again.

Pagdating sa relasyon dalawang desisyon lamang ang higit na pinagpipilian..

TO LET GO

or TO FIGHT FOR IT

Pero paano mo nga ba maititimbang ang dalawang eto?

Walang hindi masakit sa pagpapalaya ng taong mahal o minahal mo. pero iba iba nga lang ang level, depende siguro sa pagmamahal na meron ka para dito o kung paano mo dalhin ang sakit na nararamdaman mo para mapagaan ang sakit. Meron namang pagkakataon na akala mo nalagpasan mo na ang sakit pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan. gets? good! 🙂

Hanggang saan mo nga masasabi na hindi na worth it ang pinaglalaban mo? ano ba ang sobra na? ilang beses kong tinatanong eto sa sarili ko. paulit ulit na nga. nakakaloka! lol.

Ganito lang ka simple para sa akin ang salitang pakikipaglaban sa taong mahal mo. hindi sapat ang mahal mo lang, dapat din kaya mong tanggapin ang mga pagkakamali at mahalin ang kahinaan nito. im just talking about differences. (ibang usapan na kapag may lokohan na nagaganap) dahil hindi na pakikipaglaban tawag dun kundi kamartiran at katangahan. agree? 😀
pero ganun naman siguro pag nagmamahal ka minsan nagiging martyr at tanga ka. (at hindi ko na uulitin yun) lol.

Isa lang siguro ang tamang sagot sa lahat ng katanungan ng pinupunto ng posteng eto..

I-let go mo ang tao kung sa tingin mo kaya mong mawala sya sa buhay mo..

at ipaglaban mo kahit anong mangyari kung sa tingin mo ay hindi mo kayang mawala ang taong eto.

okey, sorry pinahaba ko lang.. hahaha!

Quote

usapang midlife crisis.. …

usapang midlife crisis.. am i back?

familiar ba kayo sa salitang midlife crisis?

sabi nila life begins at 40.. at dito na nga ata nagsisimula ang midlife crisis. napanuod ko sa salamat doc na programa. eto daw ang panahong makakaramdam ka ng stress (close to depression) sa buhay mo. yung tipong makakaramdam ka ng lungkot, dito ang may pinaka malaking rate ng suicidal cases actually.. yung tipong hindi mo na alm anong gagawin sa buhay mo. 

kadalasan daw ang mga makakaramdam ng ganitong midlife crisis ay yung mga taong at the age of 40 ay hindi pa nkakamit ang pangarap nila, wala pang sariling pamilya or wala pang napupuntahan ang buhay nila na naaayon sa kagustuhan nila..etc. etc. in short, hindi sila masaya sa kinaroronan ng buhay nila..

trenta nako in two months.. pero bakit parang nararamdaman ko na ang midlife crisis. yung pakiramdam na hindi mo alam san lulugar. mag tatanong sa sarili kung masaya ka, ano nang nangyari sa 30yrs ng buhay ko, nagtatanong kung may oras pa ba ako para makuha ang buhay na pinapangarap ko, feeling ko marami yata akong nasayang na taon. minsan iniisip ko, oo kasalanan ko. pero ano pa bang magagawa ko? kung pwede lang maibalik ang nakaraan.. ang totoo, nasa kalagitnaan ako ng isang malaking desisyon sa buhay ko.. kung ang magiging desisiyon nato ay makakaapekto ng malaki sa kinabukasan ko. haharapin ko ang magiging epekto nito..

isa nalang ang alam ko ngayon.. tumatanda nako, nauubos na ang oras ko sa mundo at napag iiwanan nako ng buhay ko.. KAILANGAN KO NG SUMAYA! 🙂

 

P.S.

namiss ko ang mundo ko dito, namiss ko magsulat, namiss ko magpahayag ng damdamin at utak ko..