spell kaibigan.. again..

yup! again. kasi hindi ko alam pang ilang beses ko ng ginamit ang title na eto sa blog ko once, twice? hindi ko alam. at tinamad na akong mag kalkal ng dalawang blog ko. hehehe..

by the way, high-way.. paano mo nga ba mabibigyan ng kahulugan ang salitang kaibigan? kung maraming klaseng ka relasyon, kaaway, kapitbahay at kung ano ano pang kaka. ay marami ring klaseng kaibigan na tinatawag natin.. minsan nga kahit kakilala mo lang pinapakilala mo pa din silang bilang kaibigan mo..

ano ba ang mga klaseng KAIBIGAN na naglilipara ngayon.. eto lamang po ay base sa aking opinion.. pwede din kayong magdagdag kung may kulang akong masambit.

kaibigang maituturing lamang sa loob ng trabaho. yung tipong super close kayo sa loob ng trabaho, kwentuhan, kulitan o nagsasabihan pa ng problema pero pag labas ng trabaho hindi na nagkakasama..

kaibigang kasama mo na sa trabaho kasama pa sa galaan. pero hindi pinagkakatiwalang pagsabihan ng mga private life, kahit mga problema mo.

kaibigang kasama mo palagi sa kasiyahan, gala o ano mang lakad pero pag dating ng kagipitan ay hindi maasahan.

kaibigang palagi mong natatakbuhan kapag may problema ka pero ang hirap kaladkarin kung saan saan kaya madalang mo lang makasama sa mga galaan.

kaibigang madalang nalang magkita pero pag nagkita kayo hindi nagbabago ang pagsasamahan.

kaibigang karelasyon. syempre eto ang magkarelasyon na magkaibigan pa.

kaibigang kahit hindi kayo nagkikita o nag uusap pero alam nyo sa isa’t isa na magkaibigan kayo.

kaibigang plastic! yung tipong mabait pag kaharap ka pero pag hindi na kung ano ano sinasabi hindi maganda tungkol sayo.

kaibigang loyal. yung tipong kakampi mo.kahit anong mangyari. ang kaaway mo ay kaaway nya rin. (ganito ako) hehehe.

kaibigang kabaligtaran ng loyal.friendly kase maybe kaya kahit kinaiinisan at kaaway ng kaibigan ay kinakaibigan pa din. (kahit sa mag karelasyon merong ganito) turn off!!!

kaibigang possessive. yung tipong parang jowa lang kung maka demand. at kung magselos ay higit pa sa jowa.

tinatamad nakong mag isip kaya ibibigay ko na ang klaseng KAIBIGAN na gusto ko at hindi ko alam kung nahanap ko na heheh..

kaibigang hindi lang maasahan sa mga lakaran,galaan, kulitan,kalokohan kundi maasahan din sa gitna ng kagipitan. yung kayang ibigay ang meron sya at kayang gawin ang lahat para tulungan ka,no limit! at syempre loyal at mapagkakatiwalaan.importante yun. (medyo mahirap hanapin eto pero swerte ka kapag nakatagpo ka ng tulad nito.)

*at marami pang klase ng kaibigan kasama na ang mga nakikilala mo lang through social networking like blogging 🙂

BETTER A LIL BIT LATE THAN NEVER!

hindi ko dapat gagawin to kaso naisip ko baka ako maging dahilan ng pagkatalo ni kuya jag sa kontest! ehehehe. aywww! lab ko xa! 🙂

1.) What is your name: KAYEDEE

2.) A four letter word: KISS (paborito ni lee)

3.) A boy’s name: KENGKOY

4.) A girl’s name: KENGKAY

5.) An occupation: KOOK (walang basagan ng trip!)

6.) A color: KRAYONS (lahat ng kulay bakit?!)

7.) Something you wear: kmart (store to, so laht ng kmart product) lol

8.) A food: kangkong

9.) Something found in the bathroom: KETTLE (pag nagpapainit ako ng tubig sa pagligo) lolz

10.) A country: KANSAS

11.) A reason for being late: KATAMARAN

12.) Something you shout: KAPALMOOO!

13.) A movie title: KURACHA ang babaeng walang pahinga

14.) Something you drink: KOOL AID

15.) A musical group: KILLERS, THE

16.) An animal: KANGAROO

17.) A street name: KAYEDEE ST.

18.) A type of car: KIA

19.) An internet site/blogsite: KAYEDEE.WORDPRESS.COM

20.) A song: KAHIT MINSAN

21.) A President’s name: KENNEDY

22.) A cartoon character: KANKURO (from narutro)

23.) Name of School: KENNEDY H.S

24.) A sport: KARATE

25.) A Latin word: KIR (which is French is designates a drink from the Burgundy area of white wine and black current liqueur.) tnx google!

at dahil naubusan na ako ng maitag dahil karamihan ay naitag na siguro….ANG TAG KO AY ANG SINO MANG HINDI MAGBIBIGAY NG PICTURE GREETING! hehehe 🙂

hula..

naniniwala ka ba sa hula??

nuong nasa college ako, palage ako nagpapahula every friday or tuesday’s kase yun daw ang araw na malakas ang      kapangyarihan nito ek-ek! pero it doesnt mean na naniniwala ako ha, wala lang ang saya kase pag my magagandang  sinasabi yung mang huhula bout sakin! ehehe..

ang hindi ko makakalimutan na sinabi one time ng manghuhula sakin eh my nagkakagusto daw sa bf ko na isang kaibigan, so ang iniisip ko yung isang tropa na mejo close nya! yun pala yung bestfren ko na lage kong kasama magpahula! putragis! ahhaha.. (at panu ko nalaman? eh they just cheated on me lang nman!) sucks diba! o well im talking about 11yrs ago! ahahaha..

anyweiz, last friday eh pinahulaan ni ate ko(na nasa pinas) ang mama ko(na nandito kasama ko) sa manghuhula, kase daw etong manghuhula na eto eh uber galing! proven en tested na daw sa lahat ng hinulaan at nagkakatotoo daw ang hula! eh nung pinahulaan nya si mama, tumama naman lahat pero sabi ni mama “aysus! hula nga eh!” .. eh kase hindi  sya naniniwala.. pero ako na excite at sabi ko sa ate ko na ipahula din nya ako next friday (kase friday lang yun nanghuhula eh)..

okey, so the day i’ve been waiting for came! en that was yesterday(friday).. uber excited ako ano lalabas, but at the same time scarry baka my bad news.. ..anyweiz 7 times ang draw nito at ang ilan sa hula ay paulit ulit na lumalabas sa bawat draw.. at eto ang kinalabasan sa hula (gamit ang baraha)..

  • may nagmamahal na foreigner ,maraming pangarap sayo, gustong tuparin
  • itong taon na ito masuwerte,,maraming haharapin na kasayahan , masasaya, (pera , pagibig)
  • may pilipino gusto sya (past na) mahal parin sya, khit my gf na.
  • iniisip ang kapatid ng madalas, napapag-usapan niyong pamilya.
  • maraming pinagdaanang hirap sa buhay
  • lapitin ng selos at inggit
  • may bata pang lalaki ang matinding umiibig at nagmamahal sayo
  • may babaeng may asawat anak na , na may planong hindi maganda sa iyo(may babaeng wag mong pagkakatiwalaan)
  • hindi lulubayan ng lalaking may gusto sayo, mag oofer ng kasal
  • lage kang iniisip ng lalaki, yayaman kah
  • lalaking mahal na mahal ka , gustong magkaanak
  • may pangarap para sa kapatid nya
  • may matatanggap na balita masaya
  • magkakaroon ng masayang buhay
  • may nagkakagusto sayo na babae na may 2 katauhan
    Pero mayaman ito, nasa damdamin lang ang paghanga sayo
  • magtatapat , mayaman,mapera, love na love ka
  • biglaang pagibig , masaya , good luck
  • ugali mo ay mapagmahal pero selosa
  • may haharaping problema,hihingin ng tulong sayo, galing sa malayo, dudulog palang
  • may ma memeet na foreigner(mayaman),ooperan nang magandang buhay, mapapalapit ang loob mo
  • merong kamag-anak na may matinding nagiisip s kanya
  • makakaroon ka ng anak na babae(susuwertihin ka dito)malapit na….
  • Markakaranas ng marangyang kasal
  • maselan ang pagbubuntis. Kailangang alagaan kundi mawawala
  • may pilipino pino problema ka
  • pilipino iniisip ka, magsisikap para sayo

my reaction:

  1. napansin ko lang ang daming lalake ang lumabas! ahahah. (sabi nga ni ate puro labas daw ng king,jack,alas en diamond) lolz.. PERO why do i feel alone?? pwede mo palang maramdaman na nag iisa ka kahit maraming nagmamahal sayo??
  2. it was half of the year na! bakit hindi ko pa rin paramdaman ang swerte?? 🙂
  3. “may bata pang lalaki ang matinding umiibig at nagmamahal sayo” natawa ako dito! (sino nman kaya yun?) ahahaha
  4. “may nagkakagusto sayo na babae na may 2 katauhan,Pero mayaman ito, nasa damdamin lang ang paghanga sayo” at natawa ako dito! wala akong clue! lolz
  5. “may ma memeet na foreigner(mayaman),ooperan nang magandang buhay, mapapalapit ang loob mo” na excite ako dito! sana bukas na yon para mayaman na ako bukas! ahahha
  6. “makakaroon ka ng anak na babae(susuwertihin ka dito)malapit na….” ILOVEIT! 🙂
  7. “Markakaranas ng marangyang kasal” imbitado kayong lahat! eheheh
  8. and the rest of the hula eh masasabi kong totoo at about sa mga guys,, meron akong clue!! (that makes mejo totoo!) ahahaha.

p.s
at knina sa work dumaan na naman,ung kanong mahigit limang taon ng
nangungulit, naisip ko tuloy “baka naman sya ang sinasabing mahal ako at
mayaman, patulan ko na kaya! pero naisip ko hindi naman mercedes benz ang car nya!)
paktay tayo jan! ahahaha..

aliw diba? try mo nang magpahula! eheheeh

LOVE MOVES IN……….?

sabi nila love move’s in mysterious way… pero tell me paano ba naging mysterious ang magmahal??  sige isa isahin natin kung bakit, paano, saan, kelan, at ano tayo magmahal…..

naranasan mo na bang:


~~magmahal sa isang kaibigan- magsisimula bilang isang mabuting pagkakaibigan, pero madedevelope into a romantic feeling
~~ magmahal sa taong hindi pa nakikita- actually uso to ngayon!! ahahah.. syempre sa dami ng social networking sites na sinasalihan like blogging and chatting! en even in texting.  na kahit hindi mo pa nakikita eh nahuhulog na ang loob mo dahil sa palagiang pakikipag usap nyo.
~~ magmahal ng dalawa– minsan sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagmamahal tayo ng higit sa isang tao. (alam nyo bang mas mahirap at masakit  ang nasa posisyon ng namimili kesa sa pagpipilian?) 🙂
~~ magmahal ng mahal ng isang kaibigan or malapit sa puso– eto na siguro ang pinaka mahirap na sitwasyon kung ikaw ay magmamahal, dahil dalawa lang ang pagpipilian mong kalabanin.. ang nararamdaman mo at konsenya mo.
~~ magmahal ng may mahal ng iba– dito pumapasok  si ms/mr martyr! lolz. na kahit my kahati ka eh tatanggapin mo, mabigyan kalang ng kapiranggot na panahon at oras.
~~magmahal ng my mahal kang iba– minsan iniisip ko, kasalanan ba ang magmahal ng iba habang my mahal ka na?? pagtataksil naba ang tawag dito?? para sakin kase, hindi natin kontrolado ang puso hindi gaya ng utak.. kung magmahal man tayo ng iba sa di sinasadyang pagkakataon ay hindi eto kasalanan! magiging kasalanan lamang eto “if you entertain the feeling.”
~~ magmahal sa taong hindi mo nakakasama- well eto ang tinatawag na long distance relationship. sabi nila wala daw nagtatagal sa ganitong set up! dahil sa ibang tao walang silbi ang relasyon kung hindi mo naman eto nakakasama! pero my iilang tao naman na nabubuhay at kuntento sa salitang “LOVE” kahit malayo ang kanilang minamahal.
~~magmahal sa isang ilusyon– pagmamahal sa isang taong hindi ka man lang kilala or nagmamahal ng isang taong malayo sa buhay mo.
~~magmahal sa maling pagkakataon at panahon – hmmmm…alam nyo ba ang kantang somewhere down the road? ayun ang drama nito! 🙂
~~ magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin- awwwts! pero nangyayari eto, madalas! pero anung magagawa kundi lumayo, (biglang wala akong makoment dito lolz) saying move on or letting go is so easy to say but its the hardest thing to do ayyt?!!
~~ magmahal sa taong mahal ka– oh well obvious naman na eto ang uri ng pagmamahal na hinahangad ng lahat.. ang mahalin ng taong ating iniibig! ayieeee

ngayon ipaliwanag mo sakin ang kasabihang “love moves in mysterious way”! 🙂

at saan ka sa mga nabanggit ko?? AMININ! 🙂