doc time!

Ang aga ng mga medical test kanina, at yung isa na ang tawag ay nuclear medicine test ang ayaw ko ng maulit.. sobrang boring! omg! pero slight lang kasi buti ay kulang ang tulog ko kagabi kaya mabilis akong antukin..

Anyhow.. ang procedure na yun ay pakakainin ka ng sandwich, well magdadala ka ng sarili mo. at may instructions, kelangan may mayo and its either chicken or egg ang ilalagay mo. egg sandwich ang ginawa ko kasi may mabilis gawin.. at infairness hindi na masama ang ginawa ko kaya naubos ko ang isang sandwich..

And after kumain, pahihigain ka tapos meron machine na nakatapat sa katawan mo most likely sa bandang tyan kasi ang silbi ng procedure na yun ay titignan nila kung gaano kabilis mag digest sa tyan ko.. and omg! 90mins lang naman ako nakahiga! at bago magsimula ang oras ng paghihintay, takot ako. hindi dahil sa procedure. kundi baka hindi ko maiwasang mag emote. ayoko kasi ng sobrang tahimik sa ganitong yugto ng buhay ko. chos! arte lang! hahahah.. eh eto na nga kung hindi ba naman bwusit yung doctor na yun.. binigyan pako ng background music! akala nya siguro matutuwa ako sa ginawa nya! hahaha!! okey lang sana kung mga tipong call me maybe ang tema. kaso mga tipong ‘just once pa’ come on! sinusubok talaga ang tibay ko minsan e noh?!

And god is good talaga.. coz i win! hakhak! pagpikit ko ng mga mata ko, pinagnasaan ko nalang si doc ang gwapo kasi! ahihihihi.. at ayun hanggang sa naka idlip ako.. at ayun bumilis ang oras at hindi namalayang at narinig kong sabi na 9mins left. yahooo!!

Pero ayaw ko na talaga yung procedure na yun! pero gagawin ko pa ata yung liquid part.. liguid naman ang gagawin sa susunod.. pero sana hindi na.. 😦 (crossfinger)

** iaask ko sana na kuhanan ako ng pic sa doc kaso hiya ako, baka sabihin mukha ko wengot** hahahah!

2nd day..

nanunuod ba kayo ng ONE TRUE LOVE ng GMA? hindi ko maiwasan at mapigilang humagulgol kapag kinakanta na yung kantang…

PANGARAP KO AY IBIGAN KA

haysss! sarap magmahal kagaya ng meron si elise at tisoy 😀

tuloy ang pangarap.

oh diba emong emo ang title. parang teleserye lang. heheheh!!

sa ilang araw na nagdaan, hindi matahimik ang isip ko.. hind ko alam saan pwedeng mailagay ang lahat ng planong nabuo na.. mga planong pang habambuhay sana.

itutuloy pa ba ang plano o itutuloy ko nalang ang buhay ko dito sa state of calamity? uuwi o hindi? red light or green light? mas madali ba akong gagaling dito, if i stayed? dahil mas malayo?

pero mukhang hindi.. sabi nga nila, life is short. gawin mo ang sa tingin mo ikaliligaya at gusto mo.. kaya.. yes! tuloy ang plano, may mga pagbabago nga lang pero itutuloy ko ang nasimulan ko na. i’m still going home, then babalik nalang ako dito in time. malay mo may kasama na pabalik. chos!! hahaha. and honestly, that’s keeping me going right now. kahit papaano ay excited pa rin akong ituloy ang matagal ko ng pangarap, to be independent with my own bussiness.  mabuhay ng mag isa. yung tipong ako mag iisip ng ipapamalengke ko, ang lulutuin ko araw araw. dati, ang isipin ang lulutuin para sa kanya pero ngayon ang kakainin ko nalang.. tama na ang 30yrs na si inay ang nag aasikaso ng lahat sa bahay. at oras na para gawin ko na yun para sa sarili ko.hehehe.

everyday is a moving and healing process. bawat araw napapawi ang galit pero hindi ang sakit. ganun pa man, pakonti konting lumiliwanag at habang lumiliwanag nakikita ko din. ikaw pa din ang gusto kong makasama habambuhay. pero hindi ako umaasa sa ngayon. dahil alam kong kailangang huminga.. (malalim)..

nagpagaan lang ngayon dahil suportado ni mama lahat ng desisyon ko, hindi katulad dati na takot ako sa bawat desisyon ko kaya hirap akong panindagan. but now.. free like a bird!! hehehe!!.

im still looking for a better day.. each day. 🙂