sige lang ang pacute!

minsan natutuwa ako sa mga ginagawang moves ng mga lalaki sa mga babae pag gusto nilang magpacute or kaya type nila ang girls.. hindi ba pwede namang sabihin nalang ng deretso para hindi kayo parehong natatawa or nagkakahiyaan sa isat isa? at minsan ng hindi ka na rin nakakaabala! here are some scenario na nakikita, napapanuod at na eexperience na rin ๐Ÿ™‚

scenario #1

pag nag wowork ka sa isang resto or fast foodย  hala! halos arawย  araw na dun kumakain lalo na kung ikaw ang cashier kunyari matagal tignan ang menu, hindi alam ang oorderin para lang matagal syang mkapag papansin! hoyyy ang haba na ng pila oh! ๐Ÿ™‚

scenario #2

paglabas mo ng work or skul eh nag aantay sau plge sa labas.. (ano pacute,gus2 kang makita,or bumwebelo lang na masabi na ihatid ka)

scenario #3

pagdumadaan ka sa lage mong dinadaan eh nandun sya palage.. kunyari wala lang dun daw ang tambayan nya! ( madalas eto sa mga eskwelahan)

scenario #4

makakakuha ka ng isang txt message sa hindi u kilala at pag nagreply ka ng hu u? sabay reply nya ngย  sorry wrong no! pero panay na ang txt at kung anu ano na ang tinatanong.. dahil nakuha na pala ang number mo sa isang kakilala!

scenario #5

makakakuha ka uli ng txt message.. at hindi kapa nagrereply eh biglang may kasunod na txt message agad na nagsasabing sorry akala ko ikaw si… pareho kasi kayong pangalan eh kaya magkasunod sa contacs ko! (edi sana nilagyan mo nang palatandaan which is which diba!)

scenario #6

palageng aawayin at aasarin or tutuksuhin para lang mapansin at makuha ang attention! (madalas eto sa mga bata pa tulad ng elementary stage, well actually minsan kahit sa mga nag iisip bata pa!) ๐Ÿ™‚

scenario #7

mag ha-hire ng taong kunyaring mambabastos sayo at bigla syang darating sa eksena at tutulong na parang si superman at biglang magpapakilala at aalukin na ihatid nalang, eh syempre si girl natakot na kaya mapapa oo ka nalang! ( wow pam pelikula ang drama! ) hahhha. ๐Ÿ™‚

scenario #8

palaging may letter or my isang pirasong bulaklak sa locker mo na naka ipit.. (high school??) ๐Ÿ™‚

scenario #9

magpapanggap na kunyari nakilala na sya somehere pero hindi matandaan kung saan…. at sasabihin pang ikaw si…… ano…. dba… (nag iisip kuno) at biglang sabi ng girl (ang pangalan nya)… sabay hirit ng ayy oo sabi na eh.. pero hindi pa rin alam san nagkakilala (kasi hindi naman talaga!) hehhe.

scenario #10

customer: papalapit sa empleyado (ako)

ako: yes how may i help you?

customer: hi, where you guys put your……. (nag iisip)…..(nakalagay pa ang daliri sa noo nya)…

1 sec..ย  2 secs. . 3 secs..ย  4 secs..ย  5 secs..ย  6 secs..ย  7 secs..

hmmmmm…

ako: nakatunganga at nakatitig sa kanya dahil hinihintay ang sasabihin…ย  zzzzzzz….(halos tumulo na ang laway sa pagkatunganga)

sabay hirit nang….

customer: you know what you are so pretty.. you really have a beautiful face.. ๐Ÿ˜‰

ako: (sabay balik ng laway na tumutulo sa pagkatunganga)… tenk you! (pacute na smile) ๐Ÿ™‚ so what are you looking for??

customer: oh yah! where is your AIR FRESHENER!!

bwaahhhhhhh…. mahirap bang alalahanin yun??!

ako: isle 7A! (biglang talikod)

paalala : hindi lang mga lalaki ang gumagawa ng mga eto! kahit mga iilang babae din ๐Ÿ™‚

yan ha! wala nang magrereact na guys.. bka sabihin nyo inaapi ko kayo! hehhe ๐Ÿ™‚

Advertisements