fact!

HUWAG MONG ASAHAN NA MAY SUGAT NA GAGALING KUNG HINDI GINAGAMOT

FIRST AID TEH! HUWAG KALIMUTAN

dahil siguradong ang sugat na napabayaan ay lalong lalala at magdudulot ng impeksyon..

kawawang may sugat napabayaan

Advertisements

spell kaibigan.. again..

yup! again. kasi hindi ko alam pang ilang beses ko ng ginamit ang title na eto sa blog ko once, twice? hindi ko alam. at tinamad na akong mag kalkal ng dalawang blog ko. hehehe..

by the way, high-way.. paano mo nga ba mabibigyan ng kahulugan ang salitang kaibigan? kung maraming klaseng ka relasyon, kaaway, kapitbahay at kung ano ano pang kaka. ay marami ring klaseng kaibigan na tinatawag natin.. minsan nga kahit kakilala mo lang pinapakilala mo pa din silang bilang kaibigan mo..

ano ba ang mga klaseng KAIBIGAN na naglilipara ngayon.. eto lamang po ay base sa aking opinion.. pwede din kayong magdagdag kung may kulang akong masambit.

kaibigang maituturing lamang sa loob ng trabaho. yung tipong super close kayo sa loob ng trabaho, kwentuhan, kulitan o nagsasabihan pa ng problema pero pag labas ng trabaho hindi na nagkakasama..

kaibigang kasama mo na sa trabaho kasama pa sa galaan. pero hindi pinagkakatiwalang pagsabihan ng mga private life, kahit mga problema mo.

kaibigang kasama mo palagi sa kasiyahan, gala o ano mang lakad pero pag dating ng kagipitan ay hindi maasahan.

kaibigang palagi mong natatakbuhan kapag may problema ka pero ang hirap kaladkarin kung saan saan kaya madalang mo lang makasama sa mga galaan.

kaibigang madalang nalang magkita pero pag nagkita kayo hindi nagbabago ang pagsasamahan.

kaibigang karelasyon. syempre eto ang magkarelasyon na magkaibigan pa.

kaibigang kahit hindi kayo nagkikita o nag uusap pero alam nyo sa isa’t isa na magkaibigan kayo.

kaibigang plastic! yung tipong mabait pag kaharap ka pero pag hindi na kung ano ano sinasabi hindi maganda tungkol sayo.

kaibigang loyal. yung tipong kakampi mo.kahit anong mangyari. ang kaaway mo ay kaaway nya rin. (ganito ako) hehehe.

kaibigang kabaligtaran ng loyal.friendly kase maybe kaya kahit kinaiinisan at kaaway ng kaibigan ay kinakaibigan pa din. (kahit sa mag karelasyon merong ganito) turn off!!!

kaibigang possessive. yung tipong parang jowa lang kung maka demand. at kung magselos ay higit pa sa jowa.

tinatamad nakong mag isip kaya ibibigay ko na ang klaseng KAIBIGAN na gusto ko at hindi ko alam kung nahanap ko na heheh..

kaibigang hindi lang maasahan sa mga lakaran,galaan, kulitan,kalokohan kundi maasahan din sa gitna ng kagipitan. yung kayang ibigay ang meron sya at kayang gawin ang lahat para tulungan ka,no limit! at syempre loyal at mapagkakatiwalaan.importante yun. (medyo mahirap hanapin eto pero swerte ka kapag nakatagpo ka ng tulad nito.)

*at marami pang klase ng kaibigan kasama na ang mga nakikilala mo lang through social networking like blogging πŸ™‚

angel sa gilid ng aking kama :)

Ayun sya sa aking harap, nkangiti.
nakangiti pero alam kong may pagdaramdam. marahil sya’y nagtataka at nalukungkot dahil hinayaang manahimik sa isang sulok..

Yakap ang hangad. alam ko. madali sana, isang tipa lamang ng aking mga patpating kamay ay akin na syang malalapatΒ  sa aking dibdib.. pero…

D’yan ka muna aking mahal. tama na muna sa akin ang titigan ka kalang at sabihin sa sarili na mahal kita at nananabik nako sa iyong malalambing na yakap.

bakit?

dahil alam kong kailangan mo.. alam kong hindi porke akin ka ay pwede ko ng gawin ng nais ko sayo. na madalas ay alam kong hindi kana makahinga sa palagian kong pag dagan sa iyo. pasensya kana ha. nasanay lang ako na palagi kang an’dyan sa tabi ko at pinagagaan ang aking pagtulog.

Kaya chill ka muna, ayusin ang sarili para hindi agad maluma at masira. basta kalabitin mo nalang ako kapag pagod kana magpahinga sa pinag lagyan ko sayo neh? at miss mo na sumubsob sa maasim kong kilikili..:-D

At yayakapin na kita ng wagas ulit! neh? neh? :-*

image

mahal ko.. baby chriz ko πŸ™‚

random lang..

yung pakiramdam na akala mo malakas ka, walang bakas ng kahinaan ng biglang bubuhos ang mga luha. hindi mapatigil, hindi makontrol. pakuwari na may sariling pwersa na kahit anong sabi mo na wag kang bubuhos, magugulat ka nalang na kusang nagmamadaling umagos sa mukha mo hanggang sa mabasa ang damit na suot mo.. batrip db?! dagdag eyebags at dark circles.

pero kahit anong lakas mo, manghihina at manghihina ka.. na kahit anong tapang mo maduduwag at maduduwag ka.. yung akala mong habambuhay kang kakalma mapupuno at mapupuno ka.

mapang asar ang buhay. un ang totoo!
madalas kong nakikita or nababasa na wala silang ibang sinasabi na kaligayahan lang ang hangad nila sa buhay. isang simpleng salita, madaling isulat pero bakit kaya hirap na hirap ang karamihan na makuha eto??

sa mga bagay na madaling pumasok mahirap lumabas.. at sa mahirap pumasok madaling lumabas.. hindi ba pwedeng kung madaling pumasok madali ka ding makalabas?

sana ang buhay ay maging isa sa mga teleserye na pinanunuod ko. yung isang commercial lang ay agad na angΒ  “after 1,2,3,4,5 yrs” pag balik ng programa,Β  yun bang ganun kadali malagpasan ang mga pinagdadaanan mo. ganun kabilis maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

para lang akong isang laruang robot na nalaglag ang isang parte nito at ayaw ng gumana, electric fan na wala ng langis kaya hindi na umiikot, tv na na over heat kaya ayaw ng mag on.. at isang battery ng cell phone na over use na akala mo ok pa. pero sa hindi inaasahan biglang napagod na..

welcome 30’s!

HAPPY BDAY TO YOU. HAPPY BDAY TO YOU. HAPPY BDAY DEAR (INSERT MY NAME) HAPPY BDAY TO YOU…

simpleng bday post gaya ng kung gaano ka simple ang pag celebrate ng 30th bday ko last july 15.. maybe u wonder how simple???

i woke up at 10am. went to work at 2pm till 10pm.. went home, opened my lappy and talk to mine until 2am i think? and slept! πŸ™‚

oh.. ang handa?? pansit for long life and cake to blow the candle and wish. πŸ™‚

ang mahiwagang mensahe. :-D

dear diary,

excited ako sa plano ko para i surprise si mine sa monthsary namin, plan A. gumawa ng vid para sa kanya kaso badtrip ang movie maker, hindi nag aappear ang mga pics. medyo matagal pa naman gawin yun e malalate nako sa work kaya nagmamadali ako. so plan B ay gawan sya ng note, nasimulan ko na konti pero naisip ko kukulangin ako sa oras nito sigurado. so may plan C ako, yun ay mag sulat ng wall post sa wall nya.. kaso sablay naman si mobile at sa wall ko napunta ang sinulat ko so kailangan ko idelete at copy paste sa wall ni mine. eh kaso pagbasa ko mukhang mali ang pag sabi ko ng 22nd. 22th ang nalagay ko. hayss. so kailangan ko na naman delete at copy paste with edit.. (patakas kong ginawa to sa c.r sa trababaho ko) heheh.. ang saya ko na kasi pag check ni mine sigurado ako na mkikita nya to at maliligayahan sya πŸ™‚

at pag dating ng lunch time.. at pag basa ko ulit sa wall post ko.. omg!

iloveu from the first moment i felt that im falling for u moment. it does’nt stay the same bcoz it goes deepe argue, fights, and kiss and make up. you are not perfe relationship but having u makes my life perfect. what after telling u everyday how much iloveu and importa thank you that i rarely say, for loving me, for patiently for hugging me whenever i need it. for everything.. fo possible but i will..bcoz u r my forever. i’ll forever love forever.. oh yeah! i love forever! hahah. happy 22nd love day mahal..kissssss

napagtawanan tuloy ang message ko diary, buti nalang mahal ako talaga ni mine kaya inintindi nalang nya ang message ko.pero kahit ako natawa ako sa message na yan.. ahihihi..

eh kung ikaw ba diary ang makakabasa ng ganyang message matatawa ka din o maiinis?? oh well.. and’yan naman si mr google πŸ™‚

nagmamahal,

kayedee πŸ™‚

puyat ang katapat.

i feel like dying…

sobrang lungkot, pag na ospital ka itatanong sayo ng nurse gaano kasakit i rate mo 1-10.. ang sagot ko ngayon ay 11..

ayaw kitang mawala, gusto ko matuloy ang pangarap na magkasama hanggang sa huling hininga. mga pangarap na binuo at pinaglaban para sa habambuhay na plano natin, pero nasaan na? hindi ko na sya makita. malabo na ata ang mga mata ko talaga..

omg! life is really unpredictable. kaninang umaga lang masaya ako, tayo.. pero pag sapit ng gabi magkaibang landas na ang tatahakin. sabay liko ng mga pangarap na dati lahat ay papunta sayo.. ngayon, saan na ang punta ko? saan ako magsisimula?

hindi.. hihinto lang ako. mag iisip, magpapahinga.. kung sa aking pagtayo ay maglakad ng mag isa ipagkakatiwala ko na lamang kay ama ang bawat hakbang nga mga paang halos di mailakad dahil papunta sayo ang nais. ngunit ano pa nga ba ang magagawa kung mga paa mo’y tila may hinahabol at mabilis na mawala..

alam kong mararating ko rin ang finish line sa aking lalakbayin..kailangan ko lng ng lakas, tapang at katatagan..

tulungan mo ako ama… pls.

hindi porke si Piolo Pascual ka na maraming nagkakagusto sayo. gusto na rin kita!

Sa tuwing lumalabas ng stage sa ASAP si Piolo Pascual nagtitilian ang mga babaeng halos wala ng boses na mailabas. makikita mo naman sa mukha ni piolo ang beautiful eyes look nya..

Aaminin ko, noong una na nagsisimula na syang sumikat nagustuhan ko din sya. lalo pag kinakanta nya ang awitin nyang” kailangan kita” hunk na hunk ang lalakeng maganda ang boses. at oo dagdag points sa akin ang lalaking maganda ang boses..

Pero subalit datapwat, unti unti ay napapansin ko ang pag sobra ng pagpapa kyut ni Piolo.. hindi na tama eto, may nakikita akong mali..

ay.. ayaw ko na sa kanya..(oo alam ko naman na ayaw din nya sa akin) hehehe!

hanggang sa may nababalitaan na ako na bading daw sya.. hindi ako nagulat. ah basta hindi lang ako nagulat! πŸ˜€Β  at tuloy pa rin ang tilian ng mga kababaihan sa kanya sa kabila ng tsismis.. siguro hindi nila nakikita ang nakikita ko.. o well.. buhay nila yun! πŸ˜€

Hanggang sa mabalitaan ko na sila na ni KC Conception..Aba… ang daming kinilig, natuwa, nainis marahil sa inggit.

nainggit?? oo.. nainggit, dahil nga gwapo, mabango(daw), magandang boses, sikat at higit sa lahat maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. kaya naman malamang na maraming nagsasabi na “sana ako nalang si KC”.. sa madaling salita maraming gustong mapunta sa pwesto na kinalalagyan ni KC..

Pero makalipas ang ilang buwan, pumutok ang balitang hiwalay na sila. nakita kong luhaan si KC na inenterview ni Boy Abunda.. bakas ang sakit na pinagdadaanan at sakit na pinagdaanan nya kay Piolo.. OO.. pinagdaanan, dahil ang akala nilang swerteng KC dahil may Piolo ay puro sakit lang pala ang pinagdaanan sa piling ng hinangad ng iba..

Sa ngayon, sa nakikita ko. masaya si KC sa bagong buhay na hindi kasama ang taong sikat,gwapo at hinahangaan ng iba. bagkus ay MASAYANG namumuhay kasama ang taong hindi kilala, nanahimik sa isang sulok, wala lang sa ibang tao.

Ano ba ang nakain ko at nakwento ko si Piolo at KC? yun na nga e, wala kase ako pagkain kaya bigla nalang ako napa kwento hahahah!!

eto nalang…

Basta ako.. hindi malaking kawalan sa AKIN ang walang Piolo Pascual sa buhay ko kahit pa maraming babae ang naghahangad sa kanya. dahil ang ituturing kong Piolo sa buhay ko na titilian ko hanggang maubos ang boses ko, ang pagpupuyatan ko para lang masilayan at kahit maubos ang lahat sa akin para lang maibigay sa kanya ay ang taong… SIMPLE, MAHAL KO AT HIGIT SA LAHAT.. MAHAL AKO unconditionally (in real sense)..

p.s
pasintabi sa mga taga hanga ni Piolo Pascual.. pero aaminin kong pinapanuod ko ang Dahil sa Pag ibig πŸ™‚

for girls only ^_*

naalala ko nung bata pa palang ako. well, bata pa naman ako ngayon. chos! hahaha! okey, mga elementary days heheh.. madalas akong tuksuhin dahil hindi maliit labi ko as the usual ahihi.. naalala ko, ang tawag ng ibang kaklase ko sa akin “labi” ahahah!! bwisit sila! naalala ko na naman! ahahah but anyways, ayun nga. alam mo naman mga bata mahilig manukso. eh nagkataon na mabait akong bata kaya minsan napapaiyak nalang ako.. huhuhu πŸ˜€ pero wag ka! yung isang nanunukso ay balitang sinundan ako sa nilipatan kong eskwelahan dahil may gusto daw. si mama kasi nilipat ako sa isang private school. ayaw ko nga kase mas masaya sa public. agree?? heheh!! so ayun.. so kung ikaw ang tinutukso, sasagutin mo ba? malamang sa alamang busted agad db? argh!

so pag dating naman ng h.s medyo tapos na ang tuksuhan days kase medyo nagdadalaga na ahhihi.. at sympre jan na nagsisimula ang mga pulbos, madalas na pagsusuklay. palaging retouch ahahha.. pero isa sa hindi ko ginagamit ay ang lipstick or kahit lipgloss lang kase nga pag naglalagay ako nun lalo mapapansin ang malaki kong labi πŸ˜€

PERO… salamat kay angelina jolie at anne curtis!!! ahahaha!! kung dati medyo nahihiya ako dahil sa plaging tinutukso ay masasabi ko ng “i’m proud to have this big lips” ahahaha!! at feel na feel ko na mag lipstick or lipgloss. at yan ang hindi mawawala sa bag ko… πŸ™‚Β 

Image

oh.. at ang pinaka paborito ko sa lahat ay ang revlon just bitten lipstain( ung kulay pink at red na prang pencil).. my gosh, im telling you guys. i try nyo. ultimate favorite ko na sya so far πŸ™‚

Β 

at ang hindi mawawala sa aking retouch ay ang mascara.. sabi nila. lipstick at mascara ang pinaka importante girls, kahit wala ka ng blush or anything sa mukha nyo. eto lang dalawa maganda kana kahit saan ka pumunta in a very natural look. πŸ™‚

Imageat sa mga mascara. ang paborito ko so far ay ang loreal telescopic( ung kulay gold na mjo mahaba) at ung cover girl (purple sya) πŸ™‚

how about you girls, ano ang favorite beauty cosmetics nyo? share naman.. i love talking about cosmetic stuff. kaya madalas ako manuod ng mga tutorial sa youtube ahihihi..

another day..

i am so freakin’ sad.
normal naman siguro yun pag hindi kayo nagkakaunawaan ng taong mahal mo diba? yung away na mapupunta sa alanganin ang lahat. yung pakiramdam na pagod kana at gusto na isuko ang relasyon, na ang ibig sabihin ay pagsuko sa taong mahal mo..

masakit..
ang pakiramdam na hindi mo maintindihan.. nasasaktan ka, galit ka pero bakit nangingibabaw ang pagmamahal at pagkakamiss sa taong mahal mo.

maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko.
hindi ko maintindihan bakit lagi tau nag aaway. normal naman daw sa relasyon ang hindi pag uunawaan pero normal pa ba ang halos araw araw na tampuhan at hindi pagkakaintindhan? ano pa bang pakikipag laban ang dapat kong gawin para sa relasyon na to?

alam kong mahal kita.
hindi pa ba pagmamahal ang tawag sa pakikipag laban kong kahit na alam kong nasaktan at nasasaktan ako hindi ko hinayaang umalis sa tabi mo.
kinaya kong iharap ka sa pamilya ko kahit na hindi madali.
kahit na may mga nagsasabi at alam kong marami din ang mag iisip na masyado akong nalulunod sa pagmamahal ko sayo para talikuran ang buhay ko dito sa amerika kapalit ang buhay na iba para sa akin para lang makasama ka.. takot din ako akala mo! pero nawawala ang lahat ng takot ko kapag maiisip kong magkakasama na tayo ulit at hindi na magkakahiwalay pa.. ang dami nating pangarap na magkasama, pero paano na ang lahat ng eto kapag napunta sa wala?

magsisimula ulit ako sa simula?

isa lang hihilingin ko sana.. huwag mong hayaang mawala lahat ng eto(pagmamahal)….

draft

hindi ko nagugustuhan ang mga naririnig ko.. hindi talaga!

sana maisip mo na masasaktan ang taong mahal mo sa bawat hindi magagandang lumalabas sa bibig mo. mga salitang hindi lang ako ang nakakarinig kundi buong mundo.

nakakadismaya!

ang isa sa pinaka iniingatan kong mawala sa relasyong eto ay RESPETO. dahil sigurado akong kapag eto ang nawala.. mawawala na rin lahat ng mga pangarap na binubuo natin ng magkasama..

alam kong malaki ang mawawala sa akin pag napunta sa wala ang lahat ng eto, kapag ikaw ay nawala.. alam na alam ko yun.

alam ko ang pagmamahal na binibigay at kaya kaya mo pang ibigay sa akin. alam na alam ko yun.

pero sana hindi mo din pang hinayangan na mawala sayo ang nag iisang taong hindi ka kayang lokohin..
ang nag iisang taong kayang tanggapin ang lahat lahat sayo..
ang nag iisang taong kayang harapin ang kakulangan na meron ka..
ang nag iisang taong kayang talikuran ang buhay na nakasanayan para lang makasama ka..

aminado akong masyado akong sensitibong tao pero ako lang ang nag iisang taong kayang iparamdam na ikaw lang ang pinaka importanteng tao sa mundo.

sadyang nakakalungkot..
nang dahil lang sa nag tampo ako dahil nasigawan mo at mas pinili mong kilalanin si manong PRIDE kasya humingi ng paumanhin.. pareho tayong nagkakasakitan ngayon..

sa ngayon. hahayaan kong panahon at pagkakataon ang magdesisyon kung saang daan ang tamang tahakin.

babae ka ba?

its 3am…

girl: bakit kaya wala pa sya msg?.. :-l (inentertain si bad thoughts)
(keeps on praying…) god pls gabayan nyo po sana sya.. pls. pls. pls..

4:30…5:00…5:30…
(paikot ikot sa kama.. hindi mapakali…)
…nag aalala..

its past 6am…

girl: dilat ang mata…. (nag aantay pa rin ng txt… tawag dito, tawag duon.. (unanttended)
…. nag aalala…

6:20am…
nag ring si fone…(text msg.)

guy: (msg content)….

girl: buwisit ka! (hindi sinagot ang msg.)
(tinalikuran ang fone)..
…. matutulog na!

BABAE NGA NAMAN!!! LOL..

ldr…

Dahil sa nauso ang mga networking sites. nauso na din ang mga iba’t ibang paraan ng communication.. kasama na d’yan ang fb, skype, ym, plurks kasama na din ang blogging. etc etc. at sympre dahil nga communication, hindi mawawala ang chat or chatting.. at dahil dito marami na ang nabubuong pagmamahalan? oo may question mark..

Bakit may question mark?
ikaw ang tatanungin ko, naniniwala ka ba na may pagmamahal na magaganap sa dalawang taong hindi pa nagkakasama ng personal? hindi nagkakahawak ng kamay? posible nga ba eto?

Sige. ako ang unang sasagot..
OO… paano ko nasabi? dahil naramdaman ko na.. nagmahal ako sa isang taong 17months na hindi nahahawakan at nakakasama..

paano nangyari yun?
hindi ko din alam..
pero maniwala ka.. mahirap. mahirap. mahirap.. kaya kung may choice ka, huwag ka ng sumubok pa. may mga nagsasabi na “bakit hindi ka nalang maghanap ng anjan? ung malapit lang sayo. marami pa naman kano sa lugar mo” oo nga naman. siguro maganda ang magiging mga anak ko heheh.. pero sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.. gusto kong sisihin si fb at ym at ang chat na yan e, kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararamdaman ang sakit dulot ng LDR na yan!!

yung pakiramdam na miss na miss mo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na pag may problema sya at alam mong kailangan nya ng karamay, gusto mo syang yakapin pero wala ka pa ring magagawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nasa panganib sya at gusto mo syang protektahan pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may okasyon at masaya pag magkasama sana kayo pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na nag iisa sya at gusto mo sya samahan pero wala ka magawa. dahil malayo ka.

yung pakiramdam na may lumalandi sa kanya at gusto mo upakan ung taong yun pero wala kang magawa. dahil malayo ka.

Haysss.. puro wala kang magawa dahil malayo ka!!! ang hirap. ang hirap..

Ang LDR ay kinakailangan ng katatagan ng pagmamahal, respeto,pasensya at higit sa lahat tiwala. tiwala at maraming tiwala.. pagtitiwala sa bawat salitang ilalabas ng bibig nya. paano mo malalaman na totoo ang sinasabi nya? dahil nagtitiwala ka.. alam mo ba gaano kahirap na maniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita? dun palang talo kana sa uri ng relasyon nato..

Pero bilang miyembro ng LDR society (meron ba nun?) hahaha!! isa lang masasabi ko..

NAGTAGUMPAY AKO.. πŸ™‚

iknowyouright?!

DALAWANG TAONG NAGKASALUBONG....

BABAE: parang kilala kita ah?

LALAKE: oh talaga nakikilala mo ako? (nakangiti)

BABAE: ay oo ikaw nga! naalala ko na (napangiti na din)….
– ikaw ang huling tao na nagsabi na mahal n mahal ako, na hindi ako iiwan kahit anong mangyari, na hindi kaya ang mawala ako, na ako na ang huli mong mamahalin, na hindi mo na nakikita ang sarili mo kasama ang iba maliban sakin. at ako lang ang mamahalin mo habambuhay…at sabi mo pa ako na ang buhay mo. (oh buti buhay ka pa) ikaw nga!

LALAKE: ………

BABAE: sabay talikod..

HILING KO LANG AY SANA WAG MANGYARI ETO SA ATIN MINE 😦