again.

Pagdating sa relasyon dalawang desisyon lamang ang higit na pinagpipilian..

TO LET GO

or TO FIGHT FOR IT

Pero paano mo nga ba maititimbang ang dalawang eto?

Walang hindi masakit sa pagpapalaya ng taong mahal o minahal mo. pero iba iba nga lang ang level, depende siguro sa pagmamahal na meron ka para dito o kung paano mo dalhin ang sakit na nararamdaman mo para mapagaan ang sakit. Meron namang pagkakataon na akala mo nalagpasan mo na ang sakit pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan. gets? good! 🙂

Hanggang saan mo nga masasabi na hindi na worth it ang pinaglalaban mo? ano ba ang sobra na? ilang beses kong tinatanong eto sa sarili ko. paulit ulit na nga. nakakaloka! lol.

Ganito lang ka simple para sa akin ang salitang pakikipaglaban sa taong mahal mo. hindi sapat ang mahal mo lang, dapat din kaya mong tanggapin ang mga pagkakamali at mahalin ang kahinaan nito. im just talking about differences. (ibang usapan na kapag may lokohan na nagaganap) dahil hindi na pakikipaglaban tawag dun kundi kamartiran at katangahan. agree? 😀
pero ganun naman siguro pag nagmamahal ka minsan nagiging martyr at tanga ka. (at hindi ko na uulitin yun) lol.

Isa lang siguro ang tamang sagot sa lahat ng katanungan ng pinupunto ng posteng eto..

I-let go mo ang tao kung sa tingin mo kaya mong mawala sya sa buhay mo..

at ipaglaban mo kahit anong mangyari kung sa tingin mo ay hindi mo kayang mawala ang taong eto.

okey, sorry pinahaba ko lang.. hahaha!

Advertisements

pagsuko sa laban.

Gugustuhin mo bang manuod kapag si  Manny *Pacman* ay nakikipag laro ng boxing sa loob ng ring na mag isang lumalaban? paano, yung kabilang panig ay halata namang hindi na lumalaban sa hindi masabing dahilan.. siguradong magmamaktol ang mga fans na nagbayad para sa laban na iyon. aktwali nangyari sa amin iyon, yung unang laban ni Manny dito sa vegas. bumili kame ng pay per view para makanuod. at lahat ay excited pati si mama ko na may anxiety ay inunahan ng uminom ng gamot dahil sigurado daw na ma-tetense sya sa laban.. pero anong nangyari? waley!!!! hindi pa man umeepek yung gamot ay nanalo na agad si Manny!. hindi ko matandaan kung nakailang round lang sya.. inis na inis si mama.. at pakiramdam ko din ay nag aksaya lang kame ng binayad. parang appetizer lamang ang ibinigay na excitement.. kaya mula nuon ay hindi na kame bumibili ng pay per view, sa halip ay pinapanuod nalang sa news. oh diba nakatipid pa! hehhehe..

Kapag sinabi mong *laban* o labanan, eto ay may bilang na mahigit sa isa. malamang! alangan naman na labanan mo ang sarili mo?? hakhak! mapa sports o away at suntukan lang sa may kanto.. gugustuhin mo bang ikaw lang ang nagbibigay effort samantalang yung isa petiks lang at walang pake kung matalo? walk out na! 😀

Kagaya din ng pakikipaglaban sa pagmamahal ay sympre hindi pwedeng mawala eto! ahihihi.. walang salitang laban o pakikipaglaban na nagaganap kung ang isa ay sumuko na. may laban ka pa ba dun? wala na hindi ba? para ka nalang nakikipag laban sa hangin o sa sarili mo. ang pakikipaglaban naman ay may kasamang pagmamahal. matinding pagmamahal.. sa bawat relasyon walang problem free. lahat ay kinakapitan nito. pero depende nalang sa pagmamahal na meron ka para malagpasan ang mga eto. sa pamamagitan ng pakikipaglaban. 

Maikukumpara ko ang isang relasyon sa isang silya.. dalawang paa na nagsisilbing pundasyon pero kapag nawala na ang isang  paa, waley na!

May mga sitwasyong isa nalang ang lumalaban kasi sya nalang ang nagmamahal kaya wala na talagang pag asa yon, suko na! pero swertihan kung dalawa kayong handang lumaban. panalo!

Naalala kong may nag sabi na para lang daw akong nag sasaranggola, at sya ang saranggolang hawak ko kaya mawawala lang sya kapag ako ang bumitaw.. pero mali pala.. nagkabaliktad. ako ang naging saranggola at sya ang bumitaw.. buhay nga naman.. so unpredictable talaga!

tapos na ang counting.. hindi nako aasa pa..

the end…

3rd day..

sad..

gusto kong pumunta sa isang lugar kung saan pwede kong ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko. tapos may kasamang pwedeng maging si spongebob ko, na pwedeng mag absorb ng sakit. yung nakikinig lang habang hinihimas ang likod ko habang humahagulgol na nilalabas lahat ng excess baggage sa dibdib ko.. tapos* yakap* 🙂

kaso wala naman gagawa nun. kasi lahat sila nasa malayo.. haysss. i wanna go home badly.. 😦

ldr…

Dahil sa nauso ang mga networking sites. nauso na din ang mga iba’t ibang paraan ng communication.. kasama na d’yan ang fb, skype, ym, plurks kasama na din ang blogging. etc etc. at sympre dahil nga communication, hindi mawawala ang chat or chatting.. at dahil dito marami na ang nabubuong pagmamahalan? oo may question mark..

Bakit may question mark?
ikaw ang tatanungin ko, naniniwala ka ba na may pagmamahal na magaganap sa dalawang taong hindi pa nagkakasama ng personal? hindi nagkakahawak ng kamay? posible nga ba eto?

Sige. ako ang unang sasagot..
OO… paano ko nasabi? dahil naramdaman ko na.. nagmahal ako sa isang taong 17months na hindi nahahawakan at nakakasama..

paano nangyari yun?
hindi ko din alam..
pero maniwala ka.. mahirap. mahirap. mahirap.. kaya kung may choice ka, huwag ka ng sumubok pa. may mga nagsasabi na “bakit hindi ka nalang maghanap ng anjan? ung malapit lang sayo. marami pa naman kano sa lugar mo” oo nga naman. siguro maganda ang magiging mga anak ko heheh.. pero sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.. gusto kong sisihin si fb at ym at ang chat na yan e, kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararamdaman ang sakit dulot ng LDR na yan!!

yung pakiramdam na miss na miss mo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na pag may problema sya at alam mong kailangan nya ng karamay, gusto mo syang yakapin pero wala ka pa ring magagawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nasa panganib sya at gusto mo syang protektahan pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may okasyon at masaya pag magkasama sana kayo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nag iisa sya at gusto mo sya samahan pero wala ka magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may lumalandi sa kanya at gusto mo upakan ung taong yun pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

Haysss.. puro wala kang magawa dahil malayo ka!!! ang hirap. ang hirap..

Ang LDR ay kinakailangan ng katatagan ng pagmamahal, respeto,pasensya at higit sa lahat tiwala. tiwala at maraming tiwala.. pagtitiwala sa bawat salitang ilalabas ng bibig nya. paano mo malalaman na totoo ang sinasabi nya? dahil nagtitiwala ka.. alam mo ba gaano kahirap na maniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita? dun palang talo kana sa uri ng relasyon nato..

Pero bilang miyembro ng LDR society (meron ba nun?) hahaha!! isa lang masasabi ko..

NAGTAGUMPAY AKO.. 🙂

one day+celebration=happiness + reality=sadness

how’s my day yesterday?

ayos! masaya !sad! kilig! kakaiyak! bored! (waaaa sama sama?) OO! ahaha. adik lang! nyahahha…

ang totoo sa anim na beses na bertdey na pinagdiwang ko dito sa kinaroroonan ko ngayon ay masasabi kong eto ang pinaka masayang taon.. i dont usually celebrate my birthday anymore.. madalas nga may work ako, so lumilipas lang na parang ordinaryong araw, mga bati na nakasanayan ko na dahil sa sila sila  rin naman ang mga bumabati sakin taon taon..

pero etong taon na to ang masasabi kong pinaka espeyal.. lumundag ang puso ko sa saya, nakiliti ang puso ko sa kilig at lumuha ang mga mata ko sa kaligayahan..

and what makes my day so especial yesterday?

~~~ napangiti ang puso ko sa mga greeting pix  at dotcom na natanggap ko

~~~ napangiti ang puso ko sa greeting na nakita ko sa fb wall/inbox

~~~ napangiti ang puso ko sa regalong binigay ni kikilabotz (tnx mahlabz, uber tats ako) at naiyak ang isang family member dahil sa tats! lolz.

~~~ naiyak ako sa isang mensahe na natanggap ko.. inaasahan ko naman ang pagbati mo pero hindi ko inaasahan na maluluha ako sa mga sasabihin mo.. (en i will olweiz be ur lil kayedee too) 😉

~~~ first time kong mag skype ehehe. at ng bagong gising pa! (nagtutbras naman ako bago makipag usap) lolz.

~~~ muntik nako magtampo buti humabol (eh that makes the celebration complete)

~~~ tats ako sa mga nagtxt (niwala na ako na malakas ako sayo, hoy ka din!) and tnx mga sis mahal ko kayo!

~~~ sobrang saya ko sa mga tumawag. (that makes me feel so especial) naks!

~~~ a greet from ym… kasabay ng kiliti sa aking puso at ngiti ng mga labi ay ang pagbagsak ng mga luha (bkit? sa tuwa?) hindi ko din alam.. OO! . . naisip ko ng may chance na babatiin mo rin ako, pero hindi ko inexpect na mangyayari yun..salamat na din!

kaya naman i could say na masaya talaga ang aking nagdaan na kaarawan..so meaningful..salamat sa inyo.. at salamat sa panginoon…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

oo nah! mukha lang 18.. nyahaha..

gift for myself

LETS GET  BACK TO REALITY….

tapos na ang isang araw na saya..isang araw na pwede kong masabi na isang magandang panaginip na masarap balikan.. kailangan ng harapin ang realidad na hindi ganun kasaya ang buhay. dahil hindi araw araw ay pwede sila tumawag at magtxt at higit sa lahat ay hindi araw araw na mararamdaman kita..

kasama sa ginawa ko kahapon ay ang pagbasa ko ng lahat ng poste ko mula simula hanggang sa mga komento.. nabaliktanaw ko ang mga dating madalas dumadalaw at nakakakulitan ko na hindi ko na nararamdaman ngyon (o well).. at sa mga kaibigang mula nuon hanggang ngayon ay nandyan pa rin.. nakakatuwa lang!

at ang totoo.. nakakalungkot dahil kelangan ko ng iwanan pansamantala ang wordpress.. mahirap mang iwan ang mga bagay or taong napamahal na pero gnun talaga ang buhay parang life lang.. kailangang harapin ang bagong buhay! nyayyy ang cheesy much! ahaha lolz..

MGA FRIENDS SANA SUNDAN NYO AKO SA BAGONG BAHAY KO….(lika habulan tayo) eheheh..

p.s

sana araw araw nalang ang bertday! 😉

MALIGAYANG PAGBATI!

ten years of friendship

ten years of joy

ten years of romance

ten years of unconditional love

ten years of burning touch

ten years of magical feeling

ten years of precious moments

ten years of undying love

ten years may seem a long time but this amount of time is not enough for you to share your endless love…

HAPPY ONE DECADE YEAR ANNIVERSARY FOR THE TWO PEOPLE WHO DEEPLY INLOVE..

SIS  AND HER HUBBY


paalam!

at isa na namang balita ang aking natanggap ngayong araw na eto.. pero ang totoo hindi naman dapat masamang balita eto para sakin dahil wala akong karapatang makaramdam ng anu mang sakit.. maaring pagsisisi or panghihinayang! pero hindi rin… kasi ako ang may gusto nito!

sobra akong nagpapasalamat sayo dahil sa mga panahong nasa dilim ako at puno ng paghihinagpis ay ikaw ang nagdala sa akin sa liwanag, ang nagpakilala na marami pang dahilan para ako ay ngumiti at muling mabuhay.

naalala ko noon, para kalang kabute na sumulpot sa aking harapan at nanghihingi ng gift sa farmville haha. ako naman si feeling mabait na nagbigay kahit hindi kita kilala, oo kilala kita sa itsura dahil school mate tayo noong high school. pero bukod doon at wala nang anu mang namamagitan sa atin.

at simula nga ng araw na iyon, ng iyong pagtatanong at aking pagsagot eh naging mabuti na tayong magkaibigan.. ang daldal mo kasi sobra! haha.ikaw lang ata ang lalaking nakausap ko ng ganun.. haha.. hanggang sa araw araw na tayong nag  uusap at naiinis ako pag hindi ka nag iin ng isang araw.. at umabot sa tawagan sa telepono at sabihan ng mga sikretong sobra kong naappreciate ang pagbibigay mo ng tiwala sa akin..

pero hanggang sa umabot sa puntong hindi na tayo madalas mag usap. ewan ko siguro na busy ka at ako din naman ganun dahil sa bagong mundong aking ginalawan,at isa na dun ang mundo ng blogosperyo.

hanggang sa nakita kitang muli, pero instead na masabik sayo eh tinaguan pa kita.. kaya madalas akong inbi nalang sa fb.. hindi ako galit sayo pero parang wala na ang sabik na dati kong nararamdaman pag ikay aking nakikita..

at kanina nakita ko na my emo post ka. kaya naman bigla ako napa comments sayo.. at doon naisipan kong i click ang chat sa fb para magparamdam na sayo.. nasabik ka naramdaman ko, at ako din naman naramdaman ko ang isang pananabik sa gilid ng puso ko.

pero isang balita mula sayo ang napahinto ng panandalian sa puso ko na parang nahirapan ako huminga..” …… alam mo may nagpapasaya na naman sa puso ko, ang aking prinsesa” yan ang isa sa mga nabigkas mo. hindi ako nagpahalata pero aaminin ko nasaktan ako ng bahagya! pero ano bang karapatan ko! hindi ba ako etong umiiwas at nagtatago sayo..biglang my hinding maganda akong naramdaman. ewan ko kung ano yun…

nagulat lang ba ako or sadyang nanghihinayang ako dahil isang taong napalapit sa aking puso ang muli kong hinayaang mawala???

Baguhin itong lahok.

ten years.

AKTWALI FEW DAYS AGO KO NA ETO NAISULAT AT AYAW KO SANANG IPOSTE DAHIL MEDYO MADRAMA(PERO BAKIT BA JOURNAL KO ETO EH) AHAHHHA..AT BAKA ANG IBA SA INYO AY NABASA NA ETO AHIHIHI. PERO SA KADAHILANANG KAHIT ANONG PIGA KO SA UTAK KO NA MY MAISULAT AY WALANG LUMALABAS NA TINTA. ETO NALANG ANG MAIPOPOSTE  KO..

alam ko at sigurado na ako noong mga panahong sinuko na kita,alam ko na kaya ko ng pakawalan ang sampung taong pagsasama.. naawa ako sayo nung huling usap natin dahil nasaktan kita nang sinabi ko na ayoko na, at wala na akong balak pang ayusin pa ang ating relasyon..

oo! minahal kita nuon… sobra sobra pa nga! pero anung ginawa mo binalewala mo at nakaya mo akong ipagpalit sa isang taong bago mo lang nakilala! at ngyon na nakakamove on na ako sayo at nakaya ko na ring magmahal ng iba, saka mo ipaparamdam ang pagmamahal mo at ang halaga ko sayo!

at dahil nakapagmahal na ako ng iba, akala ko burado ka na ng tuluyan sa buhay at puso ko… pero kaninang tumawag ka at sinabi mo ang masamang balita, nag alala ako ng sobra, kasama nun ay ang pagkamiss ko sayo… kaya naman tinawagan kita pabalik. gusto kitang yakapin at kung kaya ko eh pupuntahan kita para alagaan..

at sa mga sandaling ito nananariwa sakin ang mga alaala ng ating kahapon.. sa masasaya hanggang sa mga malulungkot na alaala.. at nasabi ng utak ko…………………. hindi ko yata kaya na my mangyaring masama sayo at mabura ka ng tuluyan sa buhay ko!

naiinis ako! alagaan mo kasi mabuti ang sarili mo!

basahin,may matutunan ka!

PAALALA: WALA KAYONG MATUTUNAN PAG HINDI BINASA NG BUO.


  1. two nights na hindi nakapag in sa net but seems like forever na!
  2. at dahil jan marami ako namiss
  3. natuwa ako dahil my nagbigay ng advance gift for my bday sakin kahapon na fren
  4. my nag pm sa ym na isang tao(malamang hindi hayop!) na hindi ko inaasahan ever, few days ago
  5. wag kayong manghihingi ng payo kay kikilabotz kung ayaw mong mabato ng keyboard ng pc, makonyatan, at madukutan ng mata!
  6. at pasaway ang assignment nya sakin na hanggang ngyon hindi ko pa nasisimulan!
  7. ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi na ako magpupuyat hanggang 3am pero ginagawa ko pa rin! tsk!
  8. sinimulan kitang mahalin bilang kaibigan at natapos din ang pagmamahal na yon bilang kaibigan
  9. yes! day off ko tomorrow!
  10. maigsi lang ako mag post ng mga entry ko.. (pansin nyo?)
  11. ilang beses na tayong nagpaalam sa isat isa at ilang beses ng pumatak ang mga luha
  12. kung natuturuan ang puso, ituturo ko sa puso ni  enchong dee na mahalin  ako
  13. i love you but im not inlove with you
  14. nag poste ng walang kwenta para lang malabas ang tinik sa dibdib(nakain ko ang isda ng buo, sori naman)
  15. hanggang 15 lang dahil eto ang paborito kong numero

p.s
kelan mauubos ang
mga luha ko?

LOVE MOVES IN……….?

sabi nila love move’s in mysterious way… pero tell me paano ba naging mysterious ang magmahal??  sige isa isahin natin kung bakit, paano, saan, kelan, at ano tayo magmahal…..

naranasan mo na bang:


~~magmahal sa isang kaibigan- magsisimula bilang isang mabuting pagkakaibigan, pero madedevelope into a romantic feeling
~~ magmahal sa taong hindi pa nakikita- actually uso to ngayon!! ahahah.. syempre sa dami ng social networking sites na sinasalihan like blogging and chatting! en even in texting.  na kahit hindi mo pa nakikita eh nahuhulog na ang loob mo dahil sa palagiang pakikipag usap nyo.
~~ magmahal ng dalawa– minsan sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagmamahal tayo ng higit sa isang tao. (alam nyo bang mas mahirap at masakit  ang nasa posisyon ng namimili kesa sa pagpipilian?) 🙂
~~ magmahal ng mahal ng isang kaibigan or malapit sa puso– eto na siguro ang pinaka mahirap na sitwasyon kung ikaw ay magmamahal, dahil dalawa lang ang pagpipilian mong kalabanin.. ang nararamdaman mo at konsenya mo.
~~ magmahal ng may mahal ng iba– dito pumapasok  si ms/mr martyr! lolz. na kahit my kahati ka eh tatanggapin mo, mabigyan kalang ng kapiranggot na panahon at oras.
~~magmahal ng my mahal kang iba– minsan iniisip ko, kasalanan ba ang magmahal ng iba habang my mahal ka na?? pagtataksil naba ang tawag dito?? para sakin kase, hindi natin kontrolado ang puso hindi gaya ng utak.. kung magmahal man tayo ng iba sa di sinasadyang pagkakataon ay hindi eto kasalanan! magiging kasalanan lamang eto “if you entertain the feeling.”
~~ magmahal sa taong hindi mo nakakasama- well eto ang tinatawag na long distance relationship. sabi nila wala daw nagtatagal sa ganitong set up! dahil sa ibang tao walang silbi ang relasyon kung hindi mo naman eto nakakasama! pero my iilang tao naman na nabubuhay at kuntento sa salitang “LOVE” kahit malayo ang kanilang minamahal.
~~magmahal sa isang ilusyon– pagmamahal sa isang taong hindi ka man lang kilala or nagmamahal ng isang taong malayo sa buhay mo.
~~magmahal sa maling pagkakataon at panahon – hmmmm…alam nyo ba ang kantang somewhere down the road? ayun ang drama nito! 🙂
~~ magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin- awwwts! pero nangyayari eto, madalas! pero anung magagawa kundi lumayo, (biglang wala akong makoment dito lolz) saying move on or letting go is so easy to say but its the hardest thing to do ayyt?!!
~~ magmahal sa taong mahal ka– oh well obvious naman na eto ang uri ng pagmamahal na hinahangad ng lahat.. ang mahalin ng taong ating iniibig! ayieeee

ngayon ipaliwanag mo sakin ang kasabihang “love moves in mysterious way”! 🙂

at saan ka sa mga nabanggit ko?? AMININ! 🙂

adiktus lang!

na feel mo naba ang pakiramdam ng


masaya PERO parang malungkot…

kompleto PERO parang my kulang…

maganda PERO feeling pangit…

pangit PERO feeling maganda…

kuntento PERO my hinahanap…

dedma PERO bakit namimiss…

gutom PERO parang busog…

inaantok PERO dilat ang mata…

inlove PERO parang adik lang…


hay buhay parang life



waahhh xenxa naman!
nadadala lang ako ng mga
requested song! haizzzz

naniniwala ka ba??

do you believe in saying na EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON??

believe it or not, eto ang linyang nagbibigay lakas sa akin sa tuwing akoy nasasaktan! at napatunayan ko eto sa isang kwentong aking nasaksihan..

my kilala ako they were together for 10yrs, sobrang mahal ni guy si girl as in. si girl ang buhay ni guy under na kung sa under! masamang anak na sya kung masayang anak! maging homeless na sya kung ma-homeless basta mabigay nya lang luho ni gurl at mapasaya eto..

one day girl said we’re over! im not happy anymore and im inlove with somebody else! gumuho ang mundo ni guy halos gusto nya nang mamatay!

marami sya tanong bakit bakit at bakit! lahat binigay nya sa girl! achuchuchu…

isa lang ang lage kong sinasabi sa kanya.. EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON...ayaw nyang maniwla dahil wala na daw syang mamahalin pang iba  maliban kay girl!

(pasaway) naiinis na ako! lolz

b0om! guess wat asan na sya ngyon??

sobrang saya sa piling ng taong nagbibigay ng pagmamahal na hindi naibigay ni girl sa sampung taong pagsasama!!

~~ alm ko ang iisipin nyu…. ang reason ng paghihiwalay nilang iyon ay para makilala nya si second girl..! HINDI PO.. para sakin ang dahilan ng lahat ay para makaalis sya sa isang relasyong sya lamang ang nagmamahal~~

GOD IS REALLY GOOD! alam nyang mabait si guy at he doesnt deserved the way that the first girl is treating him..

spell M.O.V.E- O.N.

A friend ask me to go out.. nood daw kame ng babe i love you ni anne en sam. pero sabi ko hmmmm…. ayaw ko! my naaalala ako sa title eh! sagot nya, tsk! move on! bla blah blah..heheh.. putcha kaw!! kainis to! ikaw na nga magyayaya eh barahin ba daw ako! hehehhe.. naisip ko tuloy..

PAANO MO BA MASASABI NA YOU’RE TOTALLY MOVE ON???

  • pag may nagpapangiti or  nagpapasaya na sayong iba, (move on kana?)

  • pag may nagpapakilig na sayong iba,(move on kana?)

  • pag naiisip mo pa xa paminsan-minsan (hindi ka pa move on?)

  • pag natanggap mo na ng buong buo na tapos na kayo, (move on kana?)

  • pag affected ka pa rin minsan sa mga nagpapaalala sa kanya, ( hindi ka pa move on?)

  • pag parang wala na sayo kung my nalalaman kang bago sa kanya, (move on kana? )

  • pag wala ka ng maramdaman pag nalalaman mong masaya na xa dahil sa iba,(move on kana?) or immune kana?! hahha

  • pag lumilipas na ang araw na hindi xa sumagi sa isip mo, (move on kana?)

  • pag may time na filing mo eh namimiz mo xa,(hindi kapa move on?) eh bakit kahit nman fren u namimiz u dba!

  • pag nakuha mo na bang tumanggi sa kanya eh,(move on kana?)

  • pag nakuha mo nang magmahal ng iba (move on kana) minsan inoopen lang natin ang puso natin sa iba para pagtakpan ang pangungulila natin

  • pag nakakaya mo nang hindi mag pm sa ym,fs,fb,cp etc sa kanya(move on kana?)

  • pag my kanta kapa na hindi mo pa kayang pakinggan dahil nagpapaalala sa kanya,(hindi ka pa move on?) alam natin na kapag nakikinig tayo ng music eh mas malakas ang paglabas ng ating emosyon

  • pag lumilipas  ang aniv date nyo na hindi mo namamalayan,(move on kana?)

10 steps for post break-up closeure (kung my moving on issue ka try mo tong gawin baka makatulong sayo!)nabasa ko lang eto!

  1. accept it

  2. distance yourself

  3. stop talking about him/her

  4. skip the blame game

  5. learn from it

  6. picture yourself over him/her

  7. focus on yourself

  8. get out there! (meeting other people)

  9. take it nice en slow (slowly but surely ba!)

  10. dont generalized en dont compare once you meet other guy/woman

you think move on kana?

(oo emo mode uli hahah)

xge manghula ka!

dalawa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi natin masabi ang katagang

” TAPOS NA TAYO!”

AYAW MONG MASAKTAN XA!

OR

AYAW MONG MAWALA XA!

(bakit meron pa bang ibang rason?)

P.S.

i appreciate ur honesty
but im a lil bit hurt,dunno why!
u want truthfullness?en so do i…
(anung connection?trip q lang! nyahha)