again.

Pagdating sa relasyon dalawang desisyon lamang ang higit na pinagpipilian..

TO LET GO

or TO FIGHT FOR IT

Pero paano mo nga ba maititimbang ang dalawang eto?

Walang hindi masakit sa pagpapalaya ng taong mahal o minahal mo. pero iba iba nga lang ang level, depende siguro sa pagmamahal na meron ka para dito o kung paano mo dalhin ang sakit na nararamdaman mo para mapagaan ang sakit. Meron namang pagkakataon na akala mo nalagpasan mo na ang sakit pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan. gets? good! πŸ™‚

Hanggang saan mo nga masasabi na hindi na worth it ang pinaglalaban mo? ano ba ang sobra na? ilang beses kong tinatanong eto sa sarili ko. paulit ulit na nga. nakakaloka! lol.

Ganito lang ka simple para sa akin ang salitang pakikipaglaban sa taong mahal mo. hindi sapat ang mahal mo lang, dapat din kaya mong tanggapin ang mga pagkakamali at mahalin ang kahinaan nito. im just talking about differences. (ibang usapan na kapag may lokohan na nagaganap) dahil hindi na pakikipaglaban tawag dun kundi kamartiran at katangahan. agree? πŸ˜€
pero ganun naman siguro pag nagmamahal ka minsan nagiging martyr at tanga ka. (at hindi ko na uulitin yun) lol.

Isa lang siguro ang tamang sagot sa lahat ng katanungan ng pinupunto ng posteng eto..

I-let go mo ang tao kung sa tingin mo kaya mong mawala sya sa buhay mo..

at ipaglaban mo kahit anong mangyari kung sa tingin mo ay hindi mo kayang mawala ang taong eto.

okey, sorry pinahaba ko lang.. hahaha!

step

Love is something you cannot force.

Hindi mo kailangang magsalita ng pangalawang beses sa taong mahal ka. dahil kusa ang puso sa pagsunod sa tinitibok at kagustuhan nito..

Pero kapag walang pagnanais ang puso, kahit lumuhod ka pa ng paulit ulit at umiyak ka ng dugo wala kang mapapala at makukuha. hindi mo mapapa sa iyo ang pusong hinahangad.

sabi nga sa kasabihan

kapag gusto maraming paraan at kapag ayaw maraming dahilan..

at may dahilan ang bawat dinadahilan.

i failed to make one step backward so
i just wanna make one step forward. kahit isa lang..

pagsuko sa laban.

Gugustuhin mo bang manuod kapag siΒ  Manny *Pacman* ay nakikipag laro ng boxing sa loob ng ring na mag isang lumalaban? paano, yung kabilang panig ay halata namang hindi na lumalaban sa hindi masabing dahilan.. siguradong magmamaktol ang mga fans na nagbayad para sa laban na iyon. aktwali nangyari sa amin iyon, yung unang laban ni Manny dito sa vegas. bumili kame ng pay per view para makanuod. at lahat ay excited pati si mama ko na may anxiety ay inunahan ng uminom ng gamot dahil sigurado daw na ma-tetense sya sa laban.. pero anong nangyari? waley!!!! hindi pa man umeepek yung gamot ay nanalo na agad si Manny!. hindi ko matandaan kung nakailang round lang sya.. inis na inis si mama.. at pakiramdam ko din ay nag aksaya lang kame ng binayad. parang appetizer lamang ang ibinigay na excitement.. kaya mula nuon ay hindi na kame bumibili ng pay per view, sa halip ay pinapanuod nalang sa news. oh diba nakatipid pa! hehhehe..

Kapag sinabi mong *laban* o labanan, eto ay may bilang na mahigit sa isa. malamang! alangan naman na labanan mo ang sarili mo?? hakhak! mapa sports o away at suntukan lang sa may kanto.. gugustuhin mo bang ikaw lang ang nagbibigay effort samantalang yung isa petiks lang at walang pake kung matalo? walk out na! πŸ˜€

Kagaya din ng pakikipaglaban sa pagmamahal ay sympre hindi pwedeng mawala eto! ahihihi.. walang salitang laban o pakikipaglaban na nagaganap kung ang isa ay sumuko na. may laban ka pa ba dun? wala na hindi ba? para ka nalang nakikipag laban sa hangin o sa sarili mo. ang pakikipaglaban naman ay may kasamang pagmamahal. matinding pagmamahal.. sa bawat relasyon walang problem free. lahat ay kinakapitan nito. pero depende nalang sa pagmamahal na meron ka para malagpasan ang mga eto. sa pamamagitan ng pakikipaglaban.Β 

Maikukumpara ko ang isang relasyon sa isang silya.. dalawang paa na nagsisilbing pundasyon pero kapag nawala na ang isangΒ  paa, waley na!

May mga sitwasyong isa nalang ang lumalaban kasi sya nalang ang nagmamahal kaya wala na talagang pag asa yon, suko na! pero swertihan kung dalawa kayong handang lumaban. panalo!

Naalala kong may nag sabi na para lang daw akong nag sasaranggola, at sya ang saranggolang hawak ko kaya mawawala lang sya kapag ako ang bumitaw.. pero mali pala.. nagkabaliktad. ako ang naging saranggola at sya ang bumitaw.. buhay nga naman.. so unpredictable talaga!

tapos na ang counting.. hindi nako aasa pa..

the end…

tuloy ang pangarap.

oh diba emong emo ang title. parang teleserye lang. heheheh!!

sa ilang araw na nagdaan, hindi matahimik ang isip ko.. hind ko alam saan pwedeng mailagay ang lahat ng planong nabuo na.. mga planong pang habambuhay sana.

itutuloy pa ba ang plano o itutuloy ko nalang ang buhay ko dito sa state of calamity? uuwi o hindi? red light or green light? mas madali ba akong gagaling dito, if i stayed? dahil mas malayo?

pero mukhang hindi.. sabi nga nila, life is short. gawin mo ang sa tingin mo ikaliligaya at gusto mo.. kaya.. yes! tuloy ang plano, may mga pagbabago nga lang pero itutuloy ko ang nasimulan ko na. i’m still going home, then babalik nalang ako dito in time. malay mo may kasama na pabalik. chos!! hahaha. and honestly, that’s keeping me going right now. kahit papaano ay excited pa rin akong ituloy ang matagal ko ng pangarap, to be independent with my own bussiness.Β  mabuhay ng mag isa. yung tipong ako mag iisip ng ipapamalengke ko, ang lulutuin ko araw araw. dati, ang isipin ang lulutuin para sa kanya pero ngayon ang kakainin ko nalang.. tama na ang 30yrs na si inay ang nag aasikaso ng lahat sa bahay. at oras na para gawin ko na yun para sa sarili ko.hehehe.

everyday is a moving and healing process. bawat araw napapawi ang galit pero hindi ang sakit. ganun pa man, pakonti konting lumiliwanag at habang lumiliwanag nakikita ko din. ikaw pa din ang gusto kong makasama habambuhay. pero hindi ako umaasa sa ngayon. dahil alam kong kailangang huminga.. (malalim)..

nagpagaan lang ngayon dahil suportado ni mama lahat ng desisyon ko, hindi katulad dati na takot ako sa bawat desisyon ko kaya hirap akong panindagan. but now.. free like a bird!! hehehe!!.

im still looking for a better day.. each day. πŸ™‚

truth!

walang salita na pwedeng magpagaan ng nararamdaman ko ngayon..

i just lost my life.. horrible right?

but i’m okey.. do you believe it? πŸ˜€

i’ll be better in time.. sana!

hindi ko ugali ang magpilit ng ayaw na akin.. good!

hindi masama ang makipaglaban para sa taong minamahal.. but with limits!

promises is always meant to be broken.. ouch!

i can’t live without you.. but there is no harm in trying!

pride is the main reason of a broken home.. #relationship!

kapag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan.. tumpak!

i choose to open my eyes and ears this time..

fact!

HUWAG MONG ASAHAN NA MAY SUGAT NA GAGALING KUNG HINDI GINAGAMOT

FIRST AID TEH! HUWAG KALIMUTAN

dahil siguradong ang sugat na napabayaan ay lalong lalala at magdudulot ng impeksyon..

kawawang may sugat napabayaan

angel sa gilid ng aking kama :)

Ayun sya sa aking harap, nkangiti.
nakangiti pero alam kong may pagdaramdam. marahil sya’y nagtataka at nalukungkot dahil hinayaang manahimik sa isang sulok..

Yakap ang hangad. alam ko. madali sana, isang tipa lamang ng aking mga patpating kamay ay akin na syang malalapatΒ  sa aking dibdib.. pero…

D’yan ka muna aking mahal. tama na muna sa akin ang titigan ka kalang at sabihin sa sarili na mahal kita at nananabik nako sa iyong malalambing na yakap.

bakit?

dahil alam kong kailangan mo.. alam kong hindi porke akin ka ay pwede ko ng gawin ng nais ko sayo. na madalas ay alam kong hindi kana makahinga sa palagian kong pag dagan sa iyo. pasensya kana ha. nasanay lang ako na palagi kang an’dyan sa tabi ko at pinagagaan ang aking pagtulog.

Kaya chill ka muna, ayusin ang sarili para hindi agad maluma at masira. basta kalabitin mo nalang ako kapag pagod kana magpahinga sa pinag lagyan ko sayo neh? at miss mo na sumubsob sa maasim kong kilikili..:-D

At yayakapin na kita ng wagas ulit! neh? neh? :-*

image

mahal ko.. baby chriz ko πŸ™‚

random lang..

yung pakiramdam na akala mo malakas ka, walang bakas ng kahinaan ng biglang bubuhos ang mga luha. hindi mapatigil, hindi makontrol. pakuwari na may sariling pwersa na kahit anong sabi mo na wag kang bubuhos, magugulat ka nalang na kusang nagmamadaling umagos sa mukha mo hanggang sa mabasa ang damit na suot mo.. batrip db?! dagdag eyebags at dark circles.

pero kahit anong lakas mo, manghihina at manghihina ka.. na kahit anong tapang mo maduduwag at maduduwag ka.. yung akala mong habambuhay kang kakalma mapupuno at mapupuno ka.

mapang asar ang buhay. un ang totoo!
madalas kong nakikita or nababasa na wala silang ibang sinasabi na kaligayahan lang ang hangad nila sa buhay. isang simpleng salita, madaling isulat pero bakit kaya hirap na hirap ang karamihan na makuha eto??

sa mga bagay na madaling pumasok mahirap lumabas.. at sa mahirap pumasok madaling lumabas.. hindi ba pwedeng kung madaling pumasok madali ka ding makalabas?

sana ang buhay ay maging isa sa mga teleserye na pinanunuod ko. yung isang commercial lang ay agad na angΒ  “after 1,2,3,4,5 yrs” pag balik ng programa,Β  yun bang ganun kadali malagpasan ang mga pinagdadaanan mo. ganun kabilis maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

para lang akong isang laruang robot na nalaglag ang isang parte nito at ayaw ng gumana, electric fan na wala ng langis kaya hindi na umiikot, tv na na over heat kaya ayaw ng mag on.. at isang battery ng cell phone na over use na akala mo ok pa. pero sa hindi inaasahan biglang napagod na..

puyat ang katapat.

i feel like dying…

sobrang lungkot, pag na ospital ka itatanong sayo ng nurse gaano kasakit i rate mo 1-10.. ang sagot ko ngayon ay 11..

ayaw kitang mawala, gusto ko matuloy ang pangarap na magkasama hanggang sa huling hininga. mga pangarap na binuo at pinaglaban para sa habambuhay na plano natin, pero nasaan na? hindi ko na sya makita. malabo na ata ang mga mata ko talaga..

omg! life is really unpredictable. kaninang umaga lang masaya ako, tayo.. pero pag sapit ng gabi magkaibang landas na ang tatahakin. sabay liko ng mga pangarap na dati lahat ay papunta sayo.. ngayon, saan na ang punta ko? saan ako magsisimula?

hindi.. hihinto lang ako. mag iisip, magpapahinga.. kung sa aking pagtayo ay maglakad ng mag isa ipagkakatiwala ko na lamang kay ama ang bawat hakbang nga mga paang halos di mailakad dahil papunta sayo ang nais. ngunit ano pa nga ba ang magagawa kung mga paa mo’y tila may hinahabol at mabilis na mawala..

alam kong mararating ko rin ang finish line sa aking lalakbayin..kailangan ko lng ng lakas, tapang at katatagan..

tulungan mo ako ama… pls.

hindi porke si Piolo Pascual ka na maraming nagkakagusto sayo. gusto na rin kita!

Sa tuwing lumalabas ng stage sa ASAP si Piolo Pascual nagtitilian ang mga babaeng halos wala ng boses na mailabas. makikita mo naman sa mukha ni piolo ang beautiful eyes look nya..

Aaminin ko, noong una na nagsisimula na syang sumikat nagustuhan ko din sya. lalo pag kinakanta nya ang awitin nyang” kailangan kita” hunk na hunk ang lalakeng maganda ang boses. at oo dagdag points sa akin ang lalaking maganda ang boses..

Pero subalit datapwat, unti unti ay napapansin ko ang pag sobra ng pagpapa kyut ni Piolo.. hindi na tama eto, may nakikita akong mali..

ay.. ayaw ko na sa kanya..(oo alam ko naman na ayaw din nya sa akin) hehehe!

hanggang sa may nababalitaan na ako na bading daw sya.. hindi ako nagulat. ah basta hindi lang ako nagulat! πŸ˜€Β  at tuloy pa rin ang tilian ng mga kababaihan sa kanya sa kabila ng tsismis.. siguro hindi nila nakikita ang nakikita ko.. o well.. buhay nila yun! πŸ˜€

Hanggang sa mabalitaan ko na sila na ni KC Conception..Aba… ang daming kinilig, natuwa, nainis marahil sa inggit.

nainggit?? oo.. nainggit, dahil nga gwapo, mabango(daw), magandang boses, sikat at higit sa lahat maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. kaya naman malamang na maraming nagsasabi na “sana ako nalang si KC”.. sa madaling salita maraming gustong mapunta sa pwesto na kinalalagyan ni KC..

Pero makalipas ang ilang buwan, pumutok ang balitang hiwalay na sila. nakita kong luhaan si KC na inenterview ni Boy Abunda.. bakas ang sakit na pinagdadaanan at sakit na pinagdaanan nya kay Piolo.. OO.. pinagdaanan, dahil ang akala nilang swerteng KC dahil may Piolo ay puro sakit lang pala ang pinagdaanan sa piling ng hinangad ng iba..

Sa ngayon, sa nakikita ko. masaya si KC sa bagong buhay na hindi kasama ang taong sikat,gwapo at hinahangaan ng iba. bagkus ay MASAYANG namumuhay kasama ang taong hindi kilala, nanahimik sa isang sulok, wala lang sa ibang tao.

Ano ba ang nakain ko at nakwento ko si Piolo at KC? yun na nga e, wala kase ako pagkain kaya bigla nalang ako napa kwento hahahah!!

eto nalang…

Basta ako.. hindi malaking kawalan sa AKIN ang walang Piolo Pascual sa buhay ko kahit pa maraming babae ang naghahangad sa kanya. dahil ang ituturing kong Piolo sa buhay ko na titilian ko hanggang maubos ang boses ko, ang pagpupuyatan ko para lang masilayan at kahit maubos ang lahat sa akin para lang maibigay sa kanya ay ang taong… SIMPLE, MAHAL KO AT HIGIT SA LAHAT.. MAHAL AKO unconditionally (in real sense)..

p.s
pasintabi sa mga taga hanga ni Piolo Pascual.. pero aaminin kong pinapanuod ko ang Dahil sa Pag ibig πŸ™‚

ldr…

Dahil sa nauso ang mga networking sites. nauso na din ang mga iba’t ibang paraan ng communication.. kasama na d’yan ang fb, skype, ym, plurks kasama na din ang blogging. etc etc. at sympre dahil nga communication, hindi mawawala ang chat or chatting.. at dahil dito marami na ang nabubuong pagmamahalan? oo may question mark..

Bakit may question mark?
ikaw ang tatanungin ko, naniniwala ka ba na may pagmamahal na magaganap sa dalawang taong hindi pa nagkakasama ng personal? hindi nagkakahawak ng kamay? posible nga ba eto?

Sige. ako ang unang sasagot..
OO… paano ko nasabi? dahil naramdaman ko na.. nagmahal ako sa isang taong 17months na hindi nahahawakan at nakakasama..

paano nangyari yun?
hindi ko din alam..
pero maniwala ka.. mahirap. mahirap. mahirap.. kaya kung may choice ka, huwag ka ng sumubok pa. may mga nagsasabi na “bakit hindi ka nalang maghanap ng anjan? ung malapit lang sayo. marami pa naman kano sa lugar mo” oo nga naman. siguro maganda ang magiging mga anak ko heheh.. pero sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.. gusto kong sisihin si fb at ym at ang chat na yan e, kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararamdaman ang sakit dulot ng LDR na yan!!

yung pakiramdam na miss na miss mo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na pag may problema sya at alam mong kailangan nya ng karamay, gusto mo syang yakapin pero wala ka pa ring magagawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nasa panganib sya at gusto mo syang protektahan pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may okasyon at masaya pag magkasama sana kayo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nag iisa sya at gusto mo sya samahan pero wala ka magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may lumalandi sa kanya at gusto mo upakan ung taong yun pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

Haysss.. puro wala kang magawa dahil malayo ka!!! ang hirap. ang hirap..

Ang LDR ay kinakailangan ng katatagan ng pagmamahal, respeto,pasensya at higit sa lahat tiwala. tiwala at maraming tiwala.. pagtitiwala sa bawat salitang ilalabas ng bibig nya. paano mo malalaman na totoo ang sinasabi nya? dahil nagtitiwala ka.. alam mo ba gaano kahirap na maniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita? dun palang talo kana sa uri ng relasyon nato..

Pero bilang miyembro ng LDR society (meron ba nun?) hahaha!! isa lang masasabi ko..

NAGTAGUMPAY AKO.. πŸ™‚

halabshu madir!

naalala ko pag pinapalo mo kami ni ate nung mga bata pa kame. sa kanya dalawang hampas pero sakin isa lang palage..tnx! πŸ˜€

alam ko takot ako sayo noon kasi ang sungit at taray mo. para kang prinsipal kung titignan.. kaya kahit pati mga kaibigan ko takot sayo.. pero ngayon ikaw na ang takot sakin haha!

minsan pumunta tayo sa grocery store. nagsabi ako sayo na may gusto akong kunin.. muntik mo na kong sampalin. terror mo talaga!

nung bday ni andrew(bunsong kapatid ko) inamba mo na ibato ang saldals mo na kahoy ang heels sa akin sa harap ng jowa ko. pano inutos mong ibigay ang bayad sa upa ng swimming pool pero sa driver ng inarkilang jeep ko ibinigay ang pera.

kamusta naman nang magsumbong sayo si andrew (ulit)na hindi sya pinapakinggan na lutuan ng pansit canton dahil busy kami manuod ng t.v ay tamang tama naman na katatapos mo palang maligo kaya siguro mas mainit ang ulo mo, nang biglang baba mo kahit nakatapis ka lang ng twalya. at galit na galit na nagmumura ka at nakita ang laruang kotse sabay bato sa ate kong sa takot ay tumakbo palabas ng bahay kaya sya ang pinagdisisyunan habulin at patamaan. haha.

pinagsasabihan mo ako palage na huwag hayaan na gamitin at kunin ng mga kapatid mo ang mga damit ko.. (sori ka ma, nagka anak kang mabait) lol.

salamat sa mga bag mo na lage mo nilalagyan ng pera, hindi ko alam kung naniniwala kang dapat lage may laman ang bag para hindi ka maubusan ng pera o sadyang ulyanin ka lng tanggalin.. pero halos araw arw kong kinukupitan lalo na nung natuto akong mag gala.

nung maoperahan ako sa apendix. panay tawag mo sa telepono kinukumusta ako.. pero hindi naman ako ang kinakausap mo. kundi si ate! heler.

…. lahat ng mga nabanggit ko ay mga alaala ko sayo nuong nasa pinas pa tayo, pero ngayon….

yung dating parang prinsipal, parang studyante na. makulit, madaldal, mababaw ang kaligayahan..

improvement ka dahil sa mga taste mong pang titser na damit at ayos mo dati, ngayon mas maganda kana mamili ng mga damit kesa sakin kaya madalas pinag iintirisan ko ang mga damit mo πŸ™‚

kahit panay parinig na ikw nalang palage ang nagluluto at kame taga kain lang. ginagawa mo p din..

ikaw na ang umiiwas sa akin pag mainit ang ulo ko..

hindi mo sinasabayan pag nasusungitan kita at sinasabi mo nalang na matandang dalaga na talaga ako..

ang bait mo na sinuportahan mo ang pag uwi ko ng pilipinas. kaya sabi mo kahit huwag nako magbigay sayo ng pera para makapag ipon ako.. panalo! πŸ™‚

at salamat kahit na alam kong against ka sa relasyong pinasukan ko ay sumuporta ka pa rin at hinayaan kung saan ako masaya..

maligayang araw ng mga ina sa iyo ma..

salamat sa lunch. na dapat ay kame ng mga anak mo ang manlibre sayo.. wala! the best kana talaga! ibang iba kana! ahahah!!!.

BETTER LATE THAN NEVER!!. πŸ™‚