again.

Pagdating sa relasyon dalawang desisyon lamang ang higit na pinagpipilian..

TO LET GO

or TO FIGHT FOR IT

Pero paano mo nga ba maititimbang ang dalawang eto?

Walang hindi masakit sa pagpapalaya ng taong mahal o minahal mo. pero iba iba nga lang ang level, depende siguro sa pagmamahal na meron ka para dito o kung paano mo dalhin ang sakit na nararamdaman mo para mapagaan ang sakit. Meron namang pagkakataon na akala mo nalagpasan mo na ang sakit pero ang katotohanan lamang nito ay nasanay ka nalang kaya nasasaktan ka na lamang na hindi mo namamalayan. gets? good! πŸ™‚

Hanggang saan mo nga masasabi na hindi na worth it ang pinaglalaban mo? ano ba ang sobra na? ilang beses kong tinatanong eto sa sarili ko. paulit ulit na nga. nakakaloka! lol.

Ganito lang ka simple para sa akin ang salitang pakikipaglaban sa taong mahal mo. hindi sapat ang mahal mo lang, dapat din kaya mong tanggapin ang mga pagkakamali at mahalin ang kahinaan nito. im just talking about differences. (ibang usapan na kapag may lokohan na nagaganap) dahil hindi na pakikipaglaban tawag dun kundi kamartiran at katangahan. agree? πŸ˜€
pero ganun naman siguro pag nagmamahal ka minsan nagiging martyr at tanga ka. (at hindi ko na uulitin yun) lol.

Isa lang siguro ang tamang sagot sa lahat ng katanungan ng pinupunto ng posteng eto..

I-let go mo ang tao kung sa tingin mo kaya mong mawala sya sa buhay mo..

at ipaglaban mo kahit anong mangyari kung sa tingin mo ay hindi mo kayang mawala ang taong eto.

okey, sorry pinahaba ko lang.. hahaha!

step

Love is something you cannot force.

Hindi mo kailangang magsalita ng pangalawang beses sa taong mahal ka. dahil kusa ang puso sa pagsunod sa tinitibok at kagustuhan nito..

Pero kapag walang pagnanais ang puso, kahit lumuhod ka pa ng paulit ulit at umiyak ka ng dugo wala kang mapapala at makukuha. hindi mo mapapa sa iyo ang pusong hinahangad.

sabi nga sa kasabihan

kapag gusto maraming paraan at kapag ayaw maraming dahilan..

at may dahilan ang bawat dinadahilan.

i failed to make one step backward so
i just wanna make one step forward. kahit isa lang..

pagsuko sa laban.

Gugustuhin mo bang manuod kapag siΒ  Manny *Pacman* ay nakikipag laro ng boxing sa loob ng ring na mag isang lumalaban? paano, yung kabilang panig ay halata namang hindi na lumalaban sa hindi masabing dahilan.. siguradong magmamaktol ang mga fans na nagbayad para sa laban na iyon. aktwali nangyari sa amin iyon, yung unang laban ni Manny dito sa vegas. bumili kame ng pay per view para makanuod. at lahat ay excited pati si mama ko na may anxiety ay inunahan ng uminom ng gamot dahil sigurado daw na ma-tetense sya sa laban.. pero anong nangyari? waley!!!! hindi pa man umeepek yung gamot ay nanalo na agad si Manny!. hindi ko matandaan kung nakailang round lang sya.. inis na inis si mama.. at pakiramdam ko din ay nag aksaya lang kame ng binayad. parang appetizer lamang ang ibinigay na excitement.. kaya mula nuon ay hindi na kame bumibili ng pay per view, sa halip ay pinapanuod nalang sa news. oh diba nakatipid pa! hehhehe..

Kapag sinabi mong *laban* o labanan, eto ay may bilang na mahigit sa isa. malamang! alangan naman na labanan mo ang sarili mo?? hakhak! mapa sports o away at suntukan lang sa may kanto.. gugustuhin mo bang ikaw lang ang nagbibigay effort samantalang yung isa petiks lang at walang pake kung matalo? walk out na! πŸ˜€

Kagaya din ng pakikipaglaban sa pagmamahal ay sympre hindi pwedeng mawala eto! ahihihi.. walang salitang laban o pakikipaglaban na nagaganap kung ang isa ay sumuko na. may laban ka pa ba dun? wala na hindi ba? para ka nalang nakikipag laban sa hangin o sa sarili mo. ang pakikipaglaban naman ay may kasamang pagmamahal. matinding pagmamahal.. sa bawat relasyon walang problem free. lahat ay kinakapitan nito. pero depende nalang sa pagmamahal na meron ka para malagpasan ang mga eto. sa pamamagitan ng pakikipaglaban.Β 

Maikukumpara ko ang isang relasyon sa isang silya.. dalawang paa na nagsisilbing pundasyon pero kapag nawala na ang isangΒ  paa, waley na!

May mga sitwasyong isa nalang ang lumalaban kasi sya nalang ang nagmamahal kaya wala na talagang pag asa yon, suko na! pero swertihan kung dalawa kayong handang lumaban. panalo!

Naalala kong may nag sabi na para lang daw akong nag sasaranggola, at sya ang saranggolang hawak ko kaya mawawala lang sya kapag ako ang bumitaw.. pero mali pala.. nagkabaliktad. ako ang naging saranggola at sya ang bumitaw.. buhay nga naman.. so unpredictable talaga!

tapos na ang counting.. hindi nako aasa pa..

the end…

3rd day..

sad..

gusto kong pumunta sa isang lugar kung saan pwede kong ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko. tapos may kasamang pwedeng maging si spongebob ko, na pwedeng mag absorb ng sakit. yung nakikinig lang habang hinihimas ang likod ko habang humahagulgol na nilalabas lahat ng excess baggage sa dibdib ko.. tapos* yakap* πŸ™‚

kaso wala naman gagawa nun. kasi lahat sila nasa malayo.. haysss. i wanna go home badly.. 😦

doc time!

Ang aga ng mga medical test kanina, at yung isa na ang tawag ay nuclear medicine test ang ayaw ko ng maulit.. sobrang boring! omg! pero slight lang kasi buti ay kulang ang tulog ko kagabi kaya mabilis akong antukin..

Anyhow.. ang procedure na yun ay pakakainin ka ng sandwich, well magdadala ka ng sarili mo. at may instructions, kelangan may mayo and its either chicken or egg ang ilalagay mo. egg sandwich ang ginawa ko kasi may mabilis gawin.. at infairness hindi na masama ang ginawa ko kaya naubos ko ang isang sandwich..

And after kumain, pahihigain ka tapos meron machine na nakatapat sa katawan mo most likely sa bandang tyan kasi ang silbi ng procedure na yun ay titignan nila kung gaano kabilis mag digest sa tyan ko.. and omg! 90mins lang naman ako nakahiga! at bago magsimula ang oras ng paghihintay, takot ako. hindi dahil sa procedure. kundi baka hindi ko maiwasang mag emote. ayoko kasi ng sobrang tahimik sa ganitong yugto ng buhay ko. chos! arte lang! hahahah.. eh eto na nga kung hindi ba naman bwusit yung doctor na yun.. binigyan pako ng background music! akala nya siguro matutuwa ako sa ginawa nya! hahaha!! okey lang sana kung mga tipong call me maybe ang tema. kaso mga tipong ‘just once pa’ come on! sinusubok talaga ang tibay ko minsan e noh?!

And god is good talaga.. coz i win! hakhak! pagpikit ko ng mga mata ko, pinagnasaan ko nalang si doc ang gwapo kasi! ahihihihi.. at ayun hanggang sa naka idlip ako.. at ayun bumilis ang oras at hindi namalayang at narinig kong sabi na 9mins left. yahooo!!

Pero ayaw ko na talaga yung procedure na yun! pero gagawin ko pa ata yung liquid part.. liguid naman ang gagawin sa susunod.. pero sana hindi na.. 😦 (crossfinger)

** iaask ko sana na kuhanan ako ng pic sa doc kaso hiya ako, baka sabihin mukha ko wengot** hahahah!

2nd day..

nanunuod ba kayo ng ONE TRUE LOVE ng GMA? hindi ko maiwasan at mapigilang humagulgol kapag kinakanta na yung kantang…

PANGARAP KO AY IBIGAN KA

haysss! sarap magmahal kagaya ng meron si elise at tisoy πŸ˜€

tuloy ang pangarap.

oh diba emong emo ang title. parang teleserye lang. heheheh!!

sa ilang araw na nagdaan, hindi matahimik ang isip ko.. hind ko alam saan pwedeng mailagay ang lahat ng planong nabuo na.. mga planong pang habambuhay sana.

itutuloy pa ba ang plano o itutuloy ko nalang ang buhay ko dito sa state of calamity? uuwi o hindi? red light or green light? mas madali ba akong gagaling dito, if i stayed? dahil mas malayo?

pero mukhang hindi.. sabi nga nila, life is short. gawin mo ang sa tingin mo ikaliligaya at gusto mo.. kaya.. yes! tuloy ang plano, may mga pagbabago nga lang pero itutuloy ko ang nasimulan ko na. i’m still going home, then babalik nalang ako dito in time. malay mo may kasama na pabalik. chos!! hahaha. and honestly, that’s keeping me going right now. kahit papaano ay excited pa rin akong ituloy ang matagal ko ng pangarap, to be independent with my own bussiness.Β  mabuhay ng mag isa. yung tipong ako mag iisip ng ipapamalengke ko, ang lulutuin ko araw araw. dati, ang isipin ang lulutuin para sa kanya pero ngayon ang kakainin ko nalang.. tama na ang 30yrs na si inay ang nag aasikaso ng lahat sa bahay. at oras na para gawin ko na yun para sa sarili ko.hehehe.

everyday is a moving and healing process. bawat araw napapawi ang galit pero hindi ang sakit. ganun pa man, pakonti konting lumiliwanag at habang lumiliwanag nakikita ko din. ikaw pa din ang gusto kong makasama habambuhay. pero hindi ako umaasa sa ngayon. dahil alam kong kailangang huminga.. (malalim)..

nagpagaan lang ngayon dahil suportado ni mama lahat ng desisyon ko, hindi katulad dati na takot ako sa bawat desisyon ko kaya hirap akong panindagan. but now.. free like a bird!! hehehe!!.

im still looking for a better day.. each day. πŸ™‚

truth!

walang salita na pwedeng magpagaan ng nararamdaman ko ngayon..

i just lost my life.. horrible right?

but i’m okey.. do you believe it? πŸ˜€

i’ll be better in time.. sana!

hindi ko ugali ang magpilit ng ayaw na akin.. good!

hindi masama ang makipaglaban para sa taong minamahal.. but with limits!

promises is always meant to be broken.. ouch!

i can’t live without you.. but there is no harm in trying!

pride is the main reason of a broken home.. #relationship!

kapag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan.. tumpak!

i choose to open my eyes and ears this time..

fact 2!

image

ang daling basahin hind ba? madaling intindihin. pero kaya mo rin kayang gawin habang ika’y nasasaktan?

things are easier said than done

..just like promises..

wala pang kahulugan ang isang salita hangga’t hindi pa nakikita sa gawa..

kaya huwag agad aasa sa salitang narinig lamang at inilabas ng bibig.