pinoy ako!sa isip,salita at sa gawa..(KAMALAYANG MALAYA)

anong iisipin mo pag may nakita kang ganito??

(banyagang binabandera ang watawat ng pilipinas)

DISKRIMINASYON!

yan madalas na nangyayari sa labas ng ating bansa, at partikular sa amerika.. at dahil sa ibat ibang lahi ang nagkakasama sama sa bansang  iyon ay hindi maiiwasan ang pag tutunggali at diskriminasyon. at wala ka nalang laban kundi paano mo maipagtatanggol ang iyong sarili at iyong lahi.

MALAYA!

totoo, lahat tayo ay may layang gawin ang mga gusto nating gawin sa ating sarili.. kasama na d’yan ang pagpapanggap,magmamahal ng ibang kultura, at pananaw.. partikular na ang pagpapanggap bilang banyaga, pagmamahal sa wika ng ibang lahi kaysa sa sariling wika, at pagbabago ng pananaw na kinopya na lamang sa ibang lahi.

KAMALAYAN!

ating bang namamalayan na maraming banyaga ang nagmamahal sa ating lahi? atin bang namamalayan na kahihiyan ang paglayo/pagsalungat sa ating kinagisnang kultura?

hindi ko maintindihan na kahit ang bawat salita at gawa ay binabago para maging isang pekeng banyaga.. eto ba ay nakadadagdag ng pagkatao? hindi  ko sila hinuhusgahan dahil gaya ng sabi ko ay may laya ang bawat tao sa gusto nating gawin sa ating sarili pero minsan nakaka dismaya lamang na minsan ay sariling kapwa pilipino pa ang magpaparamdam sayo ng diskriminasyon.. kapal mo! yabang mo! pakiramdam mo tao ka na! tampalin kita d’yan eh!

nand’yan yung wala pang anim na buwan sa amerika eh hirap na daw mag tagalog..ADIK KABA?! mga magulang na hindi tinuturuan ng tagalog ang anak dahil nasa amerika daw sila.. EH ANO NAMAN?! si ate/kuya na nagpupumilit na magsalita ng banyaga kahit na kausapin mo ng sariling wika.. KAHIT NA NAGBUBUHOL BUHOL NA ANG UTAK KO DAHIL SA PAGKABUHOL BUHOL NG SINASABI MO!

isang beses tinanong ko ang kapatid ko kung hindi ba nagagalit or nagtatanong ang mga kapwa nya banyaga sa eskwelahang kanyang pinapasukan dahil watawat ng pililpinas ang nkabandera sa sasakyan nya? ang sagot nya akin ay “nagtatanong.. pero tinapat ko silang mas gusto kong maging pilipino kaysa maging amerikano”. at kinumpara nya pa kung gaano katamad at dugyot ang mga kaklase nyang amerikano. at tawa ako ng tawa ng mga oras na yon..

at nang sandaling iyon wala akong nasabi sa aking sarili kundi…PINAGMAMALAKI KONG MAGING ISANG PILIPINO!

“Ang manamit ng hiram, sa daan hinuhubaran.”

ps.
hindi ako manunulat
bobo ako sa sanaysay
at lalong hindi ako henyo.
ang meron lang ako ay PUSO
para suportahan ang
mahal kong lolo kulisap
(oo!mahal ko sya kahit mapanghe na)

KAWING: http://glaze9980.blogspot.com/

Advertisements