usapang midlife crisis.. am i back?
familiar ba kayo sa salitang midlife crisis?
sabi nila life begins at 40.. at dito na nga ata nagsisimula ang midlife crisis. napanuod ko sa salamat doc na programa. eto daw ang panahong makakaramdam ka ng stress (close to depression) sa buhay mo. yung tipong makakaramdam ka ng lungkot, dito ang may pinaka malaking rate ng suicidal cases actually.. yung tipong hindi mo na alm anong gagawin sa buhay mo.
kadalasan daw ang mga makakaramdam ng ganitong midlife crisis ay yung mga taong at the age of 40 ay hindi pa nkakamit ang pangarap nila, wala pang sariling pamilya or wala pang napupuntahan ang buhay nila na naaayon sa kagustuhan nila..etc. etc. in short, hindi sila masaya sa kinaroronan ng buhay nila..
trenta nako in two months.. pero bakit parang nararamdaman ko na ang midlife crisis. yung pakiramdam na hindi mo alam san lulugar. mag tatanong sa sarili kung masaya ka, ano nang nangyari sa 30yrs ng buhay ko, nagtatanong kung may oras pa ba ako para makuha ang buhay na pinapangarap ko, feeling ko marami yata akong nasayang na taon. minsan iniisip ko, oo kasalanan ko. pero ano pa bang magagawa ko? kung pwede lang maibalik ang nakaraan.. ang totoo, nasa kalagitnaan ako ng isang malaking desisyon sa buhay ko.. kung ang magiging desisiyon nato ay makakaapekto ng malaki sa kinabukasan ko. haharapin ko ang magiging epekto nito..
isa nalang ang alam ko ngayon.. tumatanda nako, nauubos na ang oras ko sa mundo at napag iiwanan nako ng buhay ko.. KAILANGAN KO NG SUMAYA! 🙂
P.S.
namiss ko ang mundo ko dito, namiss ko magsulat, namiss ko magpahayag ng damdamin at utak ko..