again.

Pagdating sa relasyon dalawang desisyon lamang ang higit na pinagpipilian..

TO LET GO

or TO FIGHT FOR IT

Pero paano mo nga ba maititimbang ang dalawang eto?

Walang hindi masakit sa pagpapalaya ng taong mahal o minahal mo. pero iba iba nga lang ang level, depende siguro sa pagmamahal na meron ka para dito o kung paano mo dalhin ang sakit na nararamdaman mo para mapagaan ang sakit. Meron namang pagkakataon na akala mo nalagpasan mo na ang sakit pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan. gets? good! 🙂

Hanggang saan mo nga masasabi na hindi na worth it ang pinaglalaban mo? ano ba ang sobra na? ilang beses kong tinatanong eto sa sarili ko. paulit ulit na nga. nakakaloka! lol.

Ganito lang ka simple para sa akin ang salitang pakikipaglaban sa taong mahal mo. hindi sapat ang mahal mo lang, dapat din kaya mong tanggapin ang mga pagkakamali at mahalin ang kahinaan nito. im just talking about differences. (ibang usapan na kapag may lokohan na nagaganap) dahil hindi na pakikipaglaban tawag dun kundi kamartiran at katangahan. agree? 😀
pero ganun naman siguro pag nagmamahal ka minsan nagiging martyr at tanga ka. (at hindi ko na uulitin yun) lol.

Isa lang siguro ang tamang sagot sa lahat ng katanungan ng pinupunto ng posteng eto..

I-let go mo ang tao kung sa tingin mo kaya mong mawala sya sa buhay mo..

at ipaglaban mo kahit anong mangyari kung sa tingin mo ay hindi mo kayang mawala ang taong eto.

okey, sorry pinahaba ko lang.. hahaha!

Advertisements

pagsuko sa laban.

Gugustuhin mo bang manuod kapag si  Manny *Pacman* ay nakikipag laro ng boxing sa loob ng ring na mag isang lumalaban? paano, yung kabilang panig ay halata namang hindi na lumalaban sa hindi masabing dahilan.. siguradong magmamaktol ang mga fans na nagbayad para sa laban na iyon. aktwali nangyari sa amin iyon, yung unang laban ni Manny dito sa vegas. bumili kame ng pay per view para makanuod. at lahat ay excited pati si mama ko na may anxiety ay inunahan ng uminom ng gamot dahil sigurado daw na ma-tetense sya sa laban.. pero anong nangyari? waley!!!! hindi pa man umeepek yung gamot ay nanalo na agad si Manny!. hindi ko matandaan kung nakailang round lang sya.. inis na inis si mama.. at pakiramdam ko din ay nag aksaya lang kame ng binayad. parang appetizer lamang ang ibinigay na excitement.. kaya mula nuon ay hindi na kame bumibili ng pay per view, sa halip ay pinapanuod nalang sa news. oh diba nakatipid pa! hehhehe..

Kapag sinabi mong *laban* o labanan, eto ay may bilang na mahigit sa isa. malamang! alangan naman na labanan mo ang sarili mo?? hakhak! mapa sports o away at suntukan lang sa may kanto.. gugustuhin mo bang ikaw lang ang nagbibigay effort samantalang yung isa petiks lang at walang pake kung matalo? walk out na! 😀

Kagaya din ng pakikipaglaban sa pagmamahal ay sympre hindi pwedeng mawala eto! ahihihi.. walang salitang laban o pakikipaglaban na nagaganap kung ang isa ay sumuko na. may laban ka pa ba dun? wala na hindi ba? para ka nalang nakikipag laban sa hangin o sa sarili mo. ang pakikipaglaban naman ay may kasamang pagmamahal. matinding pagmamahal.. sa bawat relasyon walang problem free. lahat ay kinakapitan nito. pero depende nalang sa pagmamahal na meron ka para malagpasan ang mga eto. sa pamamagitan ng pakikipaglaban. 

Maikukumpara ko ang isang relasyon sa isang silya.. dalawang paa na nagsisilbing pundasyon pero kapag nawala na ang isang  paa, waley na!

May mga sitwasyong isa nalang ang lumalaban kasi sya nalang ang nagmamahal kaya wala na talagang pag asa yon, suko na! pero swertihan kung dalawa kayong handang lumaban. panalo!

Naalala kong may nag sabi na para lang daw akong nag sasaranggola, at sya ang saranggolang hawak ko kaya mawawala lang sya kapag ako ang bumitaw.. pero mali pala.. nagkabaliktad. ako ang naging saranggola at sya ang bumitaw.. buhay nga naman.. so unpredictable talaga!

tapos na ang counting.. hindi nako aasa pa..

the end…

3rd day..

sad..

gusto kong pumunta sa isang lugar kung saan pwede kong ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko. tapos may kasamang pwedeng maging si spongebob ko, na pwedeng mag absorb ng sakit. yung nakikinig lang habang hinihimas ang likod ko habang humahagulgol na nilalabas lahat ng excess baggage sa dibdib ko.. tapos* yakap* 🙂

kaso wala naman gagawa nun. kasi lahat sila nasa malayo.. haysss. i wanna go home badly.. 😦

random lang..

yung pakiramdam na akala mo malakas ka, walang bakas ng kahinaan ng biglang bubuhos ang mga luha. hindi mapatigil, hindi makontrol. pakuwari na may sariling pwersa na kahit anong sabi mo na wag kang bubuhos, magugulat ka nalang na kusang nagmamadaling umagos sa mukha mo hanggang sa mabasa ang damit na suot mo.. batrip db?! dagdag eyebags at dark circles.

pero kahit anong lakas mo, manghihina at manghihina ka.. na kahit anong tapang mo maduduwag at maduduwag ka.. yung akala mong habambuhay kang kakalma mapupuno at mapupuno ka.

mapang asar ang buhay. un ang totoo!
madalas kong nakikita or nababasa na wala silang ibang sinasabi na kaligayahan lang ang hangad nila sa buhay. isang simpleng salita, madaling isulat pero bakit kaya hirap na hirap ang karamihan na makuha eto??

sa mga bagay na madaling pumasok mahirap lumabas.. at sa mahirap pumasok madaling lumabas.. hindi ba pwedeng kung madaling pumasok madali ka ding makalabas?

sana ang buhay ay maging isa sa mga teleserye na pinanunuod ko. yung isang commercial lang ay agad na ang  “after 1,2,3,4,5 yrs” pag balik ng programa,  yun bang ganun kadali malagpasan ang mga pinagdadaanan mo. ganun kabilis maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

para lang akong isang laruang robot na nalaglag ang isang parte nito at ayaw ng gumana, electric fan na wala ng langis kaya hindi na umiikot, tv na na over heat kaya ayaw ng mag on.. at isang battery ng cell phone na over use na akala mo ok pa. pero sa hindi inaasahan biglang napagod na..

puyat ang katapat.

i feel like dying…

sobrang lungkot, pag na ospital ka itatanong sayo ng nurse gaano kasakit i rate mo 1-10.. ang sagot ko ngayon ay 11..

ayaw kitang mawala, gusto ko matuloy ang pangarap na magkasama hanggang sa huling hininga. mga pangarap na binuo at pinaglaban para sa habambuhay na plano natin, pero nasaan na? hindi ko na sya makita. malabo na ata ang mga mata ko talaga..

omg! life is really unpredictable. kaninang umaga lang masaya ako, tayo.. pero pag sapit ng gabi magkaibang landas na ang tatahakin. sabay liko ng mga pangarap na dati lahat ay papunta sayo.. ngayon, saan na ang punta ko? saan ako magsisimula?

hindi.. hihinto lang ako. mag iisip, magpapahinga.. kung sa aking pagtayo ay maglakad ng mag isa ipagkakatiwala ko na lamang kay ama ang bawat hakbang nga mga paang halos di mailakad dahil papunta sayo ang nais. ngunit ano pa nga ba ang magagawa kung mga paa mo’y tila may hinahabol at mabilis na mawala..

alam kong mararating ko rin ang finish line sa aking lalakbayin..kailangan ko lng ng lakas, tapang at katatagan..

tulungan mo ako ama… pls.

ten years.

AKTWALI FEW DAYS AGO KO NA ETO NAISULAT AT AYAW KO SANANG IPOSTE DAHIL MEDYO MADRAMA(PERO BAKIT BA JOURNAL KO ETO EH) AHAHHHA..AT BAKA ANG IBA SA INYO AY NABASA NA ETO AHIHIHI. PERO SA KADAHILANANG KAHIT ANONG PIGA KO SA UTAK KO NA MY MAISULAT AY WALANG LUMALABAS NA TINTA. ETO NALANG ANG MAIPOPOSTE  KO..

alam ko at sigurado na ako noong mga panahong sinuko na kita,alam ko na kaya ko ng pakawalan ang sampung taong pagsasama.. naawa ako sayo nung huling usap natin dahil nasaktan kita nang sinabi ko na ayoko na, at wala na akong balak pang ayusin pa ang ating relasyon..

oo! minahal kita nuon… sobra sobra pa nga! pero anung ginawa mo binalewala mo at nakaya mo akong ipagpalit sa isang taong bago mo lang nakilala! at ngyon na nakakamove on na ako sayo at nakaya ko na ring magmahal ng iba, saka mo ipaparamdam ang pagmamahal mo at ang halaga ko sayo!

at dahil nakapagmahal na ako ng iba, akala ko burado ka na ng tuluyan sa buhay at puso ko… pero kaninang tumawag ka at sinabi mo ang masamang balita, nag alala ako ng sobra, kasama nun ay ang pagkamiss ko sayo… kaya naman tinawagan kita pabalik. gusto kitang yakapin at kung kaya ko eh pupuntahan kita para alagaan..

at sa mga sandaling ito nananariwa sakin ang mga alaala ng ating kahapon.. sa masasaya hanggang sa mga malulungkot na alaala.. at nasabi ng utak ko…………………. hindi ko yata kaya na my mangyaring masama sayo at mabura ka ng tuluyan sa buhay ko!

naiinis ako! alagaan mo kasi mabuti ang sarili mo!

LOVE MOVES IN……….?

sabi nila love move’s in mysterious way… pero tell me paano ba naging mysterious ang magmahal??  sige isa isahin natin kung bakit, paano, saan, kelan, at ano tayo magmahal…..

naranasan mo na bang:


~~magmahal sa isang kaibigan- magsisimula bilang isang mabuting pagkakaibigan, pero madedevelope into a romantic feeling
~~ magmahal sa taong hindi pa nakikita- actually uso to ngayon!! ahahah.. syempre sa dami ng social networking sites na sinasalihan like blogging and chatting! en even in texting.  na kahit hindi mo pa nakikita eh nahuhulog na ang loob mo dahil sa palagiang pakikipag usap nyo.
~~ magmahal ng dalawa– minsan sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagmamahal tayo ng higit sa isang tao. (alam nyo bang mas mahirap at masakit  ang nasa posisyon ng namimili kesa sa pagpipilian?) 🙂
~~ magmahal ng mahal ng isang kaibigan or malapit sa puso– eto na siguro ang pinaka mahirap na sitwasyon kung ikaw ay magmamahal, dahil dalawa lang ang pagpipilian mong kalabanin.. ang nararamdaman mo at konsenya mo.
~~ magmahal ng may mahal ng iba– dito pumapasok  si ms/mr martyr! lolz. na kahit my kahati ka eh tatanggapin mo, mabigyan kalang ng kapiranggot na panahon at oras.
~~magmahal ng my mahal kang iba– minsan iniisip ko, kasalanan ba ang magmahal ng iba habang my mahal ka na?? pagtataksil naba ang tawag dito?? para sakin kase, hindi natin kontrolado ang puso hindi gaya ng utak.. kung magmahal man tayo ng iba sa di sinasadyang pagkakataon ay hindi eto kasalanan! magiging kasalanan lamang eto “if you entertain the feeling.”
~~ magmahal sa taong hindi mo nakakasama- well eto ang tinatawag na long distance relationship. sabi nila wala daw nagtatagal sa ganitong set up! dahil sa ibang tao walang silbi ang relasyon kung hindi mo naman eto nakakasama! pero my iilang tao naman na nabubuhay at kuntento sa salitang “LOVE” kahit malayo ang kanilang minamahal.
~~magmahal sa isang ilusyon– pagmamahal sa isang taong hindi ka man lang kilala or nagmamahal ng isang taong malayo sa buhay mo.
~~magmahal sa maling pagkakataon at panahon – hmmmm…alam nyo ba ang kantang somewhere down the road? ayun ang drama nito! 🙂
~~ magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin- awwwts! pero nangyayari eto, madalas! pero anung magagawa kundi lumayo, (biglang wala akong makoment dito lolz) saying move on or letting go is so easy to say but its the hardest thing to do ayyt?!!
~~ magmahal sa taong mahal ka– oh well obvious naman na eto ang uri ng pagmamahal na hinahangad ng lahat.. ang mahalin ng taong ating iniibig! ayieeee

ngayon ipaliwanag mo sakin ang kasabihang “love moves in mysterious way”! 🙂

at saan ka sa mga nabanggit ko?? AMININ! 🙂

signing off!!

nagsimula ang kayedee’s journal nang kinailangan kong maglabas ng sakit na nararamdaman ko ng mga panahong gusto kong isagaw lahat lahat ng walang makakarinig sakin lalo na ng mga nakakakilala sakin.. dahil ang totoo ayaw kong malaman nila ang katotohanang sobra akong nasasaktan..ganoon kasi ako ayaw kong may nakakaalam na nasasaktan ako especially sa family ko.. i always pretend to be the strong one! kahit sa loob loob ko ay isa akong napakahina na tao pagdating sa emotion..

hanggang sa unti unti ay nakilala ko ang tunay na layunin ng blogging.. hindi lang pala ito blankong pahina na pwede mong sulatan ng mga gusto mong sabihin sa tuwing tayong nasasaktan.. dahil dito mo makikita ang ibat ibang uri ng tao.. ang iba ay sumusulat ng patungkol sa politika, showbiz, minsan ginagawa nang diary dahil sinusulat ang mga pangyayari sa knilang buhay, at madalas nga eh sa blog nilalabas ang mga sakit na pinagdadaanan..

pero kung ako ang tatanungin nyo.. BAKIT AKO NANDITO?

nananatili akong isang blogger dahil iyon sa mga kaibigan na nakilala ko dito sa mundo ng blogging.. hindi ko inaasahan na sa iksi ng panahon ko dito ay may mga makikilala akong kaibigan talaga namang tunay na kaibigan na alm kong lumabas man ako sa mundo ng blogging eh makakasama ko pa rin..

salamat sis jam asahan mong hindi ako mawawala sayo basta’t  pagkatiwalaan mo ang pagmamahal na binibigay ko

salamat mareng lady dark, hindi man tayo sobrang close ang mga mumunting pag uusap natin nawa’y magdala sa isang matatag na pagkakaibigan

salamat kikilabotz, alam mo naman ung bakit mahlabz kita diba.. dahil ikaw ang unang nagparamdam sa skin dito sa mundo ng blogging =) at hindi ko inaasahan na mas lalalim pa ang ating samahan at asahan mong hindi ako magbabago at sana ikaw din (kundi tatampalin kta) jowk (ng halik) hehe..

salamat lolo kulisap sa pagpapatawa sa skin ng mga mahaharot mong hirit! minsan nga iniisip ko kung lolo kaba talaga dahil sa sobrang cool mo hahah..

salamat ate kaye a.k.a ms dragonfly dahil sa tiwala na binigay mo at higit sa lahat sa pagmamahal mo bilang kaibigan

salamat “sayo” sa pagkakaibigang akin lamang palang ilusyon

salamat choknat at keso sa pagiging  kaibigan dito sa mundo ng blogging at camille kahit na madalang tayo nakakapag kitaan dahil busy ka, pero wala naman sa dalas o haba nang salita bago mapalapit sayo ang isang tao.. but the feeling!

salamat sa lahat ng mga walang sawang nagbabasa at nagkokomento sa aking sinusulat, hindi ko na po kayo maisa isa.. pero gusto kong malaman nyo na sobra ko na- a-appreciate ang pagbibigay nyu ng oras …nkakapang hinayang lang dahil alam kong marami pa akong magiging bagong kaibigan dito sa mundo ng blogging pero minsan kelangang magdesisyon.. but remember adik will forever be an adik! hehehe..

pero kelangan na po mag pahinga ng inyong lingkod sa isang ma emosyonal na kadahilanan ( oo emotional tlga! eh emoterang nilalang ako eh!) hehhe.

KAYEDEE’S JOURNAL IS SIGNING OFF!

p.s

masama bang maging malambing?

SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA!

xge manghula ka!

dalawa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi natin masabi ang katagang

” TAPOS NA TAYO!”

AYAW MONG MASAKTAN XA!

OR

AYAW MONG MAWALA XA!

(bakit meron pa bang ibang rason?)

P.S.

i appreciate ur honesty
but im a lil bit hurt,dunno why!
u want truthfullness?en so do i…
(anung connection?trip q lang! nyahha)