamahal mo bilang kaibigan

salamat “sayo” sa pagkakaibigang akin lamang palang ilusyon

salamat choknat at keso sa pagiging  kaibigan dito sa mundo ng blogging at camille kahit na madalang tayo nakakapag kitaan dahil busy ka, pero wala naman sa dalas o haba nang salita bago mapalapit sayo ang isang tao.. but the feeling!

salamat sa lahat ng mga walang sawang nagbabasa at nagkokomento sa aking sinusulat, hindi ko na po kayo maisa isa.. pero gusto kong malaman nyo na sobra ko na- a-appreciate ang pagbibigay nyu ng oras …nkakapang hinayang lang dahil alam kong marami pa akong magiging bagong kaibigan dito sa mundo ng blogging pero minsan kelangang magdesisyon.. but remember adik will forever be an adik! hehehe..

pero kelangan na po mag pahinga ng inyong lingkod sa isang ma emosyonal na kadahilanan ( oo emotional tlga! eh emoterang nilalang ako eh!) hehhe.

KAYEDEE’S JOURNAL IS SIGNING OFF!

p.s

masama bang maging malambing?

SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA!

spell M.O.V.E- O.N.

A friend ask me to go out.. nood daw kame ng babe i love you ni anne en sam. pero sabi ko hmmmm…. ayaw ko! my naaalala ako sa title eh! sagot nya, tsk! move on! bla blah blah..heheh.. putcha kaw!! kainis to! ikaw na nga magyayaya eh barahin ba daw ako! hehehhe.. naisip ko tuloy..

PAANO MO BA MASASABI NA YOU’RE TOTALLY MOVE ON???

  • pag may nagpapangiti or  nagpapasaya na sayong iba, (move on kana?)

  • pag may nagpapakilig na sayong iba,(move on kana?)

  • pag naiisip mo pa xa paminsan-minsan (hindi ka pa move on?)

  • pag natanggap mo na ng buong buo na tapos na kayo, (move on kana?)

  • pag affected ka pa rin minsan sa mga nagpapaalala sa kanya, ( hindi ka pa move on?)

  • pag parang wala na sayo kung my nalalaman kang bago sa kanya, (move on kana? )

  • pag wala ka ng maramdaman pag nalalaman mong masaya na xa dahil sa iba,(move on kana?) or immune kana?! hahha

  • pag lumilipas na ang araw na hindi xa sumagi sa isip mo, (move on kana?)

  • pag may time na filing mo eh namimiz mo xa,(hindi kapa move on?) eh bakit kahit nman fren u namimiz u dba!

  • pag nakuha mo na bang tumanggi sa kanya eh,(move on kana?)

  • pag nakuha mo nang magmahal ng iba (move on kana) minsan inoopen lang natin ang puso natin sa iba para pagtakpan ang pangungulila natin

  • pag nakakaya mo nang hindi mag pm sa ym,fs,fb,cp etc sa kanya(move on kana?)

  • pag my kanta kapa na hindi mo pa kayang pakinggan dahil nagpapaalala sa kanya,(hindi ka pa move on?) alam natin na kapag nakikinig tayo ng music eh mas malakas ang paglabas ng ating emosyon

  • pag lumilipas  ang aniv date nyo na hindi mo namamalayan,(move on kana?)

10 steps for post break-up closeure (kung my moving on issue ka try mo tong gawin baka makatulong sayo!)nabasa ko lang eto!

  1. accept it

  2. distance yourself

  3. stop talking about him/her

  4. skip the blame game

  5. learn from it

  6. picture yourself over him/her

  7. focus on yourself

  8. get out there! (meeting other people)

  9. take it nice en slow (slowly but surely ba!)

  10. dont generalized en dont compare once you meet other guy/woman

you think move on kana?

(oo emo mode uli hahah)

xge manghula ka!

dalawa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi natin masabi ang katagang

” TAPOS NA TAYO!”

AYAW MONG MASAKTAN XA!

OR

AYAW MONG MAWALA XA!

(bakit meron pa bang ibang rason?)

P.S.

i appreciate ur honesty
but im a lil bit hurt,dunno why!
u want truthfullness?en so do i…
(anung connection?trip q lang! nyahha)

oo adik ako!!

anung meron ka at adik ako sayo??!

pagmulat ng aking mata mula sa aking pagtulog ay ikaw ang unang pumapasok sa isip ko!
pananabik sa iyong mga hawak ang aking nararamdaman!
gusto kong bumilis ang oras sa trabaho para makauwi agad nang ika’y muli kong makasama!
halos ayaw ng matulog dahil sa ayaw kitang maiwan!

haiiiiizzzz uu adik na talaga ako sayo aking kompyuter!!

kung nag iisip kayo kung ano pinagkakaabalahan or account meron ako sa net share ko hehhe.
>>> mayspace na na-coma na dahil sa hindi ko nabubuksan
>>> friendster na dati kong na-delete sa ka emo-han ko, pero dahil sa hindi naman pala kaya gumawa uli ako at dalawa pa! hahah (pero ngayon madalang sa patak ng ulan ko na din buksan 🙂
>>> facebook na kinaaadikan ng lahat! dahil nakaka enjoy naman talaga ang mga games dba? pero sa ngyon kahit na hindi na ako nakakapaggala sa yoville at nalugi na ang famville dahil hindi ko na natataniman at na bankrupt na cafe ko dahil sa hindi ko na nalulutuan eh madalas nyu pa din ako makita dun hindi ba? hehhe.. (wala lang naka-open lang ang chat dun dahil u knowww. heheh) 🙂
>>> blogspot na palage kong tinatambayan dahil sa pakikinig ko ng mga request songs na infairness iloveit! 🙂 ,kasama na din ung pag aantay ko sa mga best friend ko na blogger din… (nyahhhkksss my ganun! oo my gnun!)hehhe. at oo nagchachat kame dun sa pamamagitan ng shoutmix! 🙂 (hang sosyal diba, chatting w/ background music pa! san kapa!)hehehe..
>>> wordpress na aking kaibigan dahil nalalabasan ko ng toxic ko sa katawan! ahihihi.. (kasabay ng palageng pagbloblog hopping) heheh 🙂
>>> at pati bahay ni bob ong eh pinasok ko na! at oo isa na akong alagad ni bob ong hehehe..

at dahil adik ako eh nag pa-unli internet na ako sa cellphone ko!! hahhahha…

marahil (marahil lang naman) nag iisip kayo paano ako mag computer……. at dahil sa binuking ko c k******z paano umiyak, ibubuking ko na rin ang itsura ko pag nagcocomputer 🙂

AT NGAYON ALAM NYO NA! SANA AY HINDI PA RIN MAGBAGO ANG PAGMAMAHAL NYO SA AKIN! HEHEH 🙂

(ALAM KONG MAWAWALA DIN ANG PAGIGING ADIK KO NGAYON KATULAD NG PAGKAWALA SA PAGKAADIK KO SAU! MY GANUN? OO MAY GANUN!! 🙂

mahal ko ikaw!

Hindi ko maipaliwanag ang kaligayang nadarama ko ngayon
Sobrang nag uumapaw ang pagmamahal na nasa puso ko
Wala akong nararamdaman kundi kasiyahan na matagal ko nang hinahangad at pinag darasal
Hiling ko lang na hindi na matapos ang araw na eto

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nadarama ko sa tuwing ika’y kasama ko
Hindi ko alam pero gustong gusto ko ang mga hawak mo, ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap mo lalo na ang masasarap na halik mo, ang mga kwento mong hindi ko kinababagutan, kung paano mo ipakita kung gaano ako kahalga sayo, at kung gaano mo iparamdam na kaya mong talikuran ang anu man para sa pagmamahalan natin

Dumilat ang mga mata ko
Nakita ko ang sarili kong nasa realidad ng buhay
Panaginip lang pala ang lahat
Naisip ko, bakit kailangan ko pang magising kung sa pag gising ko ay maglalaho ang kaligayahan na nadarama ko kapiling ka

kung sa panaginip kalang makakasama ayaw ko ng magising!

sige lang ang pacute!

minsan natutuwa ako sa mga ginagawang moves ng mga lalaki sa mga babae pag gusto nilang magpacute or kaya type nila ang girls.. hindi ba pwede namang sabihin nalang ng deretso para hindi kayo parehong natatawa or nagkakahiyaan sa isat isa? at minsan ng hindi ka na rin nakakaabala! here are some scenario na nakikita, napapanuod at na eexperience na rin 🙂

scenario #1

pag nag wowork ka sa isang resto or fast food  hala! halos araw  araw na dun kumakain lalo na kung ikaw ang cashier kunyari matagal tignan ang menu, hindi alam ang oorderin para lang matagal syang mkapag papansin! hoyyy ang haba na ng pila oh! 🙂

scenario #2

paglabas mo ng work or skul eh nag aantay sau plge sa labas.. (ano pacute,gus2 kang makita,or bumwebelo lang na masabi na ihatid ka)

scenario #3

pagdumadaan ka sa lage mong dinadaan eh nandun sya palage.. kunyari wala lang dun daw ang tambayan nya! ( madalas eto sa mga eskwelahan)

scenario #4

makakakuha ka ng isang txt message sa hindi u kilala at pag nagreply ka ng hu u? sabay reply nya ng  sorry wrong no! pero panay na ang txt at kung anu ano na ang tinatanong.. dahil nakuha na pala ang number mo sa isang kakilala!

scenario #5

makakakuha ka uli ng txt message.. at hindi kapa nagrereply eh biglang may kasunod na txt message agad na nagsasabing sorry akala ko ikaw si… pareho kasi kayong pangalan eh kaya magkasunod sa contacs ko! (edi sana nilagyan mo nang palatandaan which is which diba!)

scenario #6

palageng aawayin at aasarin or tutuksuhin para lang mapansin at makuha ang attention! (madalas eto sa mga bata pa tulad ng elementary stage, well actually minsan kahit sa mga nag iisip bata pa!) 🙂

scenario #7

mag ha-hire ng taong kunyaring mambabastos sayo at bigla syang darating sa eksena at tutulong na parang si superman at biglang magpapakilala at aalukin na ihatid nalang, eh syempre si girl natakot na kaya mapapa oo ka nalang! ( wow pam pelikula ang drama! ) hahhha. 🙂

scenario #8

palaging may letter or my isang pirasong bulaklak sa locker mo na naka ipit.. (high school??) 🙂

scenario #9

magpapanggap na kunyari nakilala na sya somehere pero hindi matandaan kung saan…. at sasabihin pang ikaw si…… ano…. dba… (nag iisip kuno) at biglang sabi ng girl (ang pangalan nya)… sabay hirit ng ayy oo sabi na eh.. pero hindi pa rin alam san nagkakilala (kasi hindi naman talaga!) hehhe.

scenario #10

customer: papalapit sa empleyado (ako)

ako: yes how may i help you?

customer: hi, where you guys put your……. (nag iisip)…..(nakalagay pa ang daliri sa noo nya)…

1 sec..  2 secs. . 3 secs..  4 secs..  5 secs..  6 secs..  7 secs..

hmmmmm…

ako: nakatunganga at nakatitig sa kanya dahil hinihintay ang sasabihin…  zzzzzzz….(halos tumulo na ang laway sa pagkatunganga)

sabay hirit nang….

customer: you know what you are so pretty.. you really have a beautiful face.. 😉

ako: (sabay balik ng laway na tumutulo sa pagkatunganga)… tenk you! (pacute na smile) 🙂 so what are you looking for??

customer: oh yah! where is your AIR FRESHENER!!

bwaahhhhhhh…. mahirap bang alalahanin yun??!

ako: isle 7A! (biglang talikod)

paalala : hindi lang mga lalaki ang gumagawa ng mga eto! kahit mga iilang babae din 🙂

yan ha! wala nang magrereact na guys.. bka sabihin nyo inaapi ko kayo! hehhe 🙂

hirit ni madir!

hasus! namizz kong mag entry ah! ako ba namizz mo?? i wish~! 🙂

ang magiging entry ko ngayon is bout my conversation between me en my mom..

habang ako’y nagdridrive papuntang store (habang nasa driver’s seat c madir) maseryosong pag uusap ang nagaganap tungkol sa personal na buhay pag ibig ng aking tyahin which is kapatid nya en yung bf nun eh malapit kong kaibigan na nsa california.. ang tanga kasi ng kaibigan kong ito! biruin nyu niloko na sya ng tita ko at inamin na sa kanya harap harapan na hindi na sya mahal eh nagpapauto pa rin! kahit wala na sila eh sumusuporta pa rin sa tita ko at sunod pa rin ang lahat ng luho at nakukuha pa rin sa kanya ang lahat ! imagine! hindi ko lubos maisip na meron talagang taong sobra magmahal (or talagang katangahan nalang!), nakukuhang maging masaya sa isang txt lang ng iloveyou or imisu kahit alam naman na obvious ang habol!! hindi ko sya nilalaglag ha 🙂 ilang beses ko naman ng sinabi sa kanya ang katangan nya eh hahaha..at alam na nya yun! 🙂

anyweizzz habang pinag uusapan namin ung kapatid nya, pinipilit nya na kaya daw nawala ang pagmamahal nito sa bf nya eh dahil siguro meron ng iba at taliwas naman yun sa opinion ko. kasi naniniwala ako na nangyayari talaga sa buhay na sa hinding maipaliwanag na dahilan eh minsan eh magigising nalang tayo isang araw na mawawala nalang ang pagmamahal natin sa isang taong minsan nating minahal.. en datz d reality of  lyf!! naniniwala ka ba dun??

at dahil sa argument naming iyon hinirit nya sakin nag linyang “EH BAKIT IKAW BIGLA NALANG DIN BANG NAWALA ANG SAYO?” (which is ang tinutuloy nya eh ung s ex ko!) natameme ako.. “ah.eh.hm.” at buti nalang may nag horn sa likod namin at nawala ang moment na yun!! ahahaha..  kung dati inis na inis ako pag may naghohorn sakin, pero sa pagkakataon iyon sobrang pagpapasalamt ko! hahhah…

at kung itatanung nyo bakit ako natameme….. ay dahil hindi ko masabing “oo na tama ka dahil sa iba!!”(hindi nya kasi alam yun) hahha..(pero hindi pa rin magbabago ang paniniwla ko! 🙂 )

ang galing ng tira mo madir!! gumaganyan kana ngayon ha!! hahahha..

ggrrrrrr…..

nakakainis….. pwede bang sumigaw?

pwede bang magmura?

ggrrrrrrr….   im so PISSED OFF!!!

at BAKIT??  banggain ba naman ang kotse u !!! another grrrrrrr…..

at sabayan pa ng mga taong ma epal…

” why u did’nt call the cops??”

what the…. ” how would i know!! ”

buwisit! sasakyan ko na nabangga ako pang sinisisi!!…….

I AM SO EXHAUSTED!! ………. right now 😦

hmp! ewan ko sayo!

alm ko kahapon lang ang emo emo ko s post ko  na kesyo I WISH I HAD YOU BACK!..but guess wat binabawi ko na! paano

ANG YABANG MO!

sa lahat ng ex’s ko hindi ko nafeel na magalit, mayabangan, at kung anu ano pang nega maliban sa sakit! hangang sayo..
mula ng naghiwalay tayo kahit anong tago,dedma na ginagawa mo wala akong ibang maramdaman kundi mananabik sayo un lang! pero ngayon sa nakita’t ginawa mo ..napa isip ako panandalian at sinubukang alalahanin ang masasayang araw na meron tayo nuon.. wala na akong maramdaman kundi  pagkaTURN-OFF!

bitter?? hindi po promise 🙂

promise eto na ang huling entry ko with the category of  YOU en magandang alaala 🙂

buking na kaya pde ng magpakilala sa inyo! 🙂