again.

Pagdating sa relasyon dalawang desisyon lamang ang higit na pinagpipilian..

TO LET GO

or TO FIGHT FOR IT

Pero paano mo nga ba maititimbang ang dalawang eto?

Walang hindi masakit sa pagpapalaya ng taong mahal o minahal mo. pero iba iba nga lang ang level, depende siguro sa pagmamahal na meron ka para dito o kung paano mo dalhin ang sakit na nararamdaman mo para mapagaan ang sakit. Meron namang pagkakataon na akala mo nalagpasan mo na ang sakit pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan. gets? good! 🙂

Hanggang saan mo nga masasabi na hindi na worth it ang pinaglalaban mo? ano ba ang sobra na? ilang beses kong tinatanong eto sa sarili ko. paulit ulit na nga. nakakaloka! lol.

Ganito lang ka simple para sa akin ang salitang pakikipaglaban sa taong mahal mo. hindi sapat ang mahal mo lang, dapat din kaya mong tanggapin ang mga pagkakamali at mahalin ang kahinaan nito. im just talking about differences. (ibang usapan na kapag may lokohan na nagaganap) dahil hindi na pakikipaglaban tawag dun kundi kamartiran at katangahan. agree? 😀
pero ganun naman siguro pag nagmamahal ka minsan nagiging martyr at tanga ka. (at hindi ko na uulitin yun) lol.

Isa lang siguro ang tamang sagot sa lahat ng katanungan ng pinupunto ng posteng eto..

I-let go mo ang tao kung sa tingin mo kaya mong mawala sya sa buhay mo..

at ipaglaban mo kahit anong mangyari kung sa tingin mo ay hindi mo kayang mawala ang taong eto.

okey, sorry pinahaba ko lang.. hahaha!

pagsuko sa laban.

Gugustuhin mo bang manuod kapag si  Manny *Pacman* ay nakikipag laro ng boxing sa loob ng ring na mag isang lumalaban? paano, yung kabilang panig ay halata namang hindi na lumalaban sa hindi masabing dahilan.. siguradong magmamaktol ang mga fans na nagbayad para sa laban na iyon. aktwali nangyari sa amin iyon, yung unang laban ni Manny dito sa vegas. bumili kame ng pay per view para makanuod. at lahat ay excited pati si mama ko na may anxiety ay inunahan ng uminom ng gamot dahil sigurado daw na ma-tetense sya sa laban.. pero anong nangyari? waley!!!! hindi pa man umeepek yung gamot ay nanalo na agad si Manny!. hindi ko matandaan kung nakailang round lang sya.. inis na inis si mama.. at pakiramdam ko din ay nag aksaya lang kame ng binayad. parang appetizer lamang ang ibinigay na excitement.. kaya mula nuon ay hindi na kame bumibili ng pay per view, sa halip ay pinapanuod nalang sa news. oh diba nakatipid pa! hehhehe..

Kapag sinabi mong *laban* o labanan, eto ay may bilang na mahigit sa isa. malamang! alangan naman na labanan mo ang sarili mo?? hakhak! mapa sports o away at suntukan lang sa may kanto.. gugustuhin mo bang ikaw lang ang nagbibigay effort samantalang yung isa petiks lang at walang pake kung matalo? walk out na! 😀

Kagaya din ng pakikipaglaban sa pagmamahal ay sympre hindi pwedeng mawala eto! ahihihi.. walang salitang laban o pakikipaglaban na nagaganap kung ang isa ay sumuko na. may laban ka pa ba dun? wala na hindi ba? para ka nalang nakikipag laban sa hangin o sa sarili mo. ang pakikipaglaban naman ay may kasamang pagmamahal. matinding pagmamahal.. sa bawat relasyon walang problem free. lahat ay kinakapitan nito. pero depende nalang sa pagmamahal na meron ka para malagpasan ang mga eto. sa pamamagitan ng pakikipaglaban. 

Maikukumpara ko ang isang relasyon sa isang silya.. dalawang paa na nagsisilbing pundasyon pero kapag nawala na ang isang  paa, waley na!

May mga sitwasyong isa nalang ang lumalaban kasi sya nalang ang nagmamahal kaya wala na talagang pag asa yon, suko na! pero swertihan kung dalawa kayong handang lumaban. panalo!

Naalala kong may nag sabi na para lang daw akong nag sasaranggola, at sya ang saranggolang hawak ko kaya mawawala lang sya kapag ako ang bumitaw.. pero mali pala.. nagkabaliktad. ako ang naging saranggola at sya ang bumitaw.. buhay nga naman.. so unpredictable talaga!

tapos na ang counting.. hindi nako aasa pa..

the end…

3rd day..

sad..

gusto kong pumunta sa isang lugar kung saan pwede kong ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko. tapos may kasamang pwedeng maging si spongebob ko, na pwedeng mag absorb ng sakit. yung nakikinig lang habang hinihimas ang likod ko habang humahagulgol na nilalabas lahat ng excess baggage sa dibdib ko.. tapos* yakap* 🙂

kaso wala naman gagawa nun. kasi lahat sila nasa malayo.. haysss. i wanna go home badly.. 😦

doc time!

Ang aga ng mga medical test kanina, at yung isa na ang tawag ay nuclear medicine test ang ayaw ko ng maulit.. sobrang boring! omg! pero slight lang kasi buti ay kulang ang tulog ko kagabi kaya mabilis akong antukin..

Anyhow.. ang procedure na yun ay pakakainin ka ng sandwich, well magdadala ka ng sarili mo. at may instructions, kelangan may mayo and its either chicken or egg ang ilalagay mo. egg sandwich ang ginawa ko kasi may mabilis gawin.. at infairness hindi na masama ang ginawa ko kaya naubos ko ang isang sandwich..

And after kumain, pahihigain ka tapos meron machine na nakatapat sa katawan mo most likely sa bandang tyan kasi ang silbi ng procedure na yun ay titignan nila kung gaano kabilis mag digest sa tyan ko.. and omg! 90mins lang naman ako nakahiga! at bago magsimula ang oras ng paghihintay, takot ako. hindi dahil sa procedure. kundi baka hindi ko maiwasang mag emote. ayoko kasi ng sobrang tahimik sa ganitong yugto ng buhay ko. chos! arte lang! hahahah.. eh eto na nga kung hindi ba naman bwusit yung doctor na yun.. binigyan pako ng background music! akala nya siguro matutuwa ako sa ginawa nya! hahaha!! okey lang sana kung mga tipong call me maybe ang tema. kaso mga tipong ‘just once pa’ come on! sinusubok talaga ang tibay ko minsan e noh?!

And god is good talaga.. coz i win! hakhak! pagpikit ko ng mga mata ko, pinagnasaan ko nalang si doc ang gwapo kasi! ahihihihi.. at ayun hanggang sa naka idlip ako.. at ayun bumilis ang oras at hindi namalayang at narinig kong sabi na 9mins left. yahooo!!

Pero ayaw ko na talaga yung procedure na yun! pero gagawin ko pa ata yung liquid part.. liguid naman ang gagawin sa susunod.. pero sana hindi na.. 😦 (crossfinger)

** iaask ko sana na kuhanan ako ng pic sa doc kaso hiya ako, baka sabihin mukha ko wengot** hahahah!

fact 2!

image

ang daling basahin hind ba? madaling intindihin. pero kaya mo rin kayang gawin habang ika’y nasasaktan?

things are easier said than done

..just like promises..

wala pang kahulugan ang isang salita hangga’t hindi pa nakikita sa gawa..

kaya huwag agad aasa sa salitang narinig lamang at inilabas ng bibig.

fact!

HUWAG MONG ASAHAN NA MAY SUGAT NA GAGALING KUNG HINDI GINAGAMOT

FIRST AID TEH! HUWAG KALIMUTAN

dahil siguradong ang sugat na napabayaan ay lalong lalala at magdudulot ng impeksyon..

kawawang may sugat napabayaan

random lang..

yung pakiramdam na akala mo malakas ka, walang bakas ng kahinaan ng biglang bubuhos ang mga luha. hindi mapatigil, hindi makontrol. pakuwari na may sariling pwersa na kahit anong sabi mo na wag kang bubuhos, magugulat ka nalang na kusang nagmamadaling umagos sa mukha mo hanggang sa mabasa ang damit na suot mo.. batrip db?! dagdag eyebags at dark circles.

pero kahit anong lakas mo, manghihina at manghihina ka.. na kahit anong tapang mo maduduwag at maduduwag ka.. yung akala mong habambuhay kang kakalma mapupuno at mapupuno ka.

mapang asar ang buhay. un ang totoo!
madalas kong nakikita or nababasa na wala silang ibang sinasabi na kaligayahan lang ang hangad nila sa buhay. isang simpleng salita, madaling isulat pero bakit kaya hirap na hirap ang karamihan na makuha eto??

sa mga bagay na madaling pumasok mahirap lumabas.. at sa mahirap pumasok madaling lumabas.. hindi ba pwedeng kung madaling pumasok madali ka ding makalabas?

sana ang buhay ay maging isa sa mga teleserye na pinanunuod ko. yung isang commercial lang ay agad na ang  “after 1,2,3,4,5 yrs” pag balik ng programa,  yun bang ganun kadali malagpasan ang mga pinagdadaanan mo. ganun kabilis maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

para lang akong isang laruang robot na nalaglag ang isang parte nito at ayaw ng gumana, electric fan na wala ng langis kaya hindi na umiikot, tv na na over heat kaya ayaw ng mag on.. at isang battery ng cell phone na over use na akala mo ok pa. pero sa hindi inaasahan biglang napagod na..

hindi porke si Piolo Pascual ka na maraming nagkakagusto sayo. gusto na rin kita!

Sa tuwing lumalabas ng stage sa ASAP si Piolo Pascual nagtitilian ang mga babaeng halos wala ng boses na mailabas. makikita mo naman sa mukha ni piolo ang beautiful eyes look nya..

Aaminin ko, noong una na nagsisimula na syang sumikat nagustuhan ko din sya. lalo pag kinakanta nya ang awitin nyang” kailangan kita” hunk na hunk ang lalakeng maganda ang boses. at oo dagdag points sa akin ang lalaking maganda ang boses..

Pero subalit datapwat, unti unti ay napapansin ko ang pag sobra ng pagpapa kyut ni Piolo.. hindi na tama eto, may nakikita akong mali..

ay.. ayaw ko na sa kanya..(oo alam ko naman na ayaw din nya sa akin) hehehe!

hanggang sa may nababalitaan na ako na bading daw sya.. hindi ako nagulat. ah basta hindi lang ako nagulat! 😀  at tuloy pa rin ang tilian ng mga kababaihan sa kanya sa kabila ng tsismis.. siguro hindi nila nakikita ang nakikita ko.. o well.. buhay nila yun! 😀

Hanggang sa mabalitaan ko na sila na ni KC Conception..Aba… ang daming kinilig, natuwa, nainis marahil sa inggit.

nainggit?? oo.. nainggit, dahil nga gwapo, mabango(daw), magandang boses, sikat at higit sa lahat maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. kaya naman malamang na maraming nagsasabi na “sana ako nalang si KC”.. sa madaling salita maraming gustong mapunta sa pwesto na kinalalagyan ni KC..

Pero makalipas ang ilang buwan, pumutok ang balitang hiwalay na sila. nakita kong luhaan si KC na inenterview ni Boy Abunda.. bakas ang sakit na pinagdadaanan at sakit na pinagdaanan nya kay Piolo.. OO.. pinagdaanan, dahil ang akala nilang swerteng KC dahil may Piolo ay puro sakit lang pala ang pinagdaanan sa piling ng hinangad ng iba..

Sa ngayon, sa nakikita ko. masaya si KC sa bagong buhay na hindi kasama ang taong sikat,gwapo at hinahangaan ng iba. bagkus ay MASAYANG namumuhay kasama ang taong hindi kilala, nanahimik sa isang sulok, wala lang sa ibang tao.

Ano ba ang nakain ko at nakwento ko si Piolo at KC? yun na nga e, wala kase ako pagkain kaya bigla nalang ako napa kwento hahahah!!

eto nalang…

Basta ako.. hindi malaking kawalan sa AKIN ang walang Piolo Pascual sa buhay ko kahit pa maraming babae ang naghahangad sa kanya. dahil ang ituturing kong Piolo sa buhay ko na titilian ko hanggang maubos ang boses ko, ang pagpupuyatan ko para lang masilayan at kahit maubos ang lahat sa akin para lang maibigay sa kanya ay ang taong… SIMPLE, MAHAL KO AT HIGIT SA LAHAT.. MAHAL AKO unconditionally (in real sense)..

p.s
pasintabi sa mga taga hanga ni Piolo Pascual.. pero aaminin kong pinapanuod ko ang Dahil sa Pag ibig 🙂

one day+celebration=happiness + reality=sadness

how’s my day yesterday?

ayos! masaya !sad! kilig! kakaiyak! bored! (waaaa sama sama?) OO! ahaha. adik lang! nyahahha…

ang totoo sa anim na beses na bertdey na pinagdiwang ko dito sa kinaroroonan ko ngayon ay masasabi kong eto ang pinaka masayang taon.. i dont usually celebrate my birthday anymore.. madalas nga may work ako, so lumilipas lang na parang ordinaryong araw, mga bati na nakasanayan ko na dahil sa sila sila  rin naman ang mga bumabati sakin taon taon..

pero etong taon na to ang masasabi kong pinaka espeyal.. lumundag ang puso ko sa saya, nakiliti ang puso ko sa kilig at lumuha ang mga mata ko sa kaligayahan..

and what makes my day so especial yesterday?

~~~ napangiti ang puso ko sa mga greeting pix  at dotcom na natanggap ko

~~~ napangiti ang puso ko sa greeting na nakita ko sa fb wall/inbox

~~~ napangiti ang puso ko sa regalong binigay ni kikilabotz (tnx mahlabz, uber tats ako) at naiyak ang isang family member dahil sa tats! lolz.

~~~ naiyak ako sa isang mensahe na natanggap ko.. inaasahan ko naman ang pagbati mo pero hindi ko inaasahan na maluluha ako sa mga sasabihin mo.. (en i will olweiz be ur lil kayedee too) 😉

~~~ first time kong mag skype ehehe. at ng bagong gising pa! (nagtutbras naman ako bago makipag usap) lolz.

~~~ muntik nako magtampo buti humabol (eh that makes the celebration complete)

~~~ tats ako sa mga nagtxt (niwala na ako na malakas ako sayo, hoy ka din!) and tnx mga sis mahal ko kayo!

~~~ sobrang saya ko sa mga tumawag. (that makes me feel so especial) naks!

~~~ a greet from ym… kasabay ng kiliti sa aking puso at ngiti ng mga labi ay ang pagbagsak ng mga luha (bkit? sa tuwa?) hindi ko din alam.. OO! . . naisip ko ng may chance na babatiin mo rin ako, pero hindi ko inexpect na mangyayari yun..salamat na din!

kaya naman i could say na masaya talaga ang aking nagdaan na kaarawan..so meaningful..salamat sa inyo.. at salamat sa panginoon…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

oo nah! mukha lang 18.. nyahaha..

gift for myself

LETS GET  BACK TO REALITY….

tapos na ang isang araw na saya..isang araw na pwede kong masabi na isang magandang panaginip na masarap balikan.. kailangan ng harapin ang realidad na hindi ganun kasaya ang buhay. dahil hindi araw araw ay pwede sila tumawag at magtxt at higit sa lahat ay hindi araw araw na mararamdaman kita..

kasama sa ginawa ko kahapon ay ang pagbasa ko ng lahat ng poste ko mula simula hanggang sa mga komento.. nabaliktanaw ko ang mga dating madalas dumadalaw at nakakakulitan ko na hindi ko na nararamdaman ngyon (o well).. at sa mga kaibigang mula nuon hanggang ngayon ay nandyan pa rin.. nakakatuwa lang!

at ang totoo.. nakakalungkot dahil kelangan ko ng iwanan pansamantala ang wordpress.. mahirap mang iwan ang mga bagay or taong napamahal na pero gnun talaga ang buhay parang life lang.. kailangang harapin ang bagong buhay! nyayyy ang cheesy much! ahaha lolz..

MGA FRIENDS SANA SUNDAN NYO AKO SA BAGONG BAHAY KO….(lika habulan tayo) eheheh..

p.s

sana araw araw nalang ang bertday! 😉

basahin,may matutunan ka!

PAALALA: WALA KAYONG MATUTUNAN PAG HINDI BINASA NG BUO.


  1. two nights na hindi nakapag in sa net but seems like forever na!
  2. at dahil jan marami ako namiss
  3. natuwa ako dahil my nagbigay ng advance gift for my bday sakin kahapon na fren
  4. my nag pm sa ym na isang tao(malamang hindi hayop!) na hindi ko inaasahan ever, few days ago
  5. wag kayong manghihingi ng payo kay kikilabotz kung ayaw mong mabato ng keyboard ng pc, makonyatan, at madukutan ng mata!
  6. at pasaway ang assignment nya sakin na hanggang ngyon hindi ko pa nasisimulan!
  7. ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hindi na ako magpupuyat hanggang 3am pero ginagawa ko pa rin! tsk!
  8. sinimulan kitang mahalin bilang kaibigan at natapos din ang pagmamahal na yon bilang kaibigan
  9. yes! day off ko tomorrow!
  10. maigsi lang ako mag post ng mga entry ko.. (pansin nyo?)
  11. ilang beses na tayong nagpaalam sa isat isa at ilang beses ng pumatak ang mga luha
  12. kung natuturuan ang puso, ituturo ko sa puso ni  enchong dee na mahalin  ako
  13. i love you but im not inlove with you
  14. nag poste ng walang kwenta para lang malabas ang tinik sa dibdib(nakain ko ang isda ng buo, sori naman)
  15. hanggang 15 lang dahil eto ang paborito kong numero

p.s
kelan mauubos ang
mga luha ko?

spell K-A-I-B-I-G-A-N?

ako’y sobrang nagtataka at nalilito


ano bang meron ako para hindi maintindihan  ng isang tulad mo?


ano bang meron ka at hindi  lubusang maintindihan ng isang tulad ko?


ilang beses akong nagtangka at ilang beses ka ring nagtangka


pero bakit paulit ulit tayo bumabalik sa ating pinagmulan?


ang ating blankong nakaraan?




ano ba kaya mong ibigay sa isang kaibigan?


ano ba ang kaya kong ibigay sa isang kaibigan?


tiwala? katotohanan? ngiti? oras? kwento?


bakit nakakalimutan natin na kailangan din natin mag bigay ng pang uunawa?


pang uunawa na isipin na iba ka, iba ako!


at dahil sa pagkakaiba nalilimutan na minsan nagbibigay ito ng problema.




isa lang ang alam ko…


kung hindi kaya ang salitang unawa at pagtanggap


marapat na huwag nang ipilit na ipasok baka masugatan lang at masaktan

(uyy wag bigyan ng malisya) lolz


kung isang mahinang bagyo lang ang kayang tawirin mas mabuti pang

lumikas na ng maaga ng makaiwas sa pinsalang maaring idulot nito..


ANG INGAT BA AY KATUMBAS NG PAALAM??


xge manghula ka!

dalawa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi natin masabi ang katagang

” TAPOS NA TAYO!”

AYAW MONG MASAKTAN XA!

OR

AYAW MONG MAWALA XA!

(bakit meron pa bang ibang rason?)

P.S.

i appreciate ur honesty
but im a lil bit hurt,dunno why!
u want truthfullness?en so do i…
(anung connection?trip q lang! nyahha)

ggrrrrrr…..

nakakainis….. pwede bang sumigaw?

pwede bang magmura?

ggrrrrrrr….   im so PISSED OFF!!!

at BAKIT??  banggain ba naman ang kotse u !!! another grrrrrrr…..

at sabayan pa ng mga taong ma epal…

” why u did’nt call the cops??”

what the…. ” how would i know!! ”

buwisit! sasakyan ko na nabangga ako pang sinisisi!!…….

I AM SO EXHAUSTED!! ………. right now 😦