again.

Pagdating sa relasyon dalawang desisyon lamang ang higit na pinagpipilian..

TO LET GO

or TO FIGHT FOR IT

Pero paano mo nga ba maititimbang ang dalawang eto?

Walang hindi masakit sa pagpapalaya ng taong mahal o minahal mo. pero iba iba nga lang ang level, depende siguro sa pagmamahal na meron ka para dito o kung paano mo dalhin ang sakit na nararamdaman mo para mapagaan ang sakit. Meron namang pagkakataon na akala mo nalagpasan mo na ang sakit pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan. gets? good! 🙂

Hanggang saan mo nga masasabi na hindi na worth it ang pinaglalaban mo? ano ba ang sobra na? ilang beses kong tinatanong eto sa sarili ko. paulit ulit na nga. nakakaloka! lol.

Ganito lang ka simple para sa akin ang salitang pakikipaglaban sa taong mahal mo. hindi sapat ang mahal mo lang, dapat din kaya mong tanggapin ang mga pagkakamali at mahalin ang kahinaan nito. im just talking about differences. (ibang usapan na kapag may lokohan na nagaganap) dahil hindi na pakikipaglaban tawag dun kundi kamartiran at katangahan. agree? 😀
pero ganun naman siguro pag nagmamahal ka minsan nagiging martyr at tanga ka. (at hindi ko na uulitin yun) lol.

Isa lang siguro ang tamang sagot sa lahat ng katanungan ng pinupunto ng posteng eto..

I-let go mo ang tao kung sa tingin mo kaya mong mawala sya sa buhay mo..

at ipaglaban mo kahit anong mangyari kung sa tingin mo ay hindi mo kayang mawala ang taong eto.

okey, sorry pinahaba ko lang.. hahaha!

35 thoughts on “again.

  1. ..pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan
    _____ ganoon nga. 😦 pagkakataon nga naman. Nasanay na daladala araw-araw…

  2. Paano kung di mo kayang mawala sa buhay mo, e di ipaglalaban mo? E kung di ka naman nya ipinaglalaban? Tama bang ipaglaban mo pa sya? Nagtatanong lang po? Nanggugulo lang.. 🙂

      • Paano kung tatlo kayong nakikipaglaban? 2 babae, isang lalaki? O kaya naman 2 lalaki 1 babae? Hmmm ang gulo! Bakit kasi kelangan makipaglaban? Di ba pwedeng bayaan mo na lang sya? Naniniwala ako na kung talagang tinakda sya para sa iyo, kahit harangan man ng sibat magiging iyo pa din sya. Sayang lang ang mga oras na ibinigay kung pagdating sa huli mawawala din..
        Bakit kelangan ipagpilitan angkinin ang isang tao na maging iyo? Kung tutuusin lahat naman tayo pinanganak ng walang kasama, pag namatay wala din kasama.. Di ba pwedeng maging masaya sa kasalukuyan? Di naman natin hawak ang bukas.. Kung mawala man sya bukas, ang masayang alaala ang magsisilbing kasama sa buhay na tinatahak.. 🙂
        Kulet mode lang ako…. 🙂 gandang araw…

      • hahaha. mrmi pong ganyan ate binky. siguro ang tama ay ipaglaban mo kung sa tingin mo ay sau p rin. i mean sa pakiramdam mong mahal ka pa. pero kung alam mo naman na may mahal na syang iba bakit mo pa pagpipilitan ang sirili mo? yun ang maling pakikipaglaban na ata. sabi nga nila kung nakatakda yun ang magaganap, pero sa opinion ko po ikaw ang gumagawa ng sarili mong istorya ng buhay mo. kung pipiliin mong hindi ipaglaban ang mahal ko baka tuluyan na syang mawala at hindi na bumalik. kaya nga siguro may mga matandang dalaga o binata kasi siguro hinayaan nyang mawala sa kanya ang nakalaan para sa kanya at mas piniling mag isa. kasi ang pinaniniwalaan ko ay meron at meron isang tao na itinakda sayo ang diyos para makasama habambuhay.. ayan na!! teleserye na tau ate binky!!!! hahahah

  3. kelan naging simple ang pakikipaglaban?
    siguro mas maganda ung tipong Mr. and Mrs. Smith ang peg!aksyon kung aksyon hahahaha!
    ganun ang klaseng pakikipaglaban, karinyo brutal lols!

    pero kung wala ka namang dapat ipaglaban o labanan, pinapagulo mo lang buhay mo..
    life is complicated, and we are the one who makes =))

    parang ikaw lang :p

  4. hello, kayds… haha, okey sa post ang isang bata… laban kung laban, die fighting! hehe… 😉

    there was this guy from a long time ago. nuknukan ng gwapo ito, preppy and insecure sa buhay. MU kami, as in MU ba? karinyohang bonggang-bongga, no agreement whatsoever. we like each other a lot. nasa States na sya, matagal na…

    even before, I let him go – agad – after more than a year of togetherness, ‘ika nga. di ko sya ipinaglaban kasi nga, he’s too gwapo, too preppy and too insecure. in short, hindi tao ang kalaban ko no’n kundi economic, social and cultural differences, kumbaga.

    ang tanong, do i regret having let him go? parang hindi. tingin ko noon, it was a battle i couldn’t win. pero nagkausap kami before he was to fly sa States. he said he regretted it. that he could have taken “us” more seriously. naduwag daw sya and he was a fool. sya ang may sabi…

    ano nga ang sabi ni Bob Ong? kasi, walang nakipaglaban para makasama ka sa habambuhay… shaks na Bob Ong yan, ah. 😉 happy Friday!

    • hi ate, bkt sya insecure kung gwapo nman pla sya. sb u nga m.u lng kau kaya cguro hnd gnun khrap sau ang pag let go s knya. pero sna kung pnaglaban u te edi sna andto kna aa states din oh hehehe.. tama! pano mo mkakasma hbambuhay ang isang tao kung hnd mo ipagllban 🙂

      • hello, kayds… dear, kapatid, indi rin daw ako panget, pero insecure din ako, haha. i guess his insecurity comes from his relationship with his father, who is out of the country most of the time – successful si fadir & a wizard of sort.

        ’twas painful letting him go – years din ang dusa ko, banda ro’n, hehe. especially since sa lahat ng dumaan, ‘ika nga, sa kanya ko gustong magkaanak. and i was sure that even after he left the country already, pag magkita kami, we would still like each other, na di mawawala ang attraction sa isa’t isa… marami-rami kaming common friends before, dagdag na nagpahirap…

        o, e, di nga ba’t di nya ako ipinaglaban? haha, ‘yun yon. he didn’t endeavor na kilalanin talaga ang lola mo… at that time, what was the point fighting for someone na sure kang wouldn’t go the distance for you – tingin ko, ha… kailangan nya munang maabot ang ambisyon, ma-approximate si father. di nya inisip na gawin akong katuwang sa isyu nya. ‘yon, hehe.

        masyado pati syang cono – driving shoes pa lang nya, mas mahal pa sa isang buwang allowance ko sa college, haha. sobrang promdi pa naman ng lola mo, tapos at that time, he was partying around a lot – typical cono… magkalayo masyado ang sensibilities namin, i guess…^^

        ayon… happy Monday, kaway-kaway…

      • hmmm gnun? teleserye lng ang drama teh? hehehe.. ahhh. kaya pla e, may gus2 muna patunayan. e may asawa naba? malay u te kau p rin at d end? 😀

        oo nga pla. ako.naman pangit na insecure! waaahhhhh. hapi monday ate!!!

      • haha, mahilig ka sa happy ending, kayds? ah, ganto, tantya ko, 9 to 11 years old na ang kids nya…

        weh, kita ko kaya ang pics mo, noh? 😉 basta, ang alam ko, mas mababagsik ang drama ng totoong buhay kumpara sa drama sa teleserye. what say you, kapatid? 😉 happy Tues, kaway-kaway

  5. kapatid, ba’t walang bago rine? ^^ i hope you are okay… dito ko gustong magbasa, kapatid. doon sa kabila mong site, uragon do’n, hehe. hello, kayds… btw, dati, nakakaintindi ako ng onti-onting bicolano, as in. may bro-in law, may uncle-in-law akong bicolanos. ilan din ang friends ko in college na from your province – ang gagaling nila, ang tatalas, as in… at saka pala, i’ve worked with several politicians from your region before, hehe. magagaling sila, idea-wise. ayon lang… kinukwento lang kita. i hope di ka ma-problema or at least, di simbibigat ng kaproblemahan ko ang dinadala mo, whehe. ingat, kapatid and keep well. my regards 😉

  6. Nung nag-break kami ng ex ko, una hindi ko matanggap. Pero nang tumagal, bigla kong narerealize yung katotohanan. At isa yun sa pinakamahirap. Hindi mo alam na habang kayo pa, meron na pala syang iba. Worse, ex nya pa yun, binalikan nya lang. yung feeling na parang pinagmukha kang tanga? Mahirap. Lalo na kapag makikita mo na sila ulit at kailangan mong mag-pretend na ok lang lahat. Na wala kang nararamdaman kasi kailangan mo silang harapin kundi magmumukha kang bitter at mahina. Lahat yan naranasan ko na. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako takot magmahal ulit. Siguro yung mga tao kaya sila natatakot magmahal kasi ayaw nilang masaktan. Ayaw nila maramdaman yung nakakapanghinang sakit. Yung nakakamatay na sakit. Yung nakaka-walang ganang sakit. Pero kahit ano pang klase ng sakit yan.. pareho lang: Masakit pa din. Oo sa una nakakapanghina at ang hirap tiisin pero eventually, marerealize nating lahat na ito mismo yung makakapagpa-lakas sa atin. Kailangan lang nating maramdaman at maranasan para sa huli tayo ang mas malakas at mas matatag.

  7. I got this site from my buddy who informed me concerning this web page and at the moment this time I am browsing this web page and reading very informative content here.

Leave a comment