pagsuko sa laban.

Gugustuhin mo bang manuod kapag si  Manny *Pacman* ay nakikipag laro ng boxing sa loob ng ring na mag isang lumalaban? paano, yung kabilang panig ay halata namang hindi na lumalaban sa hindi masabing dahilan.. siguradong magmamaktol ang mga fans na nagbayad para sa laban na iyon. aktwali nangyari sa amin iyon, yung unang laban ni Manny dito sa vegas. bumili kame ng pay per view para makanuod. at lahat ay excited pati si mama ko na may anxiety ay inunahan ng uminom ng gamot dahil sigurado daw na ma-tetense sya sa laban.. pero anong nangyari? waley!!!! hindi pa man umeepek yung gamot ay nanalo na agad si Manny!. hindi ko matandaan kung nakailang round lang sya.. inis na inis si mama.. at pakiramdam ko din ay nag aksaya lang kame ng binayad. parang appetizer lamang ang ibinigay na excitement.. kaya mula nuon ay hindi na kame bumibili ng pay per view, sa halip ay pinapanuod nalang sa news. oh diba nakatipid pa! hehhehe..

Kapag sinabi mong *laban* o labanan, eto ay may bilang na mahigit sa isa. malamang! alangan naman na labanan mo ang sarili mo?? hakhak! mapa sports o away at suntukan lang sa may kanto.. gugustuhin mo bang ikaw lang ang nagbibigay effort samantalang yung isa petiks lang at walang pake kung matalo? walk out na! 😀

Kagaya din ng pakikipaglaban sa pagmamahal ay sympre hindi pwedeng mawala eto! ahihihi.. walang salitang laban o pakikipaglaban na nagaganap kung ang isa ay sumuko na. may laban ka pa ba dun? wala na hindi ba? para ka nalang nakikipag laban sa hangin o sa sarili mo. ang pakikipaglaban naman ay may kasamang pagmamahal. matinding pagmamahal.. sa bawat relasyon walang problem free. lahat ay kinakapitan nito. pero depende nalang sa pagmamahal na meron ka para malagpasan ang mga eto. sa pamamagitan ng pakikipaglaban. 

Maikukumpara ko ang isang relasyon sa isang silya.. dalawang paa na nagsisilbing pundasyon pero kapag nawala na ang isang  paa, waley na!

May mga sitwasyong isa nalang ang lumalaban kasi sya nalang ang nagmamahal kaya wala na talagang pag asa yon, suko na! pero swertihan kung dalawa kayong handang lumaban. panalo!

Naalala kong may nag sabi na para lang daw akong nag sasaranggola, at sya ang saranggolang hawak ko kaya mawawala lang sya kapag ako ang bumitaw.. pero mali pala.. nagkabaliktad. ako ang naging saranggola at sya ang bumitaw.. buhay nga naman.. so unpredictable talaga!

tapos na ang counting.. hindi nako aasa pa..

the end…

Quote

usapang midlife crisis.. …

usapang midlife crisis.. am i back?

familiar ba kayo sa salitang midlife crisis?

sabi nila life begins at 40.. at dito na nga ata nagsisimula ang midlife crisis. napanuod ko sa salamat doc na programa. eto daw ang panahong makakaramdam ka ng stress (close to depression) sa buhay mo. yung tipong makakaramdam ka ng lungkot, dito ang may pinaka malaking rate ng suicidal cases actually.. yung tipong hindi mo na alm anong gagawin sa buhay mo. 

kadalasan daw ang mga makakaramdam ng ganitong midlife crisis ay yung mga taong at the age of 40 ay hindi pa nkakamit ang pangarap nila, wala pang sariling pamilya or wala pang napupuntahan ang buhay nila na naaayon sa kagustuhan nila..etc. etc. in short, hindi sila masaya sa kinaroronan ng buhay nila..

trenta nako in two months.. pero bakit parang nararamdaman ko na ang midlife crisis. yung pakiramdam na hindi mo alam san lulugar. mag tatanong sa sarili kung masaya ka, ano nang nangyari sa 30yrs ng buhay ko, nagtatanong kung may oras pa ba ako para makuha ang buhay na pinapangarap ko, feeling ko marami yata akong nasayang na taon. minsan iniisip ko, oo kasalanan ko. pero ano pa bang magagawa ko? kung pwede lang maibalik ang nakaraan.. ang totoo, nasa kalagitnaan ako ng isang malaking desisyon sa buhay ko.. kung ang magiging desisiyon nato ay makakaapekto ng malaki sa kinabukasan ko. haharapin ko ang magiging epekto nito..

isa nalang ang alam ko ngayon.. tumatanda nako, nauubos na ang oras ko sa mundo at napag iiwanan nako ng buhay ko.. KAILANGAN KO NG SUMAYA! 🙂

 

P.S.

namiss ko ang mundo ko dito, namiss ko magsulat, namiss ko magpahayag ng damdamin at utak ko..