ldr…

Dahil sa nauso ang mga networking sites. nauso na din ang mga iba’t ibang paraan ng communication.. kasama na d’yan ang fb, skype, ym, plurks kasama na din ang blogging. etc etc. at sympre dahil nga communication, hindi mawawala ang chat or chatting.. at dahil dito marami na ang nabubuong pagmamahalan? oo may question mark..

Bakit may question mark?
ikaw ang tatanungin ko, naniniwala ka ba na may pagmamahal na magaganap sa dalawang taong hindi pa nagkakasama ng personal? hindi nagkakahawak ng kamay? posible nga ba eto?

Sige. ako ang unang sasagot..
OO… paano ko nasabi? dahil naramdaman ko na.. nagmahal ako sa isang taong 17months na hindi nahahawakan at nakakasama..

paano nangyari yun?
hindi ko din alam..
pero maniwala ka.. mahirap. mahirap. mahirap.. kaya kung may choice ka, huwag ka ng sumubok pa. may mga nagsasabi na “bakit hindi ka nalang maghanap ng anjan? ung malapit lang sayo. marami pa naman kano sa lugar mo” oo nga naman. siguro maganda ang magiging mga anak ko heheh.. pero sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.. gusto kong sisihin si fb at ym at ang chat na yan e, kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararamdaman ang sakit dulot ng LDR na yan!!

yung pakiramdam na miss na miss mo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na pag may problema sya at alam mong kailangan nya ng karamay, gusto mo syang yakapin pero wala ka pa ring magagawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nasa panganib sya at gusto mo syang protektahan pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may okasyon at masaya pag magkasama sana kayo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nag iisa sya at gusto mo sya samahan pero wala ka magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may lumalandi sa kanya at gusto mo upakan ung taong yun pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

Haysss.. puro wala kang magawa dahil malayo ka!!! ang hirap. ang hirap..

Ang LDR ay kinakailangan ng katatagan ng pagmamahal, respeto,pasensya at higit sa lahat tiwala. tiwala at maraming tiwala.. pagtitiwala sa bawat salitang ilalabas ng bibig nya. paano mo malalaman na totoo ang sinasabi nya? dahil nagtitiwala ka.. alam mo ba gaano kahirap na maniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita? dun palang talo kana sa uri ng relasyon nato..

Pero bilang miyembro ng LDR society (meron ba nun?) hahaha!! isa lang masasabi ko..

NAGTAGUMPAY AKO.. 🙂

Advertisements
Quote

usapang midlife crisis.. …

usapang midlife crisis.. am i back?

familiar ba kayo sa salitang midlife crisis?

sabi nila life begins at 40.. at dito na nga ata nagsisimula ang midlife crisis. napanuod ko sa salamat doc na programa. eto daw ang panahong makakaramdam ka ng stress (close to depression) sa buhay mo. yung tipong makakaramdam ka ng lungkot, dito ang may pinaka malaking rate ng suicidal cases actually.. yung tipong hindi mo na alm anong gagawin sa buhay mo. 

kadalasan daw ang mga makakaramdam ng ganitong midlife crisis ay yung mga taong at the age of 40 ay hindi pa nkakamit ang pangarap nila, wala pang sariling pamilya or wala pang napupuntahan ang buhay nila na naaayon sa kagustuhan nila..etc. etc. in short, hindi sila masaya sa kinaroronan ng buhay nila..

trenta nako in two months.. pero bakit parang nararamdaman ko na ang midlife crisis. yung pakiramdam na hindi mo alam san lulugar. mag tatanong sa sarili kung masaya ka, ano nang nangyari sa 30yrs ng buhay ko, nagtatanong kung may oras pa ba ako para makuha ang buhay na pinapangarap ko, feeling ko marami yata akong nasayang na taon. minsan iniisip ko, oo kasalanan ko. pero ano pa bang magagawa ko? kung pwede lang maibalik ang nakaraan.. ang totoo, nasa kalagitnaan ako ng isang malaking desisyon sa buhay ko.. kung ang magiging desisiyon nato ay makakaapekto ng malaki sa kinabukasan ko. haharapin ko ang magiging epekto nito..

isa nalang ang alam ko ngayon.. tumatanda nako, nauubos na ang oras ko sa mundo at napag iiwanan nako ng buhay ko.. KAILANGAN KO NG SUMAYA! 🙂

 

P.S.

namiss ko ang mundo ko dito, namiss ko magsulat, namiss ko magpahayag ng damdamin at utak ko..

 

BETTER A LIL BIT LATE THAN NEVER!

hindi ko dapat gagawin to kaso naisip ko baka ako maging dahilan ng pagkatalo ni kuya jag sa kontest! ehehehe. aywww! lab ko xa! 🙂

1.) What is your name: KAYEDEE

2.) A four letter word: KISS (paborito ni lee)

3.) A boy’s name: KENGKOY

4.) A girl’s name: KENGKAY

5.) An occupation: KOOK (walang basagan ng trip!)

6.) A color: KRAYONS (lahat ng kulay bakit?!)

7.) Something you wear: kmart (store to, so laht ng kmart product) lol

8.) A food: kangkong

9.) Something found in the bathroom: KETTLE (pag nagpapainit ako ng tubig sa pagligo) lolz

10.) A country: KANSAS

11.) A reason for being late: KATAMARAN

12.) Something you shout: KAPALMOOO!

13.) A movie title: KURACHA ang babaeng walang pahinga

14.) Something you drink: KOOL AID

15.) A musical group: KILLERS, THE

16.) An animal: KANGAROO

17.) A street name: KAYEDEE ST.

18.) A type of car: KIA

19.) An internet site/blogsite: KAYEDEE.WORDPRESS.COM

20.) A song: KAHIT MINSAN

21.) A President’s name: KENNEDY

22.) A cartoon character: KANKURO (from narutro)

23.) Name of School: KENNEDY H.S

24.) A sport: KARATE

25.) A Latin word: KIR (which is French is designates a drink from the Burgundy area of white wine and black current liqueur.) tnx google!

at dahil naubusan na ako ng maitag dahil karamihan ay naitag na siguro….ANG TAG KO AY ANG SINO MANG HINDI MAGBIBIGAY NG PICTURE GREETING! hehehe 🙂

basahin,may matutunan ka!

PAALALA: WALA KAYONG MATUTUNAN PAG HINDI BINASA NG BUO.


  1. two nights na hindi nakapag in sa net but seems like forever na!
  2. at dahil jan marami ako namiss
  3. natuwa ako dahil my nagbigay ng advance gift for my bday sakin kahapon na fren
  4. my nag pm sa ym na isang tao(malamang hindi hayop!) na hindi ko inaasahan ever, few days ago
  5. wag kayong manghihingi ng payo kay kikilabotz kung ayaw mong mabato ng keyboard ng pc, makonyatan, at madukutan ng mata!
  6. at pasaway ang assignment nya sakin na hanggang ngyon hindi ko pa nasisimulan!
  7. ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi na ako magpupuyat hanggang 3am pero ginagawa ko pa rin! tsk!
  8. sinimulan kitang mahalin bilang kaibigan at natapos din ang pagmamahal na yon bilang kaibigan
  9. yes! day off ko tomorrow!
  10. maigsi lang ako mag post ng mga entry ko.. (pansin nyo?)
  11. ilang beses na tayong nagpaalam sa isat isa at ilang beses ng pumatak ang mga luha
  12. kung natuturuan ang puso, ituturo ko sa puso ni  enchong dee na mahalin  ako
  13. i love you but im not inlove with you
  14. nag poste ng walang kwenta para lang malabas ang tinik sa dibdib(nakain ko ang isda ng buo, sori naman)
  15. hanggang 15 lang dahil eto ang paborito kong numero

p.s
kelan mauubos ang
mga luha ko?

LOVE MOVES IN……….?

sabi nila love move’s in mysterious way… pero tell me paano ba naging mysterious ang magmahal??  sige isa isahin natin kung bakit, paano, saan, kelan, at ano tayo magmahal…..

naranasan mo na bang:


~~magmahal sa isang kaibigan- magsisimula bilang isang mabuting pagkakaibigan, pero madedevelope into a romantic feeling
~~ magmahal sa taong hindi pa nakikita- actually uso to ngayon!! ahahah.. syempre sa dami ng social networking sites na sinasalihan like blogging and chatting! en even in texting.  na kahit hindi mo pa nakikita eh nahuhulog na ang loob mo dahil sa palagiang pakikipag usap nyo.
~~ magmahal ng dalawa– minsan sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagmamahal tayo ng higit sa isang tao. (alam nyo bang mas mahirap at masakit  ang nasa posisyon ng namimili kesa sa pagpipilian?) 🙂
~~ magmahal ng mahal ng isang kaibigan or malapit sa puso– eto na siguro ang pinaka mahirap na sitwasyon kung ikaw ay magmamahal, dahil dalawa lang ang pagpipilian mong kalabanin.. ang nararamdaman mo at konsenya mo.
~~ magmahal ng may mahal ng iba– dito pumapasok  si ms/mr martyr! lolz. na kahit my kahati ka eh tatanggapin mo, mabigyan kalang ng kapiranggot na panahon at oras.
~~magmahal ng my mahal kang iba– minsan iniisip ko, kasalanan ba ang magmahal ng iba habang my mahal ka na?? pagtataksil naba ang tawag dito?? para sakin kase, hindi natin kontrolado ang puso hindi gaya ng utak.. kung magmahal man tayo ng iba sa di sinasadyang pagkakataon ay hindi eto kasalanan! magiging kasalanan lamang eto “if you entertain the feeling.”
~~ magmahal sa taong hindi mo nakakasama- well eto ang tinatawag na long distance relationship. sabi nila wala daw nagtatagal sa ganitong set up! dahil sa ibang tao walang silbi ang relasyon kung hindi mo naman eto nakakasama! pero my iilang tao naman na nabubuhay at kuntento sa salitang “LOVE” kahit malayo ang kanilang minamahal.
~~magmahal sa isang ilusyon– pagmamahal sa isang taong hindi ka man lang kilala or nagmamahal ng isang taong malayo sa buhay mo.
~~magmahal sa maling pagkakataon at panahon – hmmmm…alam nyo ba ang kantang somewhere down the road? ayun ang drama nito! 🙂
~~ magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin- awwwts! pero nangyayari eto, madalas! pero anung magagawa kundi lumayo, (biglang wala akong makoment dito lolz) saying move on or letting go is so easy to say but its the hardest thing to do ayyt?!!
~~ magmahal sa taong mahal ka– oh well obvious naman na eto ang uri ng pagmamahal na hinahangad ng lahat.. ang mahalin ng taong ating iniibig! ayieeee

ngayon ipaliwanag mo sakin ang kasabihang “love moves in mysterious way”! 🙂

at saan ka sa mga nabanggit ko?? AMININ! 🙂

top10 hottest male bloggers 2010!

criteria of judgement

(sa mata ni kayedee)

40% cuteness– syempre hottest nga eh kaya kelangan cuteness sa paningin ko lolz

40% galing factor– hindi kelangan ng lage ako nosebleed sa english or parang nagbabasa lang ako ng encyclopedia, importante sa lahat eh hindi boring magsulat,   yung  tipong aabangan mo palage ang bagong post, madaling basahin ang mga sinusulat at higit sa lahat eh napapangiti ako bago umalis ng kanyang bahay.

20% audience impakto– mahalagang hindi suplado  ang may ari ng bahay,at  nakikihalobilo sa ibang blogger.

#10

ang cool ng site nya at namimiss ko na si taga bundok! ehehhhe

http://dahnjacob.com/

#9

si glentot na makulit mag wento! 🙂

http://www.wickedmouth.com/

#8

si poy na emoterong nilalang! at lage pinadudugo ang ilong ko sa kaka ingles! lolz

http://angpusangnahukay.blogspot.com/

#7

si glenn na bagong kakilala, mejo tahimik sa blogosperyo ehehehe

http://blaggista.blogspot.com/

#6

si yin na makulit mag title! ahahha.. nadale nya ako sa pix na eto.. yun pla maganda lang ang pweto ng kamera! bwhhhh

http://pritongpretsels.wordpress.com/

#5

si oliver na parang bata lang mag wento, ang kulit! at dahil trip ko ang mga singkit since high skul palang ako. ikaw na ang no 5! ahahhhaha

http://olyabut.wordpress.com/

#4

ang wafung wafu na si dencio.. walang duda! 🙂

http://hisnameisdencios.wordpress.com/

tie with

si goyo na hot for me dahil sa pagiging cool at walang walang keme sa pagiging makulit..

http://goyosadventure.blogspot.com/

#3

sa kakahanap ko ng hottest blogger sya lang ang nahanap ko na hottest for me na hindi ko kilala! ahahha..

http://topexpress.wordpress.com/

#2

dahil sa kagalingan sa pag dra drawing at mga kwento, makulit, malambing na anak, at malambing na blogger, walang duda! ikaw jason ang no. 2! 😉

http://jasonhamster.wordpress.com/

#1

alm kong iisipin nyong bias to! ahaha.. slight lang nman! wahhhhhh… pero bukod sa mahlabz at bestfren ko sya dito sa blogosphere eh swak naman sya sa mga criteria ko! oha oha… oo nah! ikaw na ang no.1 sakin, kahit hindi ako ang no. 1 mo! wahhh my ganun?!!  ok fine ikaw na nga!!! kikilabotz..

http://inusentepapalaako.blogspot.com/

x’s

ang kumontra gumawa ng sariling top 10 hottest male bloggers 2010! 🙂